Chapter 1

147 2 0
                                    


School

G-11

Maaga akong gumising dahil first day of school ko ngayong araw.
Medyo exited akong pumasok.

Kasabay kung kumain sina Inay, Itay, at Kuya kaninang umaga malas ngalang at walang maghahatid sa akin papuntang school.

Ang sasakyan ni Itay ay nasa vulcanizing shop pa dahil nabutas ang gulong kagabi, nang papauwi na sa bahay, bukas pa daw yon pwedeng gamitin.

Si kuya naman ay di ako pwedeng isabay sa kotse dahil magkaiba kami ng daan ng school, college na kasi sya, samantalang ako ay G-11 palang, pag hinatid nya pa ako siguradong malalate sya.

Kaya no choice kundi ang mag commute.🚘

Kaagad na inihinto ng trycicle ang minamaniho nito sa harap ng gate ng Xxxxxx paaralan para sa G-11 at G-12 lamang.

Kaagad akong nagbayad sa driver na sinakyan ko.

"Salamat manong." nakangite kung inabot ang 10 peso sa driver bago ako naglakad at pumasok sa main gate ng paaralan.

As usual sa first day ng pasukan lahat ng studyante from G-11 to 12 ay magsasama-sama sa oval para sa opening ng pasukan at marami pang che-chebureche at mga seremonya na talagang nakakapagod bago ka makapunta sa classroom mo.

Nakaramdam ako ng gutom ng kasalukuyan kong binabagtas and kahabaan ng lobby ng G-12 bago maka-abot sa G-11 building.

Pumunta ako ng "Canteen 3" na kilala sa tawag ng Mang Inasal. Bakit kasi 50% sa mga binibenta dito ay grilled o inihaw dito rin ang perfect spot para sa mga estudyanteng hindi kumain ng agahan sa bahay o kaya'y dito na  mananghalian dahil nagbebnta sila ng kanin at di na problema ang ulam dahil maraming grilled meat/BBQ  ang mabibili dito.

Amoy na amoy ko kaagad ang mga nakakatakam na bbq na karne ng baboy o kaya'y manok,tinae,hotdog, at marami pang iba.

Agad akong bumili ng 2 bbq na jumbo hotdog at 1 malaking cup ng buko juice at naghanap ng mau-upuan. Kaagad akong nakahanap ng bakanteng bench sa ilalim ng mangga medyo marami-rami narin ang mga studyanteng nandito at kumakain kaya ang ingay ingay ng paligid.

Di ko nalang sila pinansin at nagsimulang lantakan ang mga pinamili ko, gutom na gutom talaga ako sa haba ba naman ng mga ritual na ginagawa basta first day ng pasukan. 

"Kringgg kringgg kringgg"

Napatigil ako sa pagnguya biglang tumunog ang cellphone sa bulsa ng maron pants ko, kaagad ko namaang sinagot ang tumawag.

"Kieth nasan kana kanina pa kita hinahanap!" boses ng mukang naiirita o dika yay nagmamaktol na bata sa kabilang linya.

"Ehhh pano ba naman kasi lagi ka nalang late eh di sana kung maaga kang pumasok sana hinintay kita sa harap ng gate." natatawang sagot ko sa kabilang linya.

"Para kanamang si Mommy ehh." angal ng tumawag, ikimumpara pa talaga ako sa mommy nya.

"Bilisan mo't nandito ako ngayon sa Mang Inasal." binago ko ang usapan bago paman kami magkaroon pa nang argumento.

"Tamang-tama Kieth medyo nagugutom nako pwede mo ba akong orderan ng 1 grilled hita na manok at 1 ice tea." sagot ng kausap ko naririnig ko rin ang ibat ibang tunog mula sa background nya siguradong papunta nayon dito.

"Ohh sige-sige dalian mo at wag mo kung paghintayin dito." sagot ko.

"Salamatttt Kieth!." nailayo ko ang phone sa tainga ko ang tinis ng boses parang hindi lalaki.

"Ano ba JAMES! pwede ba wag kang sigaw ng sigaw ang sakit sa tenga!" kaagad kong tinapos ang tawag.

Kaibigan ko nga naman. Kaagad akong bumili ng mga request nya para pagdating nya wala akong matanggap na pagbu-bunganga nya ang ingay pa naman non, basta pagkain tumatahimik.

Pagkatapos naming kumain ay kaagad naming tinungo ang nakahelerang building ng G-11, sa TVL strands at ICT track kami ni James na nasa 2nd floor pa.

Pagpasok namin sa classroom marami naring students ang nasa loob nag-uusap usap.

"Kieth sa likod tayo." tumango lang ako sa nag suggest. may mangilan ngilan na tumingin saamin pero kaagad ring iniwas ang tingin medyo ilangan pa, its normal first day of school pa naman.

Makalipas and kalahating oras na pagkukwentuhan namin ni James tungkol sa bakasyon, it seems na nag enjoy talaga sya sa vacation nila sa probinsya ng Lola nya, samantalang  kami naman ng family ko ay bonding lang sa beach, nanood lang ng sine tapos ay nag shopping.

Kaagad naming inihinto ang aming masayang usapang ng biglang pumasok ang sa tingin ko'y adviser namin sa boung taon.

"Good morning everyone." she greet us with a very nice accent.

Tumayo kaming lahat at gumanti ng pagbati.

"Good morning Maa'm Xxxxxx" may ilang nakakakilala kay ma'am pero mas marami ang hindi familiar sa kanya.

Nasa 25 pataas na si Ma'am at sa tingin ko ay newly hire teacher.

"Ok ok sit-down everyone" she smile at us at sumunod naman kaming lahat.

Nagbukas sya ng marker at sinulat ang pangalan nya sa white board.

"Ms Victorina Ligtas" basa ko sa pangalan nya.

Napatingin ako sa kumalabit sa akin. "Bakit?" tanong ko kay James.

"Kit wala tayong problems sa grade pangalan palang ni Ma'am  sigurado ligtas tayo sa 75." nakangise nitong sabi. natawa ako sa biro nya pero kinurot ko hita nya.

Pinanlakihan nya ko ng mata at ang mukha'y animo'y nagtatanong ito ng, Anong problema/kasalanan mo/ko?

"Puro ka kalokohan." tumawa ako ng bahagya at binalik ang tingin sa unahan.

Sa morning session naming class ay ang pag introduce yourself to the others, discussion about classroom rules, Don'ts in school area and many many more. 😁

Afternoon:

Kasalukuyan kaming palabas ng school ni James para kumain sa restaurant malapit sa school campus, para mananghalian.

Xxxxx's Foodhaus:

Sikat na restu dahil sa affordable ang prizes ng kanilang pagkain at talaga namang masarap ang kanilang sineserve.

Isang crispy fried chicken at 1 cup of rice tapos ay umorder kami ng kasalo coke para sa aming panulak.

Napatingin ako sa patay gutom na nasa harapan ko.

"Sigurado kabang kaya mong ubusin yan?" namamanghang wika ko habang nakatingin sa mga pagkain sa harapan ng kasama ko. 3 cup ng rice 2 friend chicken at 1 serve ng pusit.

"Oo gutom na gutom nako kanina pa." sagot nito saakin

Gusto ko sanang tumawa pero pinipigilan ko muna.

"Di mo naman sinabi na dumarami na pala ang bulate mo sa tiyan?" pang-aasar ko na ikinangiwi naman ng kaharap ko.

"Ehhhhh Kit wag mo nga akong asarin gutom na gutom na ko ehh." nakaguso pa nitong sabi, mabuti nalang at walang masyadong tao sa paligid naming at walang nakarinig sa pang-aasar ko.

Tumawa ako ng bahagya. "Basta kainan wala talagang tatalo sayo." bilib rin ako sa bituka at katawan nya kahit marami syang kinakain di sya tumataba.

"Kumain na ngalang tayo" nakabusangot nyang turan sa akin.

Tumango nalang ako at inumpisahang galawin ang pagkain ko.

Hope you enjoy reading👍

Thank you👍

IntersexTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon