mm 10 My Past⚠

19 3 0
                                    

Warning: nakakabitin.

Kyla

"Drea!?" bigkas ni Johnny sa pangalan ko. Halata na sa boses niya na may tama na siya.

Heto kami ngayon, nagiinom. Ang dapat sanang masayang inuman dahil sa pagbubukas ng resto ko ay nauwi sa inuman ng mga broken hearted. Paano ako naging broken hearted? Ayoko nang pag usapan pa ang bagay na iyan.

"Mhh?" tugon ko sa kanya.

"Lasing kana?"

"Hindi ah!" pag sisinungaling ko kahit ramdam ko na medyo may tama narin ako.

"Naranasan mo na ba ang mag mahal?" natigilan ako sa tanong niya.

Kung alam mo lang!

"Oo naman!" pinilit kong ngumiti at iniwasang alalahanin ang nakaraan ko. Ang alalang hindi ako nilulubayan.

"Nasaktan ka rin ba, gaya ko?" nangilid ang luha ko sa tanong niya.

"Ang sakit palang mawalan ng taong minamahal mo, no?" muling tanong niya.

Nanadiya ka ba, ha, Johnny?

Hindi ako kumibo kaya muli niya akong nilingon.

"Umiiyak ka ba?"

Mabilis kong pinahid ang mga luha ko na hindi ko man lang namalayan na tumulo na pala.

Tumawa ako ng pilit sabay tanggi. Pero hindi ko na talaga kinayanan pa. Sobrang biggat na ng dinadala ko. Lalo na ngayon. Malapit na ang birthday niya. Ang araw kung kailan nagsimulang marisa ang pangarap ko para sa pamilya ko.

Napahagulgol na ako. Iyong biggat na matagal ko nag dinadala ay lumabas na. Iyong bombang matagal nang gustong sumabog sa loib ko ay sumabog na. Marahil siguro sa ispiritu ng alak ay hindi ko na nakontrol ang damdamin ko.

Iyong parehong pakiramdam na naramdaman ko noong nawala siya sa akin ay nagbalik. Iyong sakit at paghihinagpis. Iyong parang gusto ko na ring mawala dahil tatlong minamahal ko ang nawala sa akin.

Lalo pa akong napahagulgol nang yakapin niya ako at ikulong sa magkabila niyang mga bisig. Pawang mahigpit at tila ba ayaw na akong pakawalan.

"Shh! Don't cry!" alo niya sa akin. "Maybe we're destined for each other because we're the same!" hinagod niya ang likuran ko.

"If you don't mind, you can tell me everything. Everything that make your heart aches.!"

Doon palang ako humiwalay. Hindi naman siguro masama kung magkukwento ako.

"Noong high school ako..." panimula ako. Pinahiran ko ang luha ko at inayos ang boses ko. "Nabuntis ako ng bestfriend ko. Sinet up kami ng mga classmate namin dahil maraming galit sa akin. Mula kasi noong magaral ako ay lagi akong nasa honor." napangiti ako ng bahagya. Nanatili naman siyang nakikinig.

"Sunod din ako sa hulo ko dahil kay papa. May pinsan at bestfriend akong napakagugwapo, kaya iyon. Maraming naiinis sa akin kahit wala naman akong ginagawa sa kanila!" napabuntong hininga ako.  "Sinet up nila kami. Nabuntis ako at napilitang makipag live in sa murang edad. Naging maayos naman ang lahat dahil suportado kami ng pareho naming mga magulang. Hindi kami nahirapan hanggang sa maisilang ko ang batang lalaki." doon na nagsimulang mabasag ang boses ko.

"Don't cry. I'm here, okay?" inalo niya akong muli.

"Naging masaya kami at nang makatungtong sa tamang edad ay nagkakasal kami. Nangarap kami ng sabay para sa panganay namin. Mahal na mahal ko ang asawa't anak ko. Iyong pagmamahal na hindi ko inaasahang mararamdaman ko sa dating bestfriend ko lang. Hanggang sa..." muli na namang tumulo ang mga luha ko. Napahagulgol na naman ako sa isipin na ako ang dahilan kung bakit nasira ang sarili kong buhay. Inalo naman agad ako ni Johnny.

"Noong mismong birthday niya, namasyal kami sa park. Ang saya saya pa namin noon hanggang sa nasagasaan ang mag ama ko. Ang sabi ng mga nakakita ay nagtatakbo daw bigla ang anak ko kaya hinabol siya ng ama niya. Nabundol sila sa truck. Iyak ako ng iyak nong mga panahong iyon, lalo na ng makumpirma ng mga doktor na dead on arrival and anak namin. Kasalan ko yon, Johnny. Kasalanan ko!" humagulgol na naman ako. Parang mauubusan ng hininga. Parang wala nang lakas para mag salita pa. Pero pinilit kong nagpatuloy.

"That's not your fault. Kasasabi mo lang na nabundol sila kaya hindi mo kasalanan!" niyakap niya ulit ako.

