5

1.2K 45 0
                                    


NAGISING SI Alexandra dahil sa kaluskos nang tubig mula sa banyo. Saka siya nangpasyang bumangon. Sa inaantok na mata ay nagtungo siya sa banyo. Ignoring the sound of the dripping water. Inisip niyang, baka nakalimutan niyang isara ang shower. So she did enter the bathroom, at ganun na lang ang pagkabigla niya itulak niya ang pinto. Bumungad sa mata niya ang hubad na katawan ni Liam. Bigla siya nakadama nang pagkapahiya nang lumingon ito sa kanya. Subalit hindi man lang ito tumalikod upang itago ang sarili mula sa inosenti niya mga mata.

Tila siya nawala sa sariling pinaglakbay ang mata sa hubad na katawan nito. She did saw him half naked often at aminado siyang maganda ang katawan nito. But seeing him without any clothes. He was more beautiful than she could ever imagine. He was sexier, looking like that. Napalunok siya nang dumako ang mga mata niya pababa sa katawan nito. Upang muli ring mabawi ang tingin.

"Ano--anong ginagawa mo dito?" Tila wala sa sariling tinakpan niya ang mata. Subalit siya na rin ang sumagot sa tanong niya. Saka lang niya naalalang doon pala niya ito pinatulog dahil naiwan ang susi nang cottage nito sa loob. "Bakit hindi mo nilock ang pinto?" She could feel her face blushing. Dala nang kahihiyan.

"Alex, baka puweding mamaya mo na ako tanungin." Sukat doon ay saka siya natauhan. She was interrogating him, habang nasa ganun itong ayos. Such a fool she was. Saka siya nagmartsa palabas nang banyo. Then close the door behind her. She could have scream, out of excitement. Subalit pinili niyang kastiguhin ang sarili. Nasa ganun siyang ayos nang lumabas ito mula sa banyo. Nakapagbihis na ito nang damit nito. Napapahiyang nag-iwas siya ang tingin. Nang humakbang ito palapit sa kanya. Halos pigilin niya ang paghinga nang makalapit ito sa kanya.

"I'm sorry, hindi ko sinasadya." Nakayukong saad niya dito. She was too stupid. Bakit ba siya nag-aapologized dito. Parang mas nagulo ang kalinisan nang utak niya dahil doon. Yet she couldn't even look at him.

" Parang ayaw kong paniwalaang hindi mo sinadya iyon, Alexandra." Nanunukso ang tinig nito, dahilan upang tingalain niya ito. At ganun na lang ang pamumula nang mukha niya dahil sa nakakalukong ngiti nito sa kanya. Kulang na lang ay batuhin niya ito nang unan dala nang labis na kahihiyan na nararamdaman niya. And yet, he was able to tease her like that. Ang sama nito.

"Anung akala mo sa akin, sasadyain kong silipan ka. Duh, if I know sinadya mong hindi i-lock ang pinto." Kapwa sila napa-iling dahil doon. She had forgotten that the door don't have lock.

Napahugot siya nang malalim na paghinga dahil doon.

"Sorry!"Halos magkasabay pang sambit nila. Sukat doon ay kapwa sila napangiti sa isa't isa.

"So did you enjoy watching my body huh?" Muli ay naroon naman ang ngiting iyon sa mata nito.

"Feeling mo lang iyon." Sa namumulang mukha nagawa niyang mag-iwas nang tingin.

Nasa ganun silang tagpo nang may kumatok sa pinto. Siya na ang nagbulontaryong magbukas nang pinto. Nabungaran niya roon ang caretaker nang cottage nito. Dala ang duplicate ang susi nito.

"So saan mo naiwan ang susi mo?" Tanong niya dito nang sumunod siyang pumasok sa cottage nito. Kapwa sila napatingin sa susing nasa ibabaw nang lamesita na naroon. Naroon ang susi, katabi nang cellphone nitong noo'y tumutunog. Napuna niya ang pagsasalubong nang kilay nito. Subalit hindi nito pinasin ang tawag. Saka ito tumuloy sa silid na naroon. Dala nang curiosidad ay napatitig siya sa larawan sa screen. Ganun na lang panlalaki nang mata niya habang nakatigin siya sa larawang nakarehistro sa screen ang cellphone. Mula kung saan lumitaw sa isip niya ang hitsura nang babaing nakita niya sa apartment noon ni Danny. Sa nanginig na tuhod ay napaatras siya saka litong napa-upo sa sofang nasa likod niya.

ALONG THE CROSSROAD: BROKEN HEARTS COLLIDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon