Papaliko na si Clarice sa main road na diretso ng gate ng eskwelahan pero bago pa makarating ng gate ay maglalakad ka muna ng halos 200 meters. Sa mismong kurbada na iyon ay may nakatayong malaking punong kahoy. Halatang matanda na ito dahil sa itsura ng balat nito. Mayabong ang mga sanga at nagbibigay ng silong sa malaking parte ng daan. Doon madalas sumisilong ang mga estudyante kapag mainit ang araw o di kaya pag biglang umulan habang papalabas ng main road. Maliliit ang mga dahon nito pero dahil malago, hindi madaling lumusot dito ang mahinang ulan. Umaga iyon at medyo maaga pa para sa flag raising ceremony. Nakailang hakbang pa lang si Clarice lagpas sa puno ng biglang umambon. Wala pa naman siyang dalang payong. Naalala nyang bumalik at sumilong sa punong kahoy. Meron siyang mga nakasabay pero pumuwesto ang mga ito sa kabilang side kaya hindi nya masyadong makita kung sino ang mga ito dahil na rin sa malaki ang puno. Ang grupong iyon ay sina Chen, Jae at ang dalawa pa nilang kasama sa banda.
"Ang bad trip naman ng ulan! Kung kelan malapit na tayo sa gate" sabi ng boses ng babae. Nag-iisang babae ito sa grupo na sumilong din sa ilalim ng puno. "Hindi ako nagdala ng payong kasi ang ganda naman ng panahon kanina" dagdag pa nito.
Ganyan talaga! May mga bagay na unpredictable" sagot naman ng isang boses lalaki. Maganda ang boses nito sa pandinig ni Clarice. Malamig ito at mukhang masayahin. "English yun ha. Paki-record" sabay tawa nito. Nakitawa rin ang sa palagay ni Clarice ay dalawa pang lalaking kasama nito.
"Hindi naman masyadong malakas, takbuhin na lang natin. Wala pa kasi akong assignment sa Math eh" yaya ni Jae, ang nag-iisang babaeng kasama nina Chen sa banda.
"Sige, mauna na kayo. Mahirap na madagdagan ang lagnat ko at baka maging genius na talaga ako" taboy ni Chen sa kabarkada. Ang totoo, nakita nyang si Clarice ang nakasilong sa kabilang parte ng puno. Matagal na nyang gustong makipagkilala dito.
"Oh sige, kitakits later ha" paalam ni Jae. Kasama ang dalawang kaklase, patakbo silang nagpunta sa school.
Naramdaman ni Clarice na papalapit sa kanya ang naiwang lalaki. Hindi siya gumagalaw sa kinatatayuan. Nakita niyang yumukod ito para matingnan siya ng diretso sa mukha. Umiwas siya at bahagyang tumalikod sa lalaki.
"Hello! Maganda ka pa sa umaga!" masayang bati sa kanya ni Chen.
Hindi siya sumagot ang humakbang ng dalawang beses palayo kay Chen. Ngingiti-ngiti ang lalaki at makikita ang magaganda nitong ngipin. Maganda rin ang mga bibig nito na nakataas ang corners na para bang palagi na lang nakangiti.
Biglang lumakas ng bahagya ang hangin at maraming dahon mula sa puno ang nalaglag. Kulay puti ang mga natuyong dahon ng puno kaya animo petals ng bulaklak ang mga ito kapag nilipad ng hangin.
Pinagpag ni Clarice ang mga nahulog na dahon sa kanyang buhok at balikat. Ganun din ang ginawa ni Chen. Nakng matapos magpagpag, tiningnan nya ulit si Clarice. Nakita nyang may naiwan pang dahon sa bangs nito. Malago at mahaba ang buhok ni Clarice. Straight ito at hanggang sa beywang nya na. Ang bangs naman at halos nakatakip na sa kanyang mga mata.
Naramdaman ni Clarice ang paghipo ni Chen sa kanyang ulo. Ikinagulat nya ito. Sa unang pagkakataon, iniangat nya ang tingin at nagkatinginan silang dalawa. Sa loob ng matagal na panahon, iyon ang unang beses na tumingin uli siya sa mata ng ibang tao maliban sa kanyang Mama. Wala na kasi ang ama ni Clarice. Yun ang dahilan kung bakit siyang itinuring na "malas" ng ibang tao. Nang dahil sa kanya, nasawi ang ama. Pati mga malapit na kamag-anak at mga dating kaibigan, napapahamak pag napapalapit sa kanya. (ito yung sinasabi kong jinx)
Napaigtad siya. Natulala naman si Chen.
"Uhm...sorry" mahinang sambit ni Chen.
Hindi sumagot si Clarice. Bumalik sa pagkakayuko.
Inabot ni Chen ang kanyang palad at may inilagay iyon doon pagkatapos ay ikinuyom iyon.
Hindi nakapagsalita si Clarice. Hindi niya inaasahan ang ginawang iyon ng lalaki. Pag angat nya ng tingin, nakaalis na ito at malapit na sa gate ng eskwelahan. Bigla nyang naalala ang flag raising ceremony. Patakbo din siya papunta sa eskwelahan.
Nakakuyom pa rin ang kaliwang palad ni Clarice. Hindi nya namalayan na nakakuyom iyon kahit pa nung tumakbo siya papasok ng eskwelahan. Hindi pa naman nagbell para sa flag ceremony. Naupo siya sa kanyang desk. Doon nya naalalang tingnan kung ano ang inilagay ng lalaki sa palad nya kanina. Dahan-dahan nyang binuksan iyon. Nanlaki ang kanyang mga mata ng makita ang nasa palad. Dahon iyon ng puno kung saan sila nakasilong kanina. At nakagulat sa kanya ay dahil heart shaped ito.
(Hanggang dito na muna hehehehe)
