7

1.1K 38 0
                                    


"HINDI KA NA nagsalita diyan." Muntik na siyang mapasinghap nang pisilin ni Liam ang ilong niya. Matapos nang mga sinabi nito kanina parang bigla siyang nawala sa sarili niyang katinuan. It made her felt so delighted. Abot langit ang pagpipigil niya sa sariling huwag yakapin ito. Kaya pinili niyang manahimik.

"Kung ano ano kasi ang sinasabi mo eh." Dama niya ang pag-init nang mukha niya. Wala iyong ano mang kahulugan dito. Bakit parang gusto niyang isiping may nais ipahiwatig ito sa sinabi nitong iyon. Kung bakit naman kasi kailangang titig na titig ito sa mukha niya. "Ahm Liam, puwede bang huwag mo akong masyasong titigan. Naiilang ako eh." Tila noon lang nito napagtanto ang bagay na iyon. Saka ito napapahiyang ngumiti. Sabay baling nang tingin sa ibang direksyon. Upang muli ring lumingon sa kanya. Halos magwala ang puso niya sa tindi nang pagkabog doon. Saka ito ngumiti.

"I was wondering---- ah never mind." Saka ito umiling.

Then silence.

"Bakit mo laging sinasabing nag-iisa ka Liam. Mabait naman ang step mother mo sa'yo." Sa kung anong dahilan nasabi niya dito. Minsan na nitong naikuwento sa kanyang ang di pagtangap nang sarili nitong ina dito. Pati na ang galit unang asawa nang ama nito sa dito. Subalit sa ilang pagkakataong nakita niya ang matandang ginang . Masasabi niyang malaki ang respeto at tiwala nito sa binata. Kaya hindi niya maiwasang mag-isip.

Humugot ito nang malalim na paghinga bago nagsalita. " Sinasabi rin iyan ni Mitchel. At nararamdaman ko rin iyon. Pero kahit pa, hindi pa rin sila ang pamilya ko. Well., siguro nanghahanap lang ako nang pamilyang masasabi kong nabibilang ako. Something like that. Its hard being so alone. Mahirap rin lumaki na walang ibang tumatangap sa'yo. " Bigla ay may kung anong usig ang konsenya siyang nadama.

Naghahanap lang ito nang mga taong higit na maka-unawa dito. Tatangap dito. Unlike her. She still have her father, pero dahil sa tampo niya tinitikis niya ito. Bigla ay nakadama siya nang pagkapahiya sa sarili.

"Alex, dito na lang ako makitulog sa'yo. Late na eh." Pag-iiba nito nang usapan na ikinalingon niya dito.

"Ha?"

"Sabi ko makikitulog muna ako. Napagod akong madrive eh." Reklamo nito. Alam niyang pagod ito dahil sa maghapong meeting nito. Bukod kasi sa sarili nitong negosyo. Kailangan rin nitong asikasuhin ang negosyong ipinagkatiwala dito nang ama nito.

Magsasalita pa sana siya nang bigla siyang napabahing "And besides baka mamaya bigla ka na lang magkatrangkaso, nag-iisa ka pa naman."

Napapa-iling na sumang –ayon na lang siya dito. Alam niyang nagdadahilan lang ito. Naawa rin naman siya sa pagkahapong hindi nito maitago. Napipilitang sumunod ito sa di kalakihang silid niya. Sa ilalim nang kama niya ay mayroong spare bed na nakakabit sa kama niya. Hinila niya ang hawakan noon. Tumambad sa ang pang-isahang kama. Lagi iyong malinis dahil hindi niya nakakaligtaang linisin iyon tuwing off niya. And besides may allergy siya sa alikabok. Kumuha siya nang spare blanket at bed cover para dito. Saka iyon nililatag sa kama. She reach for her pillow saka iyon ibinigay dito. Hindi niya maiwasang mapangiti. Parang nangayari na ang ganung eksena nila. Noong nakalimutan nito ang susi nito sa loob nang cottage nito. Saka siya lihim na napangiti.

Saka siya nagtungo sa banyo para magbihis.

Paglabas niya ay naroon itong naka-upo sa kama niya. Nakaboxer shorts na lang ito. He was looking at her photo album na naroon sa tabi nang bookshelves niya. Hindi niya maiwasang mapangiti nang ngumiti ito habang binubuklat ang pahina. Subalit ang pilyang mata niya ay hindi magawang pigilin ang sariling paglakbayin ang mata nito sa dibdib nito. She wanted to curse herself for feeling restless. Hindi niya maunawaan kung bakit hindi pa siya nasasanay na makita ito sa ganung ayos. Lagi naman itong hubad baro kapag nagsusuwimming sila noon.

ALONG THE CROSSROAD: BROKEN HEARTS COLLIDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon