mm 7 Will You Be My Wife?

12 3 0
                                    

Kyla

"Ayos na ba ang lahat, Kyla?" tanong sakin ng tukmol sa na si Johnny kaya tumango ako.

"Kanina pa, ikaw na lang ang kulang at si miss Kim." sabi ko saka nilingon si Jaehyun. Ang gwapo talaga kahit haggard na ang itsura.

Kakatapos lang kasi naming ayusin ang magiging lugar ng paggaganapan ng official proposal daw kuno ni tukmol. Halos one week din yon, ah? Wala akong pahinga. Yung 24 hours ko ay hinahati ko sa tatlo, sa pagtatrabaho, sa pagbabantay kay papa at sa pagtulong kila tukmol at Jaehyun.

Pero pakiramdam ko ay ako lang mag-isa ang nag-asikaso dahil halos lahat ng paghahanda ay ako ang gumawa. Halos lahat talaga ay ako ang gumawa e.

Buti na lang ay kasama ko si Jaehyun. Kahit papaano ay napapawi niya ang pagod ko.

"Wala lang pag-asa sa isang yan!"

"Ay tukmol.!" napasigaw naman ako sa gulat nang bigla nalang magsalita ang tukmol mula sa likod ko. "Punyeta ka, Johnny. Ano bang problema mo?" inis na sambit ko pa.

Tukmol talaga. Amp!!!

"Kanina pa kita kinakausap hindi ka naman sumasagot, yon pala nakatitig ka na naman kay Jaehyun?" sambit niya.

"Ano namang pake mo, ha?"

"Ano namang pake mo, ha?" panggagaya niya sa akin. Eiiyyyy. Sarap upakan.

(–_–)

"Kanina pa kita kinakausap, sabi ko umuwi ka na at mag-pahinga. Anong gusto mo, dito ka na lang? Hala sige, bantayan mo 'tong ginawa natin magdamag kasama si Jaehyun!" sambit pa niya. Laki talaga ng problema ng taong to sa akin e!

"Kung pwede lang e, bakit hindi?" natatawang sambit ko naman.

"Baliw, wala kang pagasa kay Jaehyun. Maniwala ka sakin!" sambit niya na naging dahilan para tignan ko siya ng masama.

"Ang laki ng problema mo sa akin e, no? Bakit mo ba pinoproblema ang love life ko, ha? Love life mo nga ang atupagin mong tukmol ka!" inis na sabi ko at binitbit na ang mga gamit ko. "Aalis na ako, bahala na kayo d'yan!"  inis na sabi ko na lang at umalis na. Dumating na din kasi ang sundo ko at umuwi na kami.

Nang kinabukasan naman ay maaga akong nagising. Hindi muna kasi ako ang nagbantay kay papa. Nag prisinga si Kiwon na siya na muna daw ang mag babantayan kay papa nung gabi. Nang one week leave din kasi siya. Loko loko talaga ang isang iyon, palibhasa ay alam niyang may gusto sa kan'ya ang anak ng boss niya ay ginagawa na niya ang mga kalokohan niya.

Napaka B.I.

Nang sumapit na ang hapon ay gumayak na ako dahil kami ni Jaehyun ang sasaksi sa official proposal kuno ni Tukmol. Alaka mo naman ay kasal na, may abay e?

Magtataxi na lang sana ako papunta doon nang tawagan ako ni Jaehyun na susunduin niya daw ako. Pumayag ako syempre.

Hehehe...

Maya maya pa ay dumating na siya lulan ng isang motor bike.


Ang ganda ng motor niya pero mas gumanda iyon dahil pwapo ang nakasakay. Kahit na naka helmet siya ay mahahalata mo na agad na gwapo ang nakasakay dahil sa body posture palang.

Huminto siya sa harap ko at kulang na lang ay maglaway ako ng hubarin na niya ang suot niyang helmet. Hinawi pa niya ang bohuk niya na lalong nagpalakas ng hotness niya.

Marry Me | j.s. | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon