Jonathan's P.O.V
"What do you want to snack?",tanong sa akin ni Grace.
"No thanks",tanggi ko.
"Kung anong paborito mo, yan ang kainin ko",sabi ko at ngumiti naman siya, "okay sure. Dun ka muna sa sala at basta wag kang pupunta sa itaas baka mapasukan mo pa ang kwarto ko". Tumango ako.
Grace's P.O.V
Pancake with strawberry syrup. Yum!
Dalawa ang niluto ko at tapos na itong maluto at tsaka kinuha ko ang strawberry syrup sa cabinet na nasa itaas. Pagkakuha ko nito ay kunti nalang ang laman nito. Binuhos ko ito sa dalawang pancakes at walang laman na ang strawberry syrup.
Lumabas na ako sa kusina habang bitbit ko ang dalawang pinggan na may pancake at nakita ko si Nathan na may kinuha na frame at tinanaw niya Ang nasa imahe nito. Ngumiti siya sa picture kaya nilapitan ko siya. Nakita ko Ang mukha ko nung 4 years old ako na may bitbit na teddy bear kaya napangiti rin ako.
"Oh Grace! Nandito kana pala",biglang sulpot ni yaya.
Nagulat nalang ako at muntik nang mahulog ang pinggan pero nahawakan ito ni Nathan,"Be careful".
Napatingin ako kay yaya na may nakatuksong tingin na sa amin. "Hindi ko pala alam Grace na may boyfriend kana. Alam ba ito sa magulang mo?"
"Yaya! Hindi ko po siya boyfriend",sabi ko.
"Eh, ano mo siya?",tanong ni yaya. "Ahmmm......",hindi agad ako nakasagot dahil kung sasabihin kong kaibigan kami ni Nathan ay hindi naman kami magkaibigan.
"Kaibigan ko po siya.",sabi ni Nathan at napatingin naman ako sa kanya at nag wink pa siya sa akin.
Bwisit ka!
"Hayyyy...... magkaibigan pa kayo niyan pero sa huli maging kayo din",sabi ni yaya at nagulat naman ako.
Naglakad na si yaya palayo sa amin pagkatapos niyang sabihin ang mga salitang yun at lumabas na siya ng bahay. Hinarap ko si Nathan.
"I think what your yaya said is true",sabi ni Nathan at bumilis ang tibok ng puso ko.
"Ughhh!!!! Umalis ka na Nathan!",inis kong sabi pero mabilis parin ang tibok ng puso ko at hindi ko ito pinahalata. Ngumiti lang si Nathan,"but the pancake?"
Ayy oo nga.
"Bilisan mo itong kainin at saka umalis kana",sabi ko.
"Hindi ba pwedeng matutulog nalang ako dito?",sabi ni Nathan habang nakangisi at mas bumilis ang tibok ng puso ko.
"Jonathan Carter nakakainis ka na!",nang-gigigil kong sabi at natawa naman siya,"okay okay. HAHAHA, akin na ang pancakes",Sabi niya sabay kuha sa pinggan ng dalawang pancakes at nagpauna siyang maglakad patungong kusina. Sinundan ko naman siya. Pagpunta ko dun ay tapos na siyang kumain sa pancakes.
Bilis naman maka kain nito.
"Tapos kana palang kumain?!", sarkastikong tanong ko.
"Yep!",nakangiting sabi niya. "So pwede na ba akong umalis?",tanong niya.
"Yeah sure!",masayang sabi ko.
"Hindi mo man lang ba ako ihatid sa labas?", nakangiti paring sabi niya na naging dahilan ng pagbilis ng tibok ng puso ko.
That smile.....
"Okay payn!",pag sang-ayon ko nalang.
Hinatid ko na siya sa labas at nagpaalam na rin ako sa kanya.
BINABASA MO ANG
Meet You Under The Rain (Discontinue)
Random"You're joking right?" -Grace "No I'm not, Grace. Sorry but I can't help it. I love you, Grace Jones" -Jonathan