LAST WILL AND TESTAMENT (Part 1)
Bandang 8:00 AM na ako nagising tutal wala namang pasok dahil sabado.
Kaagad akong bumangon sa kama ko at tinungo ang banyo ng kwarto ko.
Nag hugas ako ng mukha pagkatapos ay nagsipilyo, napangite ako ng tignan ang repleksiyon ko sa salamin.
Maya-maya pay nakaramdam ako ng gutom kaya dali dali kong binagtas ang daan pababa ng 2nd floor.
Naabutan ko si Inay na busy sa pag-aayos ng pagkain sa lamesa habang. Si Itay naman ay nanonood ng balita sa sala.
"Good morning Nay, Tay." pukaw ko sa kanilang dalawa na may kanya kanyang ginagawa.
Sabay silang napatingin sa akin, kaagad akong ngumite sa kanila.
Lumapit muna ako kay Inay at ginawa ang nakasanayan ko nang ginagawa tuwing umaga, ang paghalik sa pisngi sa kanilang pisngi.
"Tsup."
"Ang cute talaga ng anak ko" ani ni Inay at yinakap ako, ganon din ang ginawa ko.
"Hmmm ang bango naman ng anak ko." wika ni Inay.
"Yong akin?" humiwalay ako ng yakap kay Inay ng narinig ko pagpa-parinig ni Itay habang nakatuon lang ang mga mata sa telebisyon pero alam ko ang kahulugan ng sinabi nya.
Magkahulugang nagtinginan ang mag-ina tila alam kung ano ang nasa-isip ng bawat Isa.
"Nagtatampo o naiingit yong dragon." bulong ni Inay habang pinipigilang matawa.
Tumango si Inay sa akin at ngumuso sa naghihintay na Itay.
Nakangiti akong naglakad papalapit kat Itay pagkatapos ay umupo katabi nya, kaagad na yumakap sa bewang nya't humalik sa kanyang pisngi.
"Tsup."
"Good morning Tay." wika ko.
Ngumite sya sa akin at hinaplos ang buhok ko.
Ito yong gusto ko kay Tatay kahit parang Dragon o Leon kong disiplinahin kami ni kuya. Pero nagiging banayad na tupa kapag sinusunod namin ang lahat ng kanyang utos o payo.
"Di mo man lang ako babatiin Tay?" kunwaring tampo ko dahil di sya sumagot sa pagbati ko ng magandang umaga.
Ngumite si Itay at ginulo ulit any buhok ko, humiwalay ako ng yakap at nag pout.
"Tay." angal ko dahil sinira nya ang ayos ng buhok ko.
"Good morning sa napakacute kong bunso" wika ni Itay at mahinang kinurot ang pisngi ko.
"Tay!" angal ko ulit, pagkatapos ay nag pout.
Tumawa sya ng bahagya.
"Tama na yang lambingan nyong mag-ama, Kieth gisingin mo muna yong kuya mo't kakain na." utos ni Inay sakin habang may dala-dalang malaking bowl.
Kasabay kung tumayo si Itay.
"Gisingin mo nang kuya mo't sabay sabay tayong kakain." tumango lang ako sa sinabi ni Tatay.
Pagkatapos naming kumain ay inubos ko ang mga free hours ko sa panonood ng mga Bl series sa kwarto ko.
I'm busy watching a series ng biglang nag ring ang phone na nakapatong sa lamesa ng lampshade.
Nag-chat si Nanay sa messenger pero bakit?
Pumunta sila ni Itay sa pinakamalapit na Department Store para bumili ng stocks sa reef para narin makapagbonding.