Intersex

254 4 2
                                    


Katawan koy lalaki pero may ari ako ng babae at lalaki

Ano ba talaga ako? palagi kung tanong sa sarili ko.

Sa twing pupunta ako ng mall para bumili o magliwaliw
"Saan/kaninong restroom/cr ako papasok sa MALE OR FEMALE.

Ano bang damit ang dapat kung isuot? kagaya ba nang kay Inay o pareho nung kay kuya/Itay?

Boung buhay ko nananatiling sekreto ang kasarian ko wala akong pagkakakilan-lan sa sarili ko't wala kalayaan kung ano ba talaga ako.

Lumaki akong normal na bata.  Kagaya ng isang bata malayang nakakapaglaro sa hapon,maligo sa ilog,umakyat sa puno, at higit sa lahat maligo sa ulan at marami pang iba kagaya ng ginagawa ng isang normal na bata sa probinsyano.

PERO!

Nagbago ang lahat nang tumuntong akong High School Grade 9.

Sa bahay batas militar ang umiiral kung ano ang utos ng ITAY ay syang masususnod subukan mong pumalag at may paglalagyan ka!

Flashback 2 years ago:

Kasalukuyan kaming kumakain ng mapadpad ang usapan sa Js proom exited ang Inay kung anong kulay ba daw ng suit ang gusto kong isout at bibilihan nya para sakin. Ngunit labag sa loob kung magsout ng TUXEDO nanginginig ang mga tuhod ko may gusto akong sabihin pero natatakot ako.

"Ummmm." nakangiting nakatitig ang ina hinihintay ang sagot ng kanyang bunsong anak.

"Ano na Kieth may naisip ka nabang kulay?" nakangite si Inay halatang exited sa isasagot ko.

'Kinakabahan ako!'

"Maganda ang kulay puting tuxedo Kieth sa tingin koy bagay sayo, baka nga maging nominado kapa bilang JS King." napatingin ako kay Itay dahil sa kanyang suhestiyon.

Biglang umubo si kuya napatingin kaming lahat sa kanya.

"Ayos kalang ba Kevin anak?" tanong ni Inay at kaagad na inabutan ng tubig si kuya.

"Ito ohh tubig nabulunan tuloy hinay hinay lang kasi sa pagkain." natatawang sabi ni Inay.

Tipid na ngumite si Kuya.
"Thank you nay."

salitang yon. napayuko ako natatakot ako sa magiging reaksiyon nila.

"Pwede po ba akong magsout ng tuxedo pero ang sa baba ay kagaya ng design ng sa ilalim ng ball gown." wala namang masama sa request ko, pero napayuko ako dahil sa matatalim na pagtitig ni Itay.

Kumalabog ang lamesa na kaagad kung ikinagulat.

Napatingin ako kay Itay isang namumulang mukha na parang isang mabangis na Leon.

Nanginginig sa takot ang buo kung katawan sa paraan nya ng pag titig. NAKAKATAKOT!

Isang kalabog ulit, napapikit ako!.

'Sana di ko nalang sinabi!'

"Ernando!" pilit pinakakalma at  pina-uupo ni Inay ang galit na galit na si Itay pero di nagtagumpay sa Inay sa kanyang nais.

"Naiisip mo ba kung ano ang sasabihin at magiging tingin sayo ng mga tao, kapag isinoot mo yang damit nasa isip mo!!"

Nanginginig ng tuhod ko habang nakatingin sa galit na galit na Itay kaharap ko. Nagmamarka na ang mga ugat sa kanyang leeg.

Mali ba ang request ko, parang anong oras ay tutulo ng mga luha ko. Namalayan ko nalang na nabasa na ang mga kamay ko na nakapatong sa binti ko.

"Kieth." tawag ni Inay.

Nagulat uli ako sa pagkalabog ng lamesa mas lalo akong nakaramdam ng takot. Natapon ng konti ang sabaw mula sa mangkok na nasa gilid ko.

"Ano ba Ernanndo wag mo namang ganyanin ang anak mo, Wala syang kasalanan kung ganyan syang ipinanganak!" sigaw ni Inay kay Itay, napatingin ako kay Inay kahit konti ay gumaan ang pakiramdam ko.

"Ano ba Nay Tay!? wag nga kayong mag-away sa harapan ng grasya!" ani ni kuya sa seryosong tono.

Biglang pinaupo ni Inay ang mabangis na Itay na ngayoy tuluyan na ngang umupo, pinipitit pakalmahin ang sarili habang si Inay nama'y marahang hinahaplos ang kanyang likod.

Isang seryosong tingin naman and pinukol sa akin ni Kuya.

Dahan dahan akong yumuko pakiramdam koy tutulo na naman ang luha ko.

"Kieth." tinawag nya sa pangalan ko.

Napayuko ulit ako. Sana hindi ko nalang sinabi yon!?

"Kieth anak..!" ramdam ko ang lungkot at awa sa boses ni Inay

Tumayo ang panganay na anak sa pamilya Arevalo at dali daling umakyat sa hagdanan papuntang ikalawang palapag.

"Kieth..!" tinawag ng ina ang bunsong anak kasabay ang pag-agos ng luha sa kanyang mata, humihingi sya ng dispensa at nakaramdam ng awa sa anak na lumisan sa hapag kainan.

"Wag mo kaming tatalikurang bata ka!!" umalingaw ngaw na ang boses ng Padre di pamilya bakas sa tono nito ang pagiging seryoso.

Ngunit ang may-ari ng pangalan ay mas binilisan ang pag-akayat pataas at kaagad tinungo ang kwarto at dali daling isinara ang pinto at sumandal dito hanggang sya'y dahan dahang naupo at humagulhol.

Kwarto:

Kumatok si Inay sa pintuan ng kwarto ko, nagda-dalawang isip ako kung bubuksan ko ba ang pinto o hindi.

"Kieth anak kausapin mo naman kami ohh!" nagmamaka-awa wika ni Nanay.

I took a deep sight bago tumayo sa kama ko.

Pagbukas ko ng pinto, napako kaagad ako sa kinatatayuan ko. Nagsisismula na namang manginig ang tuhod ko.

Pero nagulat ako ng bigla nalang akong yakapin ni Itay.

"Patawarin mo ko Kieth anak sa nagawa ko kanina." ramdam ko ang sinseridad sa boses ni Itay.

Ngumite lang si Ina na nasa harapan namin.

Nag-usap kami ni Inay,Itay, at ako, habang tahimik lang na nakatayo si kuya sa gilid ng pintuan.

Gumaan ang loob ko dahil pina-intindi sa akin mg mga magulang ko na hindi maari ang gusto kung suotin sa Proom. Pagtatawanan at kukutyain lang daw ako ng mga studyante kung ganon, dahil ibat iba ang pananaw ng bawat tao, hindi lahat maintindihan ang karamdaman na meron ako, kung kayat mas mainam na isuot nalang ang damit ng pagka-kakilanlan sa akin ng mga tao.

Pagka-alis nilang lahat.

Nakadungaw ako sa kisame ng kwarto ko iniisip ang aming napag-usapan kanina.

Tama sila mas mabuti nalang na makilala ako bilang ganito kaysa ipakita ang isa pang ako, tiyak pagtatawanan at pangungutya lang ang aabutin ko sa mga taong hindi mai-intindihan ang kalagayan ko.

Don't forget to vote and comment 👍

IntersexTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon