Grace's P.O.V
Napagising ako sa tunog ng alarm clock ko. Napaginipan ko naman yung lalaking natagpuan ko sa ilalim ng ulan. Last week na yung pangyayaring yun pero paulit-ulit kong napaginipan. Sana sa susunod naming pagkikita ay maitanong ko ang pangalan niya, ang gwapo niya sana eh.
Bumangon ako sa aking kama at dumeretso sa banyo at naligo. Nagbihis na ako sa aking uniporme dahil nga Lunes na naman, ang bilis ng panahon! Bumaba ako sa hagdanan at dumeretso sa kusina at nakita ko naman sina Mommy at Daddy na kumain na.
Hindi man lang ako hinintay. Sabi ko sa isip ko.
"Good morning mom, dad!", lumapit ako sa kanila at hinalikan sila sa pisngi. Binati rin nila ako at tsaka na ako umupo at nagsimulang kumain. Nagkwentuhan lang kami at natapos na akong kumain, iniligpit ko ang aking kinain at pumunta sa lababo at nagsepilyo. Nagpaalam na ako sa kanila at hinahatid na rin ako sa driver namin.
School...
Nasa paaralan na ako at nakita ko naman agad si Charlotte, matalik kong kaibigan. Isa rin siya sa taong pinagkakatiwalaan ko. Alam na niya ang tungkol sa lalaking natagpuan ko sa ilalim ng ulan. "Grace!", tawag sa akin ni Charlotte at lumapit naman ako sa kanya. "Hi Char!", bati ko sa kanya, "how's your weekend?",dagdag ko pa. "Masayang masaya kasi umuwi si Daddy galing abroad", masayang kwento niya, "by the way Grace, napaginipan mo ba naman siya?". I sighed muna at sinabi ko sa kanya ang totoo. "Ano ba naman yan! Palagi mo nalang siyang napaginipan! Sino kaya yung lalaking yun?", si Charlotte. "Hindi ko nga alam---", naputol ang sinabi ko nang mag ring na ang bell, "guess we have to go to our class now", sabi ko.
BINABASA MO ANG
Meet You Under The Rain (Discontinue)
Random"You're joking right?" -Grace "No I'm not, Grace. Sorry but I can't help it. I love you, Grace Jones" -Jonathan