Mood SwingDahil sa inis at frustration ay sinampal ko ng malakas ang kamay ng kaharap ko na parang hiniwalayan ng kaluluwa ang katawan. 'Anong nangyari sa kanya!?'
"Ouchhh!" nabalik lang sya sa wisyo nya dahil sa ginawa ko.
"Ahhh Kieth!" angal nito at hinimas-himas ang kamay nyang sinampal ko.
"Ikaw ang dami mo nang kasalanan sa akin ngayong umaga!" sabi ko't matalim na tinignan sya.
"Hoyyyyy." agad nyang pinitik ang noo ko.
"Arayyy!" napahawak ako sa noo kung pinitik nya.
I send him death glares.
"Yan tayo ehh!" alam ko ang ibig nyang sabihin.
"Ikaw huhh?"
tumaas ang kilay ko sa sinabi nya.
Todo naman sa pag-ngise ang nasa harapan ko, umayos ito nang upo, siguradong matinding pang-aasar naman ang aabutin ko sa kanya.
Masin-sinang inobserbahan ni James ang kanyang kaharap, animo'y sinisisi sya nito sa lahat ng kamalasang nangyari sa kanya ngayong umaga.
Agad na ngumite ng makahulugan si James sa nasaharapang kaibigan.
"Para ka namang pinag-saklapan ng langit at lupa ehh. pinangaralan kalang naman ng crush mo." nakangiting wika ni James sa nag-dadabog na si Kieth sa kanyang harapan,
Si Kieth pinagsisipa ang dalawang paa sa ilalim ng mesa na naghahanap ng mapagbubuhusan galit at frustration, mabuti nalang at sya tinamaan ng mga sipa nito.
"Kasalanan mo talaga yong patay gutom ka!" inis na bulyaw na hindi man lang natakot sa kanya, sa halip ay may mga makahulugang ngise and sumusilay sa mukha nito.
Na mas lalo nyang kinainis ng kaharap nya.
Napailing nalang si James sa biglang pagbabago ng ugali ng kaibigan.
Mood swing.
***
Kasalukuyan kong binabagtas ang daan papunta sa Jolibee or Big Canteen para bumili ng bagong ballpen dahil nawala ko yong akin kanina.
Napadaan ako say gilid ng court na kasalukuyan may naglalaro, biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang makita no pawisang lalaki habang nagdri-dribol ng bola pinoprotektahan ang bola mula sa kalaban.
"Ang galing nya!" nakatuon lang ang mata ko sa isang napakakisig na lalaki na sinusubukang makawala sa matibay na pag gagwardiya ng nakabantay sa kanya.
Umaatras sya ng isang hakbang at saktong pagtalon sabay ang pagbitaw ng bola,
Shoot!
Nag-wawala ang aking dib-dib gusto kung sumigaw at icheer sya pero natatakot ako kung ano mang sasabihin ng mg kapwa ko estudyante na nanonood sa paligid, at sino ba naman ako para i cheer sya?.
Nagtagpo ang aming paningin, kaagad akong yumuko at nagmadaling nilisan ang lugar.
"Hayyyy." nakahinga ako ng maluwag ng naka-alis na akong covered court.
Pagkabili ko ng ballpen ay binagtas ko ulit ang daan pabalik ng classroom, kasalukuyan paring naglalaro ng basketball ang naglalaro kanina, lahat silay tagaktak ng pawis ang boung katawan.
Nagtama ulit ang aming paningin, kaagad akong napayuko dahil sa kahihiyan, baka isipin nyang palagi ko nalang syang tinitignan.
Binilisan ko ang paglakad habang nakayuko, ng biglang biglang yumanig ang ulo ko at naging dalawa ang lahat ng bagay sa paligid, kasabay nito ang pagkirot ang ulo ko.