Chapter 20

10 2 0
                                    

Grace's P.O.V

Umalis na si Calvin habang ako naman ay nakitulong sa maid nila dahil nga aabsent ako ngayong umaga at papasok sa tanghali.

Naalala ko ang sinabi ni Calvin sa akin kanina tungkol kay Nathan at nagsimula akong nagtaka.

"Merabelle, paano po nakilala ni Calvin si Jonathan?",tanong ko kay Merabelle na isa rin sa mga maid nila.

"Ang alam ko lang iha ay mag-pinsan silang dalawa",sagot niya.

Ahhhh kaya pala.

Dati ko ng kilala si Merabelle dahil noon ay bumibisita ako rito sa bahay nina tita Arlette at tito Keith pero hindi ko alam na anak pala nila yung lalaking yun, si Calvin.

"Hmm may nalaman ka po ba tungkol dito o may narinig man lang na ipapakasal ako kay Calvin?",tanong ko.

"Naku iha, wala talaga dahil palagi kasi akong busy",paliwanag niya at tumango lang ako.

Kung ano man ang plano nina mommy at daddy kailangan kong tigilan.

"Iha, ako nalang siguro ang magpatuloy sa paghugas ng mga pinggan. Siguro napagod kana", kalmadong sabi ni Merabelle sa akin.

"Wag na po. Tulungan lang po kita", nakangiting sagot ko at ngumiti rin sa akin si Merabelle.

Ilang minuto at natapos na namin ang paghuhugas ng mga pinggan.

Lumabas na ako sa kusina at natagpuan ko si tita Arlette.

"Grace, there you are!",sabi niya.

"Bakit po tita Arlette?",tanong ko.

"Hindi ka pa ba uuwi sa bahay niyo? Siguro namiss kana ng magulang mo",wika niya.

"Gusto ko po tita pero natakot ako", paliwanag ko.

"Bakit naman?"

"Baka pagalitan ako ni Daddy"

"Hindi ka pagalitan Grace. Pagsabihan ka lang. That's what we parents do"

"Oo nga tita. Kailangan ko ng umuwi dahil papasok pa ako mamayang tanghali"

"Ako ang maghatid sa kanya tita",napalingon kaming dalawa ni tita Arlette sa pinanggalingan ng boses na iyon.

I froze when I saw him.

"Oh, Jonathan it's good to see you",bati ni tita Arlette kay Nathan.

"Tita, good morning. Your son texted me na may bisita raw kayong kailangang umuwi na?", sarkastikong tanong ni Nathan.

"Yeah of course if it's okay with Grace?",tanong ni tita Arlette at nilingon ako.

Wala akong choice kaya um-oo nalang ako.

"Great!",sambit ni tita Arlette habang nag wink sa akin.

Nagpaalam na ako at lumabas na sa bahay nila kasama si Nathan. Pinagbuksan ako ni Nathan ng pinto sa kanyang sasakyan at pumasok nalang sa loob. Pumasok na rin si Nathan sa loob ng sasakyan and the worst part is that magkatabi kami. Nagsimulang mag-drive na si Nathan at ako naman ay sa labas lang ng bintana tumingin.

"So Grace, long time no see? I guess?",biglang sabi ni Nathan.

"H-Hi", tanging nasambit ko lang.

Okay, I admit that was so stupid of me.

Narinig kong tumawa si Nathan at nahiya naman ako.

"Sa daming kailangang sabihin, hi lang talaga ang masabi mo?", sarkastikong tanong niya habang dini-inan ang salitang 'hi'

"Eh ano pa ba ang kailangan kong sabihin?", sarkastiko ring tanong ko.

"Pft! Nevermind",sabi niya.

"Baka na late kana ngayon.",sabi ko.

"Nahh I prefer to spend my time with you",sabi niya at ramdam kong uminit ang mukha ko.

Gosh! I blushed!

Itinago ko ang aking namumulang mukha para hindi niya makita.

"I know you're blushing",sabi niya.

Paano niya nalaman?!

Hindi ako nagsalita hanggang nakarating na kami sa harap ng bahay ko.

Lalabas na sana ako ng kotse pero ni lock ni Nathan ang pinto.

"What the?!",aniko.

"Grace, let's make things right on us",wika niya.

"I'm afraid NOT. Because there was no us!", deretsong sabi ko.

Nathan's P.O.V

I'm afraid NOT. Because there was no us!

I'm afraid NOT. Because there was no us!

I'm afraid NOT. Because there was no us!

I'm afraid NOT. Because there was no us!

I'm afraid NOT. Because there was no us!

Grace's words keeps echoing in my head. Ganito pala ang pakiramdam kapag may mahal ka.

"I guess you're right. There was no us", malungkot na sabi ko pero hindi ko pinahalata at ini-unlock ko nalang ang pinto sa kotse.

Deretsong lumabas si Grace sa kotse at hindi rin siya lumingon sa akin.

Pinaandar ko na ang kotse ko patungo sa paaralan ko.

Pumasok na ako sa room ko at maraming mga mata ang tumingin sa akin pero Hindi ko ito pinansin.

"Jonathan Carter, you're late!",sigaw ni Sir Reyes sa loob ng classroom pero hindi ko siya pinansin at deretsong lumakad lang patungo sa upuan ko.

"Where is your manner Carter?",insultong tanong ni Sir Reyes pero hindi ko parin siya pinansin at umupo na sa upuan ko.

Hindi nalang niya ako pinansin at nagpatuloy nalang siya sa discussion niya.

A/N: Sorry for the late update and stay safe everyone!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 03, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Meet You Under The Rain (Discontinue)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon