Fame Boy Campus!
Maaga akong gumising para ihanda ang agahan namin ng kasama ko sa bahay.
Pagkatapos kung magluto ay kaagad akong umakyat sa ikalawang palapag, para gisingin ang may-ari ng kwarto katabi ng sakin.
Kumatok ako sa pinto.
"K, gising na handa na ang agahan." tawag ko sa labas.
"K, bangon na baka malate ka pa." ulit kong tawag.
Biglang bumukas ang pinto at lumabas ang lalaking naka Sandi at boxer short lang ang suot.
Agad akong tumalikod. "K, Naka-paglu-to na a-ko ng aga-han mo, ku-main ka na ba-go pa luma-mig yong pagka-in. pagkatapos kung sabihin yon ay kaagad kong binuksan ang pinto katabi nong sa kanya.
Nauna na akong kumain sa kanya, dahil hindi pa ako comfortable na kasama sya sa hapag kainan.
"Urggg..!" ang bilis ng heart beat ko.
Inalis ko muna sa isipan ko ang imaheng nakita ko kanina at tumungo sa bathroom ng kwarto ko. Agad akong naligo dahil papasok narin ako pagkatapos ng 1 week na lumiban sa klase.
Pagkatapos kong makapag-ayos ay kaagad akong bumaba para hugasan ang mga utensils na nagamit ko kanina, at para uminom narin ng tubig.
Pagpasok ko ng kusina, nakita ko si Kiefer na naghuhugas ng pinggan.
"K, ako ng gagawa nyan." pigil ko sa ginagawa nya, baka malate pa sya dahil hindi pa sya naliligo, di naman sya umangal pa at nilisan ang kusina.
Pagkatapos ko sa kusina ay kaagad ko nang isinukbit ang bag say balikat ko't kinuha ang phone sa bulsa ko.
Pinindot ko ang sky blue app (Messenger) at hinanap ang pangalan ng asawa ko.
[K, mauna na akong aalis sayo, wag mong kakalimutang i lock ang pinto at gate ng bahay😀]
Then send.Nakangite akong lumabas ng bahay.
Pagkababa ko ng tricycle, nakangiti kong inabot ang bayad ko sa driver.
"Salamat po manong" at inabot ko ang 20 pesos kung pamasahe.
Nakadungaw lang ako sa arko ng paaralan. I took a deep sight.
Ngayon ay may sekreto akong kinakailangan itago, na kasal ako sa lalaking pinagkakaguluhan ng lahat.
Flashback:
Kasalukuyan akong nanonood ng nakakatawang palabas sa telebisyon ng sala ng biglang lumapit si Kiefer sa akin.
Napaupo ako ng maayos at nagpipigil ng tawa dahil sa nakakatawang pinapanood ko.
Isang seryosong anyo ang nasa harapan ko ngayon.
"Ba-kit K?" kinakabahan ako sa anyo ng itsura nya, napakaseryoso.
"Yong tungkol sa ating dalawa, gusto kong wala kang sino mang pag-sasabihan ng relasyon natin sa isat-isa, Keep it Secret." seryoso at maoturidad nitong sabi.
Yumuko ako't tumango "Ummm." lumabas sa bibig ko, at naramadaman ko ang papalayo niyang yapak mula sa akin
"Hoyyy.." napabalik ako sa kasalukuyan ng may umakbay sa leeg ko.
Napatingin ako sa may-ari ng brasong naka-akbay sa akin.
"James." almost two weeks din kaming di nagkita.
1 week dahil sa funeral ni Lolo Pards and another week dahil kay Kiefer.
"Kieth namis kita." he said at kaagad nya akong yinakap.