Chapter 18

9 2 0
                                    

Jonathan's P.O.V

Napagising nalang ako nang biglang mag ring ang cellphone ko. Tamad kong kinuha ang cellphone ko sa table na nasa tabi ng kama ko nang walang tingin-tingin at deretsong sinagot ang tawag.

"Yes hello?",kalmadong sagot ko.

[Hi Nathan, baby ko!],sagot sa kabilang linya at uminit ang ulo ko nang marinig ko ang boses niya.

Deretso Kong ini-end call ang tawag at bumalik sa pagtulog.

Bwisit na Blair na yan!

Wait... Did I just say 'bwisit'? That's Grace's line!

Napangiti nalang ako sa iniisip ko at natulog na.

-------

"Nathan? Son?",narinig ko Ang boses ni dad sa labas ng kwarto ko habang kumakatok siya sa pinto.

Bumangon ako sa kama at pinagbuksan ng pinto si dad.

"Bakit dad?", tanong ko sa kanya.

"Kumilos kana dahil may bisita ka sa baba",sagot niya at tinalikuran na ako at umalis na.

Sino namang bisita? Baka si Grace.

Napangiti nalang ako sa naiisip ko at nagsimula nang kumilos.

-------

Bumaba na ako sa hagdan at.....

Stupid!

"Blair?!",napasigaw kong tanong.

Nakangiting lumingon sa akin si Blair sabay sabing, "Hi Nathan",at kumaway pa sa akin!

Tumalikod ako at babalik na sana sa itaas nang pinigilan ako ni dad, "Jonathan! Don't just walk away like that!"

Humarap ako sa kanila, "Dad, ito ba ang bisita na tinukoy mo?!"

Hindi sumagot sa akin si Dad pero galit parin siyang nakatingin sa akin.

"Dad, hindi naman siguro bisita ang tawag nito, more like a stranger who out of nowhere just come to see me", sarkastikong pagkasabi ko para naman masaktan si Blair.

Parang may binulong si Daddy Kay Blair para tumango siya at humarap naman sa akin si Dad. "Jonathan we need to talk",sabi ni dad at nagpaumuna akong pupunta sa kwarto ko.

Ilang segundo lang, nandito na si daddy sa kwarto ko.

"Jonathan, what kind of word did you use to call her?!",galit na tanong ni dad pero binalewala ko lang ito.

"Jonathan, answer me!"

"Stranger. She's a stranger to me and you don't have the rights to scold me like that just because I called her a stranger.",kalmadong sagot ko.

"I have the rights Jonathan! Tatay mo ako for goodness sake!"

"Dad",tawag ko sa kanya. "Do you like Blair para ganyan ka makasalita?!"

"How dare you to ask me that kind of question!!"

"Sagot"

"Wag mo akong pagsalitaan ng ganyan Jonathan!"

Hindi ako nagsalita.

"I'm going to set an arrange marriage for the two of you",Sabi ni dad at parang tumigil sa pag-ikot ang mundo nang marinig ko ang mga salitang binitawan ni dad.

An arrange marriage for me and that bitch Blair?!

Grace's P.O.V

Lumabas ako ng kwarto at nakita ko si Charlotte sa terrace. Lumapit ako sa kanya.

"Char, I'm so sorry.",paumanhin ko sa kanya pero hindi siya nagsalita.

"Natakot lang kasi ako na mawala si Nathan",sabi ko.

"Okay lang. Naintindihan din naman Kita",Sabi niya at iniwan ako sa terrace.

I've already lost Nathan and now I lost my best friend.

Iyak lang ako nang iyak nang naramdaman kong may humawak sa balikat ko. Humarap ako sa kanya and I saw mom.

"Mom",tanging nasambit ko at yumakap sa kanya habang umiyak.

"Shhh....shhhh...shhhh.. huwag kanang umiyak.... Tell me what's the problem?",tanong ni mommy sa akin sabay putol sa yakap.

"Mom, nung nanligaw sayo si dad, um-oo ka agad?",tanong ko at kumunot naman ang nuo ni mommy.

"Yes why?",tanong niya.

I can't just tell her the truth!

"Hmm wala lang",sagot ko.

"Grace, I know you're hiding something from us", seryosong sabi ni Mommy.

Now I got caught.

"Fine, there's this boy na nanligaw siya sa akin nung nakaraang araw then....",hindi ko natuloy ang sinabi ko dahil naalala ko yung mukha ni Nathan nung na reject ko siya.

He look so sad.

"Then what?",nabalik lang ako sa reyalidad nang nagtanong si mom sa akin.

"I said no because I'm not yet ready for some kind of serious relationship", deretsong sagot ko.

"Well, you did the right thing because me and your dad are already found someone who's right for you", deretsong pagkasabi ni mommy at nagulat ako.

Totoo ba to? Wake up self!

"Mom, you're kidding right? Hahahaha", natatawang tanong ko pero nang tumingin ako kay mommy ay seryoso siya kaya tumigil nalang ako sa pagtawa.

"You should meet him when we got home",sabi ni Mommy pero wala talaga akong masabi.

How can they do this to me?!

"Grace, don't be sad. Mabait naman si Calvin at gwapo rin", sabi ni Mommy pero hindi parin ako nagsalita.

"Grace. Okay, I'll give you time",sabi niya at iniwan ako.

Kailangan ko ng bumalik sa Pilipinas.

Pumasok ako sa kwarto ko at nakita ko agad ang maleta ko. Nandito lang kasi Ang mga damit ko kaya hindi na ako nagsasayang ng oras na mag empaki pa. Nagbihis agad ako at pagkatapos, lumabas ako habang dala ko ang aking maleta.

Hindi ako nag paalam kina mommy at daddy Kasi alam ko namang hindi nila ako payagang umuwi mag-isa.

Ilang sandali, nasa Airport na ako at sumakay agad ng eroplano patungong Pilipinas. Ini-off ko ang cellphone ko para hindi nila ako makontak.

Meet You Under The Rain (Discontinue)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon