"Wag sayangin ang grasya."
Afternoon class:
Walang teacher na pumasok, all of us inside the classroom ay may sari-sariling mundo.
"Na bo-bore na talaga ako dito!" angal ng katabi ko.
Tumingin ito sa akin na may mga mata at mukhang may binabalak, nagpanggap akong di sya narinig.
"Kieth." malumanay nyang tawag, pero ginagamit nya ang charm's nya sa kabaitan ko.
"James kung ano man yang nasa-isip mo wag mokong idamay." babala ko.
He pulled his lips papasok sa bibig nya at gumawa ng mukhang nakaka-awa, siguro kong di kami matagal ng mag-kaibigan talagang ma-aawa ako sa kanya.
"James di mo ko madadala sa ka-artehan mo gamitin mo nalang yong mobile phone mo't nang di ka ma bored." malumanay kung sabi at ibinalik ang tingin sa screen ng cellphone ko, busy sa pag su-surf sa Facebook at Instagram.
"Ehhh ayaw ko nga eh!" angal nito animoy batang pinapakain ng gulay na todo ang pag-iinarte
Bakit ko di kayang tanggahan ang katabi kong gumagawa ng mukha na para bang biktima ng isang malakas na bagyo, na kinakailangan tulongan dahil nangangailangan.
"Hayyy." bumuntong hininga ako na ikinangisi naman ng katabi ko.
"Kainis ka!" tinampal ko ng bahagya ang braso nya.
"Alam ko kasing di mo ko kayang tanggihan." proud nitong sabi, bago pa man ako makapagsalita agad na nya along sinapawan.
"Punta tayo sa Jolibee gusto kong kumain." nagutom pa ba sya sa dami nang kinain nya kaninang tanghalian?
"Prankahin mo nga ako James di ka ba nakainom ng purga kayat dumarami na yang butete sa tyan mo." di makaniwalang sani ko.
A/N:
*Jolibee tawag ng mga estudyante na nag-aaral sa Xxxxxx Senior High School sa kanilang Big Canteen.👍*Purga ay ang gamot na iniinom para patayin and bulate sa loob ng tiyan
"Kieth!!" angal nito sa akin.
"KIETH! samahan muna ko." sigaw nya napatingin naman ang lahat saamin.
Narinig ko ang mga bulongan ng mga kaklase ko sa likod.
'Center of attraction'
Wala naman akong ibang choice kundi samahan ang patay gutom na kaibigan bago pa sya mag sigaw sigaw sa loob ng classroom bago pa kami pag tsismisan sa loob.
Pagpasok namin sa loob ng Jolibee medyo marami rami rin ang mga estudyanteng nakatambay at kumakain sa loob
A/N
Again Jolibee is the name of big canteen in their campus it's not the famous fast food chain what you think.2 burgers, 2 fries, 1 buko juice at ice tea, lahat ng binili nya.
"Patay gutom talaga."
"Wag ka na ngang magreklamo, magpasalamat kanalang at nilibre kita." sagot nya at kumagat sa burger na hawak nya.
"Ummmm ang sarap!" ani nito habang nimanam-nam ang pagkain sa loob ng kanyang lalamunan habang nakatingin sa burger na hawak na para bang takot itong maagaw sa kanya.