MM 18 She's Gone

7 0 0
                                    

Johnny

Hindi pa nasikat ang araw ay nagising na ako. Para naman maaga ako makapag simula. Walang kasing nakakaalam sa amin kung saan sila talagang nakatira kaya magtatanong tanong na lang kami.

Nagsimula kami malapit sa hotel. Palayo ng palayo. Pero walang makapag turo. Wala daw silang kilala na 'Kyla Dela Cruz' dito sa isla.

"Sigurado ba talaga ang mag-asawang yun pre? Kanina apa tayo naghahanap wala ni isa ang makapag turo!" reklamo ni Doyoung. Tinutukoy niya sila Reehae. Hindi ko naman siya masisi kung ganyan ang iniisip niya. 

Five pa lang ng umaga ay naghahanap na kami pero wala talaga. Alas nuebe na ng umaga at eto kami. Nasa initan. Naghahanap sa taong mukang ayaw pahanap.

"What if hindi siya kilala sa panagalang Kyla Dela Cruz? Di ba nabanggit niya sayo na dito siya lumaki kasama ang Haejun Kang na yon?" minsan talaga ay may tinatagong katalinuhan tong si Yuta.

"Fuck! Oo nga no? Tara!" aya ko at nagtanong-tanong ulit.

And boom. Hindi nga siya kilala sa pangalang 'Kyla Dela Cruz'. Mas kilala siya sa pangalang 'Andrea Dela Cruz or Andrea Kang'.

Great!

At may nakapagturo sa amin kung saan siya or should I say SILA nakatira.

"Dito na ba yon?" tanong ni Yuta habang nakatayo kami sa isang malaking bahay. Dito kasi kami itinuro ng mga pinagtanungan namin.


"Ang yaman pala ng asawa ni Kyla no?" sinamaan ko ng tingin si Doyoung na nag-peace sigh lang.

Putragis. Kelangan ba talagang ipangalandakan? Nasasaktan na nga yung tao e! Ngina naman o!

Ding. Dong.

Nag-door bell na lang ako bago pa makapagsalita si Doyoung ng ikaiinit ng ulo ko.

"Sino po sila?" tanong ng matandang babae at nabigla ako nang makita ko kung sino iyon.

"Johnny, apo? Si Drea ba ang sinadya niyo dito? Tara, pasok muna kayo." anyaya niya kaya pumasok na rin kami. "Ito ang dati naming bahay. Isa ito sa mga naisanglang noong nangyari ang trahedya hindi namin inaasahan sa mag-ama niya. Nagulat na nga lang kami at bilga itong isinauli ito ng banggako sa amin." halata sa muka niya ang pag-tataka. Mukang hindi pari nila alam ang totoong dahilan kung bakit kami nagpakasal ni Drea.

Malamang ay isa ito sa mga pinaggamitan niya ng perang nakuha niya samin ni Reehae.

"Nandito po ba si Drea?" tanong ko habang yung dalawa ay busy sa pagkain. Ang tatakaw grabe.

"Ang totoo ay wala na sila, ijo." natigilan ako sa sinabi ng papa niya.

Sila? I knew it. Kasama niya ang Kang na yon.

Parang sasabog ng puso ko sa inis. Gusto kong patayin sa suntok ang Kang na yon.

"At ipinapabigay niya ang sulat na to sayo." may iniabot siya saking papel kaya dali-dali ko yung binuklat at binasa.



       Sorry sa biglaang pag-alis ko Johnny. Pero kasi kailangan kong gawin to dahil para rin to sa ikabubuti nating dalawa. Hindi ko alam kung kelan ako makakabalik. Pero alam kong matagal akong mawawala.

Napaluha agad ako nung mabasa ko iyon. Ganon ba siya kagalit sa akin at nagawa niyang umalis at iwan ako?

       Please wag mo isipin na hindi na kita mahal. Dahil ang totoo ay mahal na mahal kita kaya nga ko aalis diba? Kasi gusto ko pag-balik ko jan ay ayos na ang lahat sakin. Wala sayo ang problema. Nasakin.

Patuloy parin ang pag agos ng luha ko napumapatak na sa papel pero i don't mind. Nasasaktan ako e.

Mahal niya ko pero aalis siya?

       Sa pagaalis kong to sana wag kang maghanap ng iba. Sana ako pa rin pag balik ko. Sana mapatawad mo ko sa gagawin kong to. Pero sana wag mo nang alamin kung nasaan ako at kung anng ginagawa ko. Ihanda mo na lang ang sarili mo sa pagbabalik ko. Isang ang sigurado ko. Kasama ko Haejun ngayon. At wag kang magalala. Safe ako sa kanya at hindi niya ako papabayaan. About naman dun sa inyo ni Reehae. Wag mo nang alalahanin yon. Basta lagi mong tatandaan na mahal na mahal kita. Sana wag kang mag hanap ng iba. At sorry dahil kailangan kitang iwan. Pangako ko babawi ako. Alam kong nasasaktan ka ngayon. Pero sana wag yung maging dahilan para sukuan ako. At sa huling pagkakataon, Mahal kita at patawad.

Ps. Sana naintindihan mo sulat ko.

Nagmamahal, Andrea Seo.

Now, she's gone. At hindi ko alam kung kelan siya babalik. Pero gaya ng gusto niyang mangyari. Maghihintay ako. Kahit gano pa katagal.

A|N:

Baka last two Chpters na lang tapos na dis. My ghad. Kailangan ko kasing pagtuuan ng pansin yung Season two ng 'Unlovable' at 'Marked By A Guy Who Named Mark'.

Ps. Sorry sa short update.😁



Marry Me | j.s. | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon