"SA TINGIN ko hindi na siya darating." Ang marahang tapik nang bestfriend niyang si Mitchel ang gumising sa malalim na daloy nang diwa niya. Saka niya iginala ang mata sa paligid. Naroon siya sa simbahan. Para sa araw nang kasal niya. Alas dose ang hapon ang nakatadang araw nang iyon. Subalit lumipas na ang mahigit tatlumpong minuto. Wala rin ang bride niya.
Samot saring isipin ang naglaro sa diwa niya. Habang naroon ang galit dala nang labis na kahihiyan. Naroon siya sa harap nang altar para lang mapahiya. Naroon ang awa sa mata nang stepmother niya nang lingunin niya ito. Something he doesn't need.
Higit tatlong taon na niyang nobya si Jillian. Ang babaing nakatakda niyang pakasalan. Nakilala niya ito sa isang conference sa Cebu. Kung saan ay isa siya sa mga guess speaker. At ang kompanyang pinagtatrabahuan nito ay isa sa mga sangay nang kompanya na pag-aari nang ama niya. Ito ang kasama ang branch manager dahil si Jillian ang secretarya nito.
He has been so glad meeting her. Mula noon ay hindi siya tumigil sa panliligaw dito. He did fell in love with her. Iyon ang paliwanag niya sa reaksyon niya nang unang magtama ang kanilang mga mga mata. Maganda at sophistikada ang dating nito.
And he was one lucky man nang tangapin siya nito. Siya na maliban sa pagiging isang mahusay na negosyante ay walang maipagmamalaki. Well most people say he was damn of a good man. Minsan na siyang na-i-cover sa isang business magazine. At sa edad niyang bente nuebe. He was consider as of the elegible bachelor. He has is own business, malibang siya rin ang tumatayong Presidente nang kompanya na pag-aari nang ama niya. Kaya hindi katakatakang maraming babae ang naghahabol sa kanya. Pero kahit minsan ay hindi siya kailan man pumatol sa mga babaing hayagan ang pagnanais na masilo siya. Mas gusto niya ang mga babaing tulad niyang ayaw sa commitement.
But that was then, dahil mula nang makilala niya si Jillian. Nagbago ang pananaw niya sa buhay. He fell for that sweet smiles of her.
Gumuhit ang pait sa dibdib niya nang mula kung saan lumitaw nangungutyang ngiti nito. It was his illusion alam niya iyon. Subalit labis na sakit ang dala noon sa pagkalalaki niya. Talo pa niya ang ininsulto sa hindi nito pagsipot sa kasal nila.
"Umalis na tayo pare."Yakag ni Mitchel saka siya inakbayan. Tila wala sa sariling napasunod na lang siya dito.
"Paano niya nagawang ipahiya ako nang ganito, Mitch?" Tiim bagang tanong niya dito nang nasa loob na sila nang sasakyan niya. Isang marahas na pag-iling ang ginagawa nito. Saka pinatakbo ang sasakyan.
"I hope I can answer your question. Pero kahit ako nagulat sa hindi niya pagdating. I mean naniwala akong mahal ka niya, pare." Naroon ang pagkalito at panghihinayang sa mata ni Mitchel. Alam nito ang lahat nang ginawa niya para kay Jillian. Mitchel was his bestfriend since time immorial. Pareho silang lumaki, sa hirap at nagsumikap sa buhay para umangat. Ang pinagkakaiba lang nila. May maayos at boung pamilya ito. Hindi tulad niya.
Niyaya siya nitong magpalipas muna nang oras upang kalmahin ang sarili. Naisip niyang tama ito. Dahil baka hindi rin niya magawang kontrolin ang sarili kung hindi magiging maganda ang pag-uusap nila. He could be harsh when he was angry. Lalo na sa mga sandaling iyon. Bandang alas sais nang gabi nang ayain siya ni Mitchel na mag-inum. Para raw hindi siya nagmumukmok.
"Kailangan mag-usap kami? Gusto kong malaman ang dahilan niya pare. Maybe I can forgave her for not coming. O baka may dahilan." Nakaka-unawang tumango ito saka kinabig ang manibela. Mahal niya si Jillian at gusto niyang bigyan nang pagkakataon na magpaliwanag ito. Baka nga may malalim na dahilan sa hindi nito pagsipot sa araw nang kasal nila.
Yeah there must be a reason. At naniniwala siyang magiging maayos rin ang lahat sa pagitan nila. He had to swallow his pride dahil mahal niya ito.
Ilang sandali lang ay narating nila ang apartment nang kasintahan sa Ortigas. Matagal na itong nangungupahan doon. At ilang pagkakataon na rin siyang napunta sa unit nito. Humugot siya nang malalim na paghinga bago nagpasyang kumilos. Kailangan niya iyon upang magawa niyang kontrolin ang sarili.
Nagpasyang magpa-iwan si Mitchel upang magkaroon sila nang privacy. Palabas siya nang elevator nang 'di sinasadyang mabanga niya ang babaing noo'y papasok nang elevator. She was crying sigurado siya doon. Dahil hindi man lang ito humingi nang pa-umanhin sa kanya. Tuloy tuloy itong sumakay sa elevator na pinagalingan niya. Hindi man lang nito nagawang tinginan kung baba o pataas ang elevator. Nakayuko ito at natitiyak niyang umiiyak ito.
Sa kung anong dahilan nakadama siya nang awa sa babaing iyon. He wonder why was she crying upang kaagad ring umiling. Ano bang paki-alam niya sa problema nang babaing iyon. Hindi nga ito marunong magsorry. Why was she crying anyway?
Napapa-iling na nanglakad siya patungo sa unit nang kasintahan. Subalit bago pa man siya nakita nito. Kitang kita niya ang paglalabas nito sa unit na katapat nang unit nito, kasunod ang lalaking tanging boxer lang ang sout. At sa hitsura nang mga ito mukhang kagigising lang nang mga ito. Naikuyon niya ang kamao dala nang galit na sumalakay sa kanya. Gusto niyang lapitan ang mga ito at komprontahin. Subalit tila siya nanigas mula sa kinatatayuan. Hindi man lang niya magawang igalaw ang sariling paa habang nakatitig siya dalawang bulto nang katawang iyon. Kitang kita niya kung paano hinalikan nang lalaking iyon si Jillian. Tila nag-akyatan sa ulo niya ang lahat nang dugo niya. At sa anumang sandali ay maaring sumabog iyon.
He could feel his body shaking in anger and pain. Habang para siyang tangang naghihintay sa simbahan para sa kasintahan. Mukhang nagpapakaligaya ito sa lalaking kasama nito. Tila pinipiga ang puso niya, he was so much insulted and betrayed. How could she do that to him.
BINABASA MO ANG
ALONG THE CROSSROAD: BROKEN HEARTS COLLIDE
Romance'Sa romance novel, puro perpecto ang mayroon ang lalaki, o babae. But in reality. People gets hurt, woman cries, and men played their games, that's the truth. " Liam felt rejected all his life, at mas naramdamam niya iyon ng hindi siy...