mm 2 Kyla

22 3 0
                                    

Kyla

Napahikab ako sa sobrang kapaguran. Sa haba ng araw na ba namang ito, e?

Napatingin ako sa relo ko, seven fifty eight na pala? Muli akong napatingin kila miss Kim na hanggang ngayon ay hindi parin matapos tapos sa isang scene. Nakakailang take na ba sila sa scene na yan? Halos isang oras na sila sa scene na yan e, di parin tapos?

"KYLA!" sigaw sakin ni direk, ako na ata ang sasabak sa susunod na scene.

It's my turn. Inayos ko na ang sarili ko at lumapit kay miss Kim at saka...

"Tubig nyo po, miss Kim! Towel po, pawis na pawis na po kayo." asikaso ko.

Syempre joke lang 'yong kanina. 'Di ako artista, no. Isa lang naman akong dakilang P.A a.k.a. PERSONAL ASSISTANT a.k.a. PERSONAL ALALAY at a.k.a. PERSONAL ALIPIN.

Ewan ko ba sa mundong 'to? Walang equality, mantakin mo yon? Sa ganda kong 'to PA lang ako? My Ghad, nasan ang equality?

Matapos ang ilang minutong pahinga ay sumabak na naman si miss Kim sa camera pero bago yon ay nagpasalamat muna ito sakin.

Kahit papaano ay maswerte ako dahil mabait ng amo ko. Halos apat na buwan na rin along nagtatrabaho bilang PA ni miss Kim at masasabi kong mabait talaga siya. Unlike sa ibang mga artista na iba pala ang ugali pag nakasalamuha mo na. Sa ilang buwan ko sa trabahong ito ay marami rami na rin akong nakasalamuhang mga artista at dun ko napagtanto na iba pala ang ugali nila sa harap at likod ng camera. At kadalasan ng mga role nila sa mga teleserye ay kabaliktaran ng ugali nila sa totoong buhay.

Napailing na lang ako.

"Ang mga ibon, na lumilipag. Minamahal ng Diyos, si kumukupas."

(⊙_☉)

Wadapak???? Nakalimutan kong i isilent!!! Wahhhhhhhuhuhuhu

"KYLA, YOU'RE PHONE!" sigaw sakin ni direk kaya naman agad kong kinuha ang phone ko at sinagot ang tawang.

"Sorry, direk. Excuse me!" saad ko at lumayo na.

"Bakit po la?" tanong ko sa phone, bakit kaya napatawag 'tong si lola.

"Ang ama mo, Kyla. Sinugod namin sa ospital!" ani lola na naghatid ng matinding kaba saking dibdib.

"Ano pong nangyari ka papa, lola?" tarantang tanong ko.

"Inatake sa puso ang amo mo, Kyla." sagot ni lola.

Atake sa puso? Sa pagkakaalam ako ay wala nang sakit sa puso si papa, ah?

"Papunta na po ako diyan, lola. Hindtyin niyo po ako."

"Sige apo, magiingat ka!" huling salitang sinabi ni lola at binaba ko na ang tawag.

Dali dali akong bumalik sa set at sakto namang tapos na pala ang taping. Kasalukuyang nakatayo si miss Kim ngayon at tila may kakuntahan ata sa phone niya. Hinintay ko munang matapos sila at saka ako lumapit.

"Miss Kim!" tawag ko sa kanya.

"Oh, Kyla. Tapos na ang taping namin. Nagyaya si direk ng dinner, isasama kita, ah? Treat ni direk!"

Ay, pusa!!! Libre!!!

Ghad Kyla, umayos ka nga??? Nasa ospital ang papa mo.

"Ah, miss kim. Pasensya na po kasi di ako makakasa sa inyo. Tumawag po kasi si lola ko, isinugod po sa ospital ang papa ko." malumanay kong sabi.

"Oh my, ganun ba? Sana naman ay ayos lang ang papa mo. Your father is a good person. Sige Kyla, kung aalis ka na ngayon ay pinapayagan kita. Puntahan mo na ang papa mo dahil kailangan ka niya." anito at kitang kita mo talaga ang pag alala sa mga mata niya.

"Take this!" aniya pa sabay abot sakin ng malaking halaga ng pera.

"Wag na po, miss Kim!" tanggi ko, nakakahiya na kasi e.

"Kuhanin mo na. Tulong ko yan sa papa mo."

"Wag na po, miss Kim. Marami na po kayong naitulong sakin, samin!"

"Okay, sige kung ayaw mong tanggapin 'to bilang tulong jo ay iconsider mo na lang 'to bilang advance payment ko next month."

"Pero sobra po ito para sa isang buwan?"

"Edi sa susunod pang buwan." wala na kong nagawa kundi tanggapin yun. "Oh, sige na at baka hinihintay kani na ni lola mo. Ipapahatid kita."

"No need na po Miss Kim!" nag lakad na ko palayo.

"Oh, sige. Itatawag na lang kita ng Uber!"

"WAG NA RIN PO MISS KIM, KAYA KO NA PO MAG ISA. NAKAKAHIYA NA PO SA INYO!!" sigaw ko.

"SIGE NA NGAYON, INGAT KA!" sigaw din niya sakin at tuyan na kong naka layo.

Nasa loob kasi kami ng isang village kaya kinailangan ko pang mag lakad bago ako makarating sa gate kung saan pa ako pwedeng sumakay.

Takbo...


Lakad...


Takbo...


Lakad...


Walang pahinga. Ang dilim pa naman ang paligid.


Takbo...


Lakad...


Takbo...


Lakad...


Takbo...


Lakad...nang biglang...



SSSSSCCCCRREEEETTTCHHHH!!!!



At sa mga oras na ito, isa lang ang nasa isip ko.


Mukang madadalawahan ang Dela Cruz sa ospital...



Isang imahe pa ng lalaki ang naaninag ko bago ako tuluyang makatulog.

___________

Marry Me | j.s. | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon