10

2.2K 80 8
                                    


"BAKIT DI MO sinabing masama na pala ang pakiramdam mo. Dadalhin kita sa clinic." Natatarantang saad niya dito. Subalit hindi nito pinansin ang paglilintaya niya dito. Bigla na lang niyang nakalimutang masama pa ang loob niya dito. Napalitan kasi iyon nang labis na pag-aalala. At pagkataranta. "Liam ano ka ba, narinig mo ba ako?" Napipikang saad niya dahil ngumiti lang ito sa halip na sumagot sa kanya.

"Oo," malumanay na sagot nito.

"Eh iyon naman pala. Tumayo ka na diyan. Dadalhin kita sa clinic."

"Hindi na kailangan. Nandiyan ka naman eh. Ayos na ako." Napalunok siya nang lumingon ito sa kanya. Mukhang nagdedeliryo na yata ito. Napaka-init kasi nito nang hawakan niya ito kanina.

"Ano bang hindi kailangan, you have to, ang taas nang lagnat mo alam mo ba iyon."

"I know, at kasalanan mo ito---" nagsalubong ang kilay niya dahil doon. Siya ang may kasalaman. Ano naman ang ginawa niya? Napa-urong siya nang bigla itong tumayo. Dala marahil ang pagkahilo nito ay muntik na itong matumba. Nang humakbang ito. Salamat sa mabilis na kilos niya at naagapan niya ito. Napayakap siya dito. Kasabay nang marahas na paglunok niya. His body was burning, at parang pati siya ay napapaso doon. She could smell his cologne to her nostrils. At muntik pa siyang mapasinghap nang umangat ang kamay nito sa balikat niya. "Thanks." He said almost a whispher between her ear. Gumuhit ang init na nagmula sa hininga niya patungo sa bawat bahagi ang katawan niya.

"Damn it pati yata siya nahawa na sa lagnat nito." Sakabila nang mabigat na katawan nito nagawa niyang akayin ito sa sofang naroon. Humihingal siya nang madala niya ito doon.

"Sinasadya mo yatang pahirapan ako ah." Kunway reklamo niya dito. Kailangan niyang gawin iyon. Upang kahit paano ay bumalik siya sa mabuting katinuan.

"Why do you complain?"

"Hindi ako nagrereklamo, ano lang kasi---" Damn she lost words, para maidahilan dito. Hindi naman talaga siya nagrereklamo. Nahihirapan lang siyang huminga nang maayos. Hindi pa rin kasi nito iaalis ang pagkaka-akbay sa balikat niya. And she don't have the courage to take he hands off around her.

" I've missed you Alex,"umawang ang bibig niya dahil doon. "Damn it ang sakit nang ulo ko." Reklamo nito saka sumandal sa sofa. At dahil nakaakbay ito sa kanya. Kasama siyang napasandal doon dahil hinila siya nito. Gusto niyang tanongin ito kung bakit nito ginagawa iyon. But her mouth remain silent. "This is all your fault. For making me feel so stupid, and crazy, for making me missed you so much." Sinalakay siya nang matinding kaba nang kabigin siya nito. "For three days, I can't sleep. Hindi ako nagpakita sa'yo kasi ayaw kitang makita. Kasi baka mali ang nararamdaman ko para sa'yo. But three days seems forever. Kaya kahit mamatay na yata ako, nagdrive ako papunta dito. Gusto kitang makita. Kahit alam kung wala kang paki-alam sa akin. And still I can't help myself but missed you. And this is unfair. And everything that happened was my fault. Ako ang kusang lumapit sa'yo. That I thought we could help each other para ibangon ang mga nasaktang pride natin. But what do I get, huh. Falling for someone like you. Ba't di na lang ako ang mahalin mo Alexandra." She was so speechless. Gusto niyang isiping nagdedeliryo ang binata sa tabi niya. But even her heart was hoping against hope na sana ay hindi, na sana ay totoo ang lahat nang iyon. And hearing him say her named made her wanted to believe he was really talking to her. Subalit nanatili itong nakapikit. Habang sapo nang isang kamay ang ulo nito.

"Li—Liam dadalhin na kita sa hospital." Anas niya dito sa basag niyang tinig. Masyado siyang natutuwa dahil sa mga naririnig niya dito.

"Hmm, just don't leave me," anito sa inaantok na tinig. Mayamaya pa ay panatag na ang paghinga nito. Sinamantala niya iyon upang tumawag nang mag-aasist sa kanya. Para madala ito kahit sa clinic man lang. Hindi kasi ito makakapagpahinga nang maayos kung ganun ang posisyon nitong matutulog. Baka lalo lang lumala ang dinaramdam nito.

ALONG THE CROSSROAD: BROKEN HEARTS COLLIDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon