Chapter 3

0 0 0
                                    

Jin's POV

Nagtataka siguro kayo 'no kung bakit alam ko yung about kay sophia? Well, I'm the son of the owner of this school. Pero kahit ganun bawal kong gamitin ang pagiging anak ng may-ari ng school na ito sa mga kalokohan dahil isa pa rin akong studyante, at Oo nagbabayad pa rin ako ng tuition and miscallaneous ko. Ewan sa magulang ko bakit ganun, mga pakulo nila eh.

"How did you know her name?" Hindi talaga mapalagay ang bibig ni Jaze ng hindi nag iingay sa loob ng isang oras.

tch.

"Oo nga. Tsaka kaya pala hindi ka tumawag sa'min nung nabyahe ka dahil may chick ka ah." Isa pa itong so Sean, Ano ba ang nagawa kong kasalanan sa buong Maykapal at binigyan ako ng maiingay na kaibigan?

"Sigurooooo---"

"Shut up!" Sigaw at duro ko pa sa mukha ni Sean. Mang aasar nanaman kasi iyan eh. Psh!


Ganyan yang mga kaibigan ko. Ang maingay na loko-lokong si Sean Gray Michelli pero chickboy at ang Playboy, maingay, maloko at sarkastikong si Jaze Marco Wochlon. Mga kaibigan ko na sila simula grade school, pare-pareho kami ng hilig maliban sa pagiging chickboy nila dahil hindi ako mahilig sa babae. Unique kaming tatlo dahil hindi kami mahilig sa basketball dahil baseball ang laro namin, nabubuhay kaming tatlo sa isang araw ng panonood lang ng baseball ang ginagawa unlike other boys na mas gusto ang basketball.

"Hey! Bakit bigla-bigla kang humihinto?!" Pagprotesta ni Sean na bumangga sa likod ko. Nahinto ako dahil nakita ko nanaman si Sophia na may kausap at mukhang nagkukulitan sila ni Hannah Anderson. Magandang babae, mahinhin at matalino.

"She's beautiful"
"Who?" Nagtataka akong napatingin kay Sean na seryosong nakatingin sa'kin. Oh ow! Crush niya nga pala si Hannah. hahahaha asarin ko nga.

"Hannah. She's beautiful an---" Hindi ko natapos ang sinasabi ko nang dagukan ako ni Sean. Ang sakit siomai na porkchop laaaang!

"hahahahahaha. ano ha? masaket no? Baliw ka eh. Alam mong patay na patay yan kay Hannah biniro mo pa." Nang aasar at tatawa tawang usal ni Jaze.

"I was just kidding Man y'know?" Sinamaan ko ng tingin si Sean na ngayon ay nakangisi na.

"Buang ka talaga! Wag kang nagbibiro ng ganyan kasi alam mo namang seloso ako" Nakangising saad nito. Umayos ako ng tayo at masama ang tingin sa dalawang itlog na'to.

"She's beauty and brains but my crush is better than yours, so stop acting like a jealous boyfriend." Inayos ko ang suot ko habang nagsasalita.

"Bakit kasi ayaw mo pang ligawan dre?" Tanong sa kanya ni Jaze, "At sino naman yang better better na yan Jin?" Pagbaling niya sakin.

"That Gorgeous and smart girl beside Hannah dre." Aniko na napapangiti pa.

"Don't smile like that dre para kang si joker. Hahahahahahaha!" Pang aasar ni Jaze "Alam niyo? Pogi kayo at mayaman, matalino rin naman at mabait minsan kaso ang totorpe ninyo. Bata pa lang kayo namomroblema na kayo sa lovelife nyo, Gayahin niyo kaya ako? Chill lang. Hahahahahahaha" Dagdag pa niya.

"Oo chill ka pa kasi di mo pa nahahanap ang makakatapat mong baluga ka." Si Sean

"Dahil kapag ikaw ang tinamaan ni Kupido baka umiyak ka." Seryosong dagdag ko pa.

"Ang seseryoso nyo mga ser. Relax lang kasi hahahaha tsaka ako? Iiyak? No never. hahahaha Ang gwapong tulad ko ay hindi pinapaiyak bagkus inaalagaan. Bow! Pagtutula niya kuno at ang siraulo nagbow pa talaga na animoy nasa gitna ng stage.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 05, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Rich and the poorWhere stories live. Discover now