"Na-coma ang asawa. Sobrang down na down ako noong mga panahong iyon. Nalugi ang lahat ng negosyo namin. Dahil sa pagpapagamot niya. Pati ang negosyo ng mga magulang niya ay nalugi rin. Nadepressed ako ng sabihin ng doktor na wala nang pag-asang magising pa siya. Gabi gabi ako umiiyak. Hindi ako pumapasok. Nagkukulong ako sa kwarto ko magdamag. Isang araw ay nagising na lang ako na may dugo sa higaan ko. Isinugod ako ni Kiwon sa ospital at lalo pa akong nadepressed ng sabihin ng doktor na hindi naka ligtas ang bata sa aking sinapupunan. Dalawang buwan na pala akong buntis, di ko manlang napansin. Lalo akong nanghina. Tatlong araw matapos mamatay ang pangalawa namin ay himalang nagising ang asawa ko. Pinagtapat ko sa kanya ang lahat. Lahat lahat. Maging sa magulang niya ay nagtapat ako. Gaya ng laging nangyayari at inintindi nila ako. Pinatawad ako ng asawa ko. Ganon niya siguro ako kamahal na kahit dalawang anak niya ang nawala ay pinatawad niya pa rin ako. Akala ko ay magiging ayos ang lahat pero hindi. Sa tuwing makikita ko siya ay umiiyak ako. Kahit saan, kahit kailan. Sinisi ko ang sarili ko dahil kung hindi ko sila pinilit mamasyal sa park ay hindi masisira ang pangarap namin, ang buhay namin. Pagod na pagod na ako kaya sinubukan kong nag suicide. Pero bigo ako. Naabutan ako ng asawa ko at sa kagustuhan ng a nita na agawin sa akin ang kutsilyo ay siya ang nasasak ko. Lalong bumigat ang dala-dala ko. Kaya napagpasyahan ko na na makipag hiwalay nung tuluyan na siyang gumaling. Noong una ay ayaw niyang pumayag dahil iniwanan na nga kami ng anak namin ay iiwanan ko pa siya. Pero hindi noon nabago ang desisyon ko. Natatakot kasi ako na baka masaktan ko na naman siyang muli. Hindi ko na kakayanin pa pag nasaktan ko ulit siya." pagpapatuloy ko. Hindi humihinto. Kulang na lang ay hindi ako huminga sa kagustuhan na mailabas ang lahat ng bigat.

"Tandang-tanda ko pa kung papaano siya umiyak sa harapan ko. Nagmamakaawa na pigilan ko siyang umalis. Nasa airport kamj noon, iyon yong araw na dadalin na siya ng mga magulang niya sa amerika. Iyak siya ng iyak noon pero nagmatigas ako. Kahit labag sa loob ay hindi ako nagpatinag. Hindi ko siya pinigilan dahil alam kong hindi ako magiging maayos kung nandiyan siya. Lalo lang akong lala kung nandiyan siya. Patuloy ko lang sisisihin ang sarili ko dahil sa nangyari sa pamilya namin. Bago siya umalis ay nangako pa siya sa akin na babalik daw siya pag alam niyang okay na ako. 'I love you' iyon yung huling salitang sinabi niya sa akin. Sinabi ko pa nga na wag na. Kaba hindi talaga kami para sa isa't isa. Sinabi ko na kung maaari ay humanap siya ng babaeng magpupuno sa pagkukulang ko. Bumuo siya ng bagong pamilya. Iyong magiging masaya siya. Nang sumunod na bawun at nagpadala ako ng divorce papers sa kanya. Nagsimula ako ng bagong buhay. Tinapos ko ang pagaaral ko. Pero hindi ko rin nagamit ang skills ka dahil iyong resto sana na paggagamitan ko noon ay naisanla. Next week na ang birthday ng anak namin. Kaya nitong mga nagdaang gabi ay binabangungot ako ng nakaraan. Natatakot akong matulog dahil sa mga panaginip ko." tumigil na ako. Hanggang doon na lang siguro iyon. At least ay nailabas ko.

Napaangat ang tingin ko kay Johnny na mariing naka tingin sa akin. Tila ba tinatandaan ang bawat parte nag aking mukha. "Bakit?" tanong ko na ikina ngiti niya.

"I just realize na mas maganda ka pa pala kay Reehae!" pinamulahan ako dahil sa sinabi niya.

Alam ko, ano ba?

Iiwas na sana ako ng mukha pero huli na. Sinunggaban niya ako ng halik. Ilang segundo pa ay gumalaw na siya.

Kinabig niya ako sa sofa na naging dahilan para paibabawan niya ako. Gumapang ng kamay niya sa katawan ko at nagpaubaya naman ako. Nakakadala ang halik niya kaya hindi ko magawang tumanggi. Pinsil niya ang dibdib ko kaya bumuka na ang bibig ko. Nagtagpo ang mga dila namin at nakipag laro sa isa't isa. Ang anit ng aming katawan ay nangingibabaw. Naliliyo na ako. Meron pa akong gustong marating. Hindi lang halik. Hindi lang hawak ng mainit niyang mga palad.

Noong gabing iyon ay magkasama naming inabot ang tuktok ng langit. Ang sarap ng aming pag-iisa. Bilang mag-asawa. Nakatulog muli ako ng mahimbing at tila ba walang problemang dinadala. Iyo na ata ang pinaka masarap na pakiramdam nag naranasanan ko.


Itutuloy...

Marry Me | j.s. | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon