Chapter 3

39 6 0
                                    

Grace P.O.V

Nasa di pamilyar na lugar ako ngayon at umuulan dito. Ang tangi kong nakita lang ay ang mga puno at upuan. Habang inaaralan ko ang paligid ay may nakita naman akong lalaking pamilyar na nakaupo at naka hoodie.

Linapitan ko ito at pag tingin ko sa mukha niya, siya yung lalaking nakita ko noong huling linggo. "Ahmm hi!", pagbati ko sa kanya. Tiningnan niya ako deretso sa mata niya at saka siya ngumiti at "How can you easily say hi to a stranger?", sarkastikong tanong niya.

Wow ah! Lupet maka english!

"Okay then, kung strangers tayo ngayon then I'm Grace Jones", pagpapakilala ko sa kanya habang inabot ko ang kamay ko sa kanya pero tumingin lang siya sa mukha ko habang ngumiti. Binawi ko nalang ang kamay ko dahil napahiya naman ako. "Jonathan Carter, Nathan for short" ,pagpapakilala niya sa sarili at kinuha niya ang kamay ko at shinake hands ito sa kamay niya.

Ang lamig naman sa kamay niya.

"So now we're not strangers anymore", sabi ko. "Wait lang, pansin ko lang bakit sa tuwing umuulan lang kita makita?",tanong ko. "Ewan ko sayo",ang tanging sagot niya.

Bwisit na nga, masungit pa!





*Cring* *Cring* *Cring*

Napagising naman ako sa tunog ng alarm clock ko. Napaginipan ko naman siya.

Jonathan Carter, Nathan for short.

"So he's Jonathan",sabi ko sa sarili ko na may patango-tango.

Grabe! Ang gwapo niya pala sa malapitan!

Napangiti nalang ako sa naisip ko at bumangon na ako sa kama then pumunta sa banyo at naligo. Nagbihis na ako sa uniporme ko at tsaka bumaba sa hagdan. Wala raw sila mommy at Daddy ngayon dahil may business na aasikasuhin sila ngayon.

Kumuha lang ako ng Fresh Milk sa ref at ininom ito. Nagsepilyo muna ako at nagpaalam sa yaya namin.

School...

Pagdating ko sa paaralan ay sinabi ko agad lahat Kay Charlotte ang napaginipan ko. Ilang minuto lang kami nagkwentuhan at nag ring na ang bell.

Meet You Under The Rain (Discontinue)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon