mm 6 Jaehyun

16 3 0
                                    

Kyla

It's been a month-wow, umi-english ang lola nyo!?! Pwe!

Halos isang buwan na din ang nakalilipas ng malaman ko ang tungkol sa sekretong relasyon nina Miss Kim at Johnny. Oo, Johnny, ayoko siyang tawaging Sir, enemy kasi kami. Enemy na kami kasi ang hilig niyang mambara at magbiro na hindi naman nakakatawa.

"Kyla!" tawag sakin ni miss Kim mula sa di kalayuan. Lumapit naman ako.

"Yes, Miss?" usal ko sa kanya. Lumapit naman siya sa tainga ko at may ibinulong.

"Mauna ka na sa sasakyan ni Johnny, sususnod ako!" bulong niya kaya napabuntong hininga ako.

Makikita ko na naman ang pagmumukha ng diputang iyon!!!

Well, hindi naman kami magkaaway pero di rin naman kami magkaibigan. Mabait naman siya sakin at mabait din ako sa kanya. Naiinis lang ako sa kanya kapag mag-jojoke na siya, hindi kasi nakakatuwa ang mga biro niya e. Nakakairita. Atag ba kong itukso kay Yuta e may jowa na yon? Sira ulo! Madalas din niyang barahin ang mga sinasabi ko, araw-araw, minu-minuto.

"Saan ba siya banda naka-park?" pilit kong wag ipakita ang yamot ko pero bigo ako.

"Malapit sa starbucks, alam mo naman 'yung kotse niya, 'di ba?" aniya kaya tumango na lamang ako.

Binitbit ko na ang ibang mga gamit niya at sa umalis. Medyo malayo ang starbucks kaya naman napagod ako.

"Hoy!" sigaw ko kay Johnny nang matanawan ko siyang naka sandal sa sasakyan niya. Nang angat siya ng tingin.

Nakapamulasa pa.

Kala mo naman cool. Tch!

"Tulungan mo ko, yop na 'to!" sigaw ko kaya lumapit siya at kinuha ang ibang bitbit ko.

"Asan si Reehae?" tanong niya.

"Susunod na lang daw!" walang gana kong sabi.

Inilagay na namin ang lahat ng gamit ni miss Kim sa compartment ng sasakyan niya at sumakay na ko sa loob.

"Kyla!" tawag sakin ng boses na kilalang-kilala ko.

Hindi ko alam kung papaano ko siya lilingunin. Ang puso ko. Wahhhhh!!!!....

"Uy, Kyla, kinakausap kita." aniya pa kaya kunwaring gulat akong napatingin sa kanya.

"Ahahaha..." tumawa ako ng pilit. Parang mabibilaukan ata ako sa tawa kong iyon. Jusme!! "A-Andiyan ka pala, Jaehyun? 'Di kita napansin. M-May sinasabi ka ba?" pagkukunwari ko.

"Bakit nauutal ka?" biglang singit ni Johnny sa usapan kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Kinakausap, kinakausap kita?" bara ko sa kanya. Muli kong nilingon si Jaehyun na nasa front seat, katabi ni Johnny.

"Musta ka na?" tanong niya kaya napangiti ako.

Ampuso ko, huhuhuhu!!!...

"Ayos lang naman, natibok pa. Hahaha!" nakangiti pa ring tugon ko. Pero para bang pinanganak yata talaga si Johnny para barahin ang bawat sasabihin ko.

"Sino bang itinitibok niyan, ha, Kyla? Si Yuta ba iyan?" bara niya at pasimpleng sinulyapan si Jaehyun.

Peste talaga!!!

"Tumigil ka nga d'yan Johnny, pwede? Baka patigilin ko sa pag tibok 'yang puso mo pag nanggigil ako sayo!" inis na sabi ko. Natawa lang silang dalawa.

Marry Me | j.s. | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon