Chapter 5

45 1 0
                                    


Resolving Issue

Mahigit isang oras ang ipainalagi namin ni Kiefer sa likod auditorium. Nakaramdam ako ng kapayapaan, at kagalakan sa prisensiya nya habang pareho kaming nakatanaw sa payapang kalangitan.

Walang ingay,walang pag-uusap,walang kibuan, tanging huni lang ng ibon at ang pag-ihip ng hangin ang maririning.

Mabuti nalang at naging ganoon dahil hindi ko alam kung paano makitungo sa kanya.

Humingi sya ng tawad sa akin. Sya ang may kasalanan kung bakit ako nadala sa school clinic ng araw na nakuhanan ng kumakalat na litrato naming dalawa, kaagad ko naman syang napatawad.

Pagkalipas ng mahigit isang oras ay nagkanya-kanya na kami ng daan.

Nagpasalamat lang ako sa pagbigay nya ng payo na nagpagaan sa loob ko, nag sorry rin ako sa kanya dahil sa pagtapon ko ng burger na nagawa ko dahil sa inis ko sa kaibigan ko, dahil sya ang may kasalanan ako ang napagalitan.

Tumango lang sya sa paliwanag ko, hayy mabuti nalang at nakapagpaliwanag ako sa kanya at nabago ang imahe ng nasa isipan nya sa akin.

Narealize kung tama ang sinabi ni nya, walang magagawa ang pag-iyak sa paglutas ng  problema.

Napangite ako habang binabalikan ang mga tagpo kanina.

Taas noo akong naglalakad sa lobby ng building ng G-12 na hindi pinapansin ang mga matang nakatingin sa akin.

Di naman ako mamamatay sa mga titig at tsismis nila.

Ang kinakailangan ko munang gawin sa ngayon ay pabayaan ang isyung kumakalat sa akin, at ipakita sa mga matang nakatitig at pinagtsi-tsismisan na naman ako na hindi ako apektado sa pangngu-ngutya nila.

Pagkadating ko sa loob ng classroom ay kaagad akong umupo sa upuan ko katabi ang nagtatakang kaibigan.

Isang tipid na ngite ang binigay sa kanya.

"Ayos ka na?" may bahid ng pag-aalala ang kanyang tono.

Ngumite ako't tumango, para siguraduhin sa kanyang medyo ayos na ako.

Kaagad syang napangite.

"Yan ang gusto ko sayo ehh, napaka-optismic ng pananaw mo sa buhay." nakangiting wika ni James.

Pero kaagad na napalitan ng kalungkutan ang kanyang mukha, magsasalita na sana ako ng nasapawan nya na ang sasabihin ko.

"Pasensya kana Kieth kung hindi kita nadamayan sa problema mo kanina, sumunod ako kaninang lumabas ka pero saktong pagdating ni Ma'am Xxxxxx at sinabihan akong pumasok sa klase dahil magre-review daw sya para sa long quiz bukas, pero wag kang mag-alala gumawa naman ako ng note para sayo, aralin mo nalang pagdating sa bahay nyo." nakayukong wika nya.

'Ohhh! ang swerte ko naman sa kaibigan ko, natouch naman ako sa pag-aalala nya sakin.

Napangite ako sa paliwanag ng katabi ko, hindi ko naman hiningi ang tulong nya sa problema ko, pero nagkusa parin syang damayan ako.

Ako yong klase ng taong hindi tumatanggap ng tulong mula sa iba mas gusto ko ang solusyonan ang problema kong mag-isa, pero nagpa-pasalamat ako dahil nakatagpo ako ng kaibigang kagaya nya, na may pag-aalala at handa akong damayan kahit di ko hingin, at higit sa lahat tanggap nya ang pagkatao ko, syempre pareho kami ehh.

Kaagad ko syang yinakap wala akong paki-alam sa mga matang nakatingin sa amin.

"Salamat." mula sa kinaibuturan ng aking puso.

Kasalukuyan kaming nakaupo ng kaibigan ko sa bench say gilid ng pathway, may kalahating oras pa bago buksan ang gate.

"James." pukaw ko sa kanya habang naka-ngiting nagpi-pindot sa kanyang cellphone.

IntersexTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon