Episode 2: Chen's story: TrolLove

21 2 0
                                    

Weekend. Walang pasok, wala ring extra curricular activities. Masaya si Clarice habang nanunuod ng TV kasama ang Mama niya. Pinapapak nila ang meryendang inihanda para sa movie marathon nang biglang may nag door bell. Nagkatinginan silang mag ina. Wala naman sila parehong inaasahang kung ano na dadating ngayong araw. Hindi rin delivery ng bills.

Sinundan ni Clarice ang inang ngayon ay nakasilip sa bintana para silipin kung sino ang nasa labas. "Sino yan Ma?"

"Di ko kilala. May apat na nakatayo dun sa labas. Mukhang mga teenagers..."nakakunot ang noo ng ina na tumingin kay Clarice. Wala itong alam na mga kaibigan ng anak.

Nagtaka na rin si Clarice. Sino kaya ang bibisita sa kanya ngayong araw? "Pasