Chapter 8

40 1 0
                                    


Devastated!

"Kiefer papasok ako." sigaw ko sa labas ng pinto para marinig ng may-ari ng kwarto na nasa loob.

Pero wala akong makuhang sagot. I took deep sight bago pinihit ang door knob ng pinto.

Ang tahimik na kwarto, medyo magulo, at ang nakaupong si Kiefer sa gilid ng kanyang kama habang nakayakap sa isang picture frame.

I feel his pain, minsan ko naring naranasan ang magmuk-muk ng mamatay ang Lolo Gregory ko. Lungkot, hirap, at pagda-dalamhati ang naghahalo-halong naramdaman ko ng mga panahong yon.

Umupo ako katabi nya. "Kiefer, dadalhin ko nalang dito ang pagkain mo." wala parin akong nakuhang sagot, bumuntong hinginga ako bago tumayo.

Pagbalik ko dala dala ko na ang tray na may laman ng pagkain nya.

"K, kumain ka na ng mag kalaman-laman naman yang tiyan mo." wala parin akong nakuhang sagot sa kanya.

I took a deep sight.

"Kagabi ka pa di kumakain, baka magka-ulcer ka dahil sa ginagawa mo."

"Hindi ko kailangan ng pag-aalala mo kaya iwanan mo na ako, gusto kong mapag-isa." malamig nyang sabi.

Medyo tinamaan ako sa sinabi nya. Sino nga ba ako para pakialaman ang buhay nya? Pero kakaiba ako makitungo sa mga taong nangangailangan, lumalabas ang pagiging banayad at matulungin ko sa kanila.

'K, hindi ko naman kinakailangan ng pahintulot ng isang tao para tulungang ko, kusa kong binibigay ang tulong na kinakailangan nila dahil ayaw kong makakita ng taong malungkot at nawawalan ng pag-asa.' sabi ng isip ko pero hindi nabigkas ng bibig ko.

Umupo ako katabi nya. "Kumain ka na ohh magkakasakit ka talaga pag ipinagpatuloy mo to."
malumanay kong sabi.

"Ano bah..!!" nagulat ako sa bigla nyang pagsigaw nakaramdam ako ng kaunting takot.

Kaagad nyang tinabig ang tray sa gilid nya, tumapon lahat ang mga pagkain sa sahig.

"Ahhhhh!" napasigaw ako sa hapdi, natapon sa akin ang sa sabaw na nasa bowl na hinanda ko para sa kanya.

Napatayo ako at pinagpag ang kamay ko, medyo mahapdi maiinit pa kasi ang sabaw na yon bagong luto palang.

Sinusubukan kong pigilan ang galit na namumuo sa dib dib ayaw ko syang sigawan.

Tumingin ako sa kanya may kaunting pagbabago ang expression nya hindi ko ngalang masabi kung and ang sinabi nito.

"Gusto ko lang namang malaman mong nandito ako para damayan ka. Minsan ko naring naranasan ang mamatayan kaya naiintindihan ko yang naramdaman mo. Nandito ako, handa kang alagaan at damayan! patawad dahil masyado akong nakikialam sa buhay mo pero hindi ko mapigilan ang sarili kong tulungang ang isang tao na alam kong nangangailangan. Sa tingin mo ba magiging masaya ang Lolo dito sa pinag-gagagawa mo, sa tingin mo ba di sya mag-aalala dahil halos di kana kumain, at one week kanang di pumapasok sa school. Wag kanamang maging-isip bata K, sa tingin mo ba matutuwa ang Lolo mo pag nalaman nyang pinababayaan mo na ang pag-aaral at ang sarili mo dahil sa kanya. Hindi lang sa kanya umiikot ang mundo mo K, pwede kang magpahinga at umupo ng saglit, pero titigil ka nalang  basta at magluluksa dahil sa pagkawala nya. Hindi tama yon, sa ayaw at sa gusto mo kinakailangan mo paring ipagpatuloy ang buhay na sinimulan mo, wala man sya sa tabi mo atleast alam mo namang palagi ka nyang sinusubay-bayan.
K, kinakakilangan mong tamayo at ipagpatuloy ang buhay mo hindi lang para sa sarili mo kundi pati narin sa mga taong umaasa sayo!" pagkatapos kong sabihin ang mga salitang yon ay kaagad kong pinulot ang mga utensils na tumilapon sa sahig at nilagay lahat sa tray.

Mamaya ko nalang to lilinisin, tumayo ako at naglakad palayo sa kanya.

Pero huminto ako sa harap ng pinto. "Dadalhan uli kita ng bagong pagkain dito, Sana naman ay kainin mo." wika ko bago lumabas ng kwarto nya.

Gaya ng sinabi ko ay muli ko syang dinalhan ng pagkain.

"Di ako aalis dito hanggat di mo naubos ang pagkain mo." wika ko habang nakatayo sa gilid nya.

After 15 minutes napangite ako dahil naubos nya ang pagkaing hinanda ko.

Kaagad kung niligpit ang pinagkainan nya, pagkatapos ay nilinis ang pagkaing tumapon sa sahig kanina.

Pagkatapos ko sa paglilinis ay tumayo ako't dinala ang tray sa gilid nya.

Ngumite ako ng bahagya sa kanya bago sya tinalikuran.

"Sandali." muntik ko no mabitawan ang tray na hawak ko dahil may pumigil sa braso ko.

Humarap ako sa may-ari ng kamay sa braso ko.

"May kailangan kapa ba?"

"Sorry." nakayuko nyang sabi sapat lang para marinig ko. Napangite ako dahil nakita ko ang soft side nya.

"Para saan?" I asked.

Tinaas nya ang kanyang noo at tumingin sa akin.

"Sa paso ng kamay mo at sa mga sinabi ko." di parin nagbabago ang expression nya, blangko parin pero lumambot naman ang kanyang pananalita, parang sincere talaga sya sa paghingi ng tawad.

"Ano ka ba naiintindihan ko, kung minsan kapag nag-uumapaw na ang emosyon sa dib dib natin kinakailangan natin itong mailabas gamit ang mga bagay bagay, dalawa lang ang resulta nito pwedeng maging mabuti o masama." nakangiting paliwanag ko sa kanya.

Biglang nagbago ang expression nya parang di nya inaasahan ang sinabi ko.

"Tumayo ka ulit at ipagpatuloy ang buhay na meron ka, mabuhay ng maging masaya at aktibo." nakangiting sabi ko bago nilisan ang silid.

Sana maging maayos ng kalagayan mo K.






Thanks for reading 👍

IntersexTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon