Fake News
Nakangite akong naglakad papasok ng campus dahil maganda ang simula ng araw ko.
PERO! bakit kaya ganito ang mga estudyante ngayong araw?
Halos lahat ng mata ay nakatingin sa akin. 'May nagawa ba akong masama?'
Ang mga nakakasalubong ko sa pathway ay tinitignan tapos ililihis ang paningin kapag titignan ko sila,
Ano bang nangyayari sa kanila? at ang pangit sa pakiramdam na halos lahat ng mata'y nakatingin sayo at palagay mo ay pinag-uusapan ka sayong likuran.
Nagmadali ako sa paghakbang ng aking paa at yumuko para itago ang aking mukha.
Di maganda ang kutob ko dito. Kinakabahan ako sa di malamang dahilan.
Pagkadating ko ng classroom ay halos lahat ng mga kaklase koy nakatingin sa akin, pero kapag ako yong titingin sa kanila ay kaagad rin naman nilang iniiwas ang kanilang mga mata, kasama na rin dito ang kanilang bulungan na hindi ko naman alam kung ano, pero malakas ang kutob kong ako ang kanilang pinag-uusapan.
Nahihirapan akong humakabang papasok sa loob, na para nang may humihila sa akin palabas
Agad akong lumapit kay James na nakataas ang kilay at mukhang naiirita na habang nakatingin sa screen ng kanyang cellphone.
Umupo ako sa tabi nya, pero parang di nya man lang ako napansin.
"James." pukaw ko sa kanya.
Agad syang napatingin sa akin puno ng pag-aalala ang kanyang mga mata.
Isang pekeng ngite ang ginawad ko sa kanya, pilit kong winawaksi sa isipan ko na may nangyayaring di ko alam.
Isa lang itong normal na araw para sakin, walang espisyal walang problema.
Pero ang puso ko'y taliwas sa aking iniisip.
"J-ames bakit ka ganyan makatingin? May pr-oble-ma ba?" may kaunting kaba ang dib dib ko habang pinapakawalan ang mga salitang yon, na pilit binabalewala ang pag-titig ng lahat ng mata sa akin.
'Masama ang pakiramdam ko dito!' kaba at frustration ang namumuo sa dib dib ko.
"Nakita mo na?" imbes na sagutin ang tanong, isang tanong ang kanyang tugon, para bang may-alam sya na di ko alam.
"Ano bang sinasabi mo!?" pinipilit kung pinapakalma ang sarili ko, nalilito na ko.
Sumilay ang pangamba sa kanyang boung mukha, at ang mga matang nagda-dalawang isip, bumuntong hininga sya.
Kapag ganito katahimik si James alam ko na re na may hindi magandang nangyari.
Kaagad nyang iniharap ang screen ng phone nya sa akin.
FACEBOOK:
Posted by: Unknown
Date: YesterdayCaption: Nahimatay o Nagpapa-pansin.
Attached photo: Pasan pasan ako ni Kiefer sa picture.
Like: 1.5 k Angry at Haha yong mga reacts.
Comment: 3.7 k
Share: 300
Naikuyon ko ang aking kamao, namumuo ang galit sa dib dib ko sa kung sino man ang nag post ng picture.
Hinaplos-haplos ni James ang braso ko, tumingin ako sa kanya, ang mga mata nya'y nagsasabing kumalma ka, pero di nito nabawasaan ang galit,inis at kahihiyang nararamdaman ko.
Kaagad kung kinuha ang bag ko at lumabas ng classroom.
"Kieth..." tawag sa kin ni James pero di ko pinansin patuloy lang ako sa pag-lakad, naiintindihan kong nag-aalala sya sa akin kaya.