EPILOGUE

15 0 0
                                    

Johnny

"God!" napabalikwas ako ng bangon dahil sa masamang panaginip ko. May nakabanggan daw si ng bus. Well, sana totoo na lang iyon dahil parang ayokong bumangon ngayon sa kama ko. Ngayon ang araw ng kasal ni Drea at kahit ayokong pumunta ay kailanan parin. Haast. Iniinis kasi ako nipa Taeyong na bitter daw ako kapag hindi ako pumunta. Kaya eto, pupunta ako.

Kahit sobrang labag sa loob ko ay gumayak pa rin ako. Alas-dyis ang kasal kaya pagmamalate ako. Mga eleven siguro ako pupunta para patapos na.

Nang makagayak ay umalis na din ako. Ang bilis ko nga magoatakbo e. Ginagaya kong yung nasa panaginip ko. Para pag nabangga ako at mamatay, mumultuhin ko sila. Pero joke lang iyon pero half meant. Hehe

Nang makarating ako sa simbahan ay marami-rami na rin ang tao. Lahat sila ay nakatingin sa akin.

Problema ng mga to?

Nagdirediretso ako papunta sa harap at napansin kong ako lang ang may naiibang suot sa kanila maliban sa groom na si Kang. Ako daw kasi ang best man. Ayos ah. Sarap bugbugin ng groom.

Papalapit na kong sa harap ng makita ko ang pamiya ko.

Agad kong pinanlakihan ng mata si Dad na masama ang tingin sa akin.

"Bakit ka late? Don't tell me naglasing ka kagabi?" galit sa bulong niya pero bumuntong hininga lang ako.

"Ano naman nayon kung late ako? Pwede naman silang magsimula ng wala ako ah? At ano pala ang ginagawa niyo dito? Suppoting your ex-daughter-in-law and his ex-husband na naging kirido na naging asawa ulit-Aray!" Sabi ko kaya nakatanggap ako ng malakas-lakas na batok.

"Nanahimik ka na nga! Nandito ko para kung sakaling tumutol ka may pipigil sayon" sabi niya. Grabe, hindi manlang nila naisip na nasasaktan ako sa ginagawa nila? Napatingin ako kay mom at mga kapatid kong babae. Pawa silang nakangiti sakin. Mukang masaya pa sipa na nasasaktan ako e. Hayup na yan. Ansarap nilang ibaon kung di ko lang sila pamilya.

Ilang sandali pa nagsimula na ang pagkanta ng mga kaibigan ko. At since best man ako. Hindi ako makakanta.

May humintong puting kotse at inuluwa non si Drea with her white simple but elegant gown. Ang ganda niya. Nakakatawa man pero sa mga oras na to gusto kong umiyak. Dahil alam kong hindi ako ang kasama niyang haharap sa altar. Natauhan ako ng maramdaman kong nabasa ang kanang pisngi ko. Mabilis ko naman iyong pinahidan gamit ang kamay ko. Umiiyak na pala ako. Nangako pa naman ako na hindi ko na siya iiyakan pero eto ako ngayon. Unti-unti na siyang naglakad papalapit kasama ang papa niya. Nang tuluyan na siyang makalapit sa amin ay umatras ako ng bahagya para bigyang daan ang groom na nasa gilid ko pero laking gulat ko ng abutin ng papa ni Drea ang kaliwang kamay ko at inabot sa akin ang kaliwang kamay ng anak niya. Naguguluhan akong tumimgin sa kanila. Si Drea naman ay ngiting-ngiti.

Dun na ko nagsimulang magtaka at para na ring kinakapampag ang puso ko dahil sa mga nagyayari.

"T-Teka? A-An-"

"Ingatan mo siya ijo. Alam kong mahal mo siya at mahal ka niya kaya wag mo siyang sasaktan. Ingatan mo siya. Bigyan mo siya ng masaya at buong pamilya. Lagi mong intindihin at mahalin sa lahat ng oras. Ipinapaubaya ko na siya sayo at sana lang ay magtuloy-luloy na to." sabi niya ng may matamis na ngiti sa mga labi. Dahil sa mga katagang yon ay nanlambot ako at hindi ko na mapigilang hindi umiyak. Hindi ko talaga kaya. Pramis. Kung ganon ay pakulo lang nila ang lahat dahil ang totoong groom pala ay ako. Kaya pala ganon na lang ang pagpupumilit sakin nila Yuta at Taeyong. Paniguradong kasabwat silang lahat pina na si Tandang Sooman. Napasulyap ako sa mga kaibigan kong kumakanta. Nakangiti silang halat sa akin pero sinamaan ko sila ng tingin laya nag-peace sign na lang sila.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 19, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Marry Me | j.s. | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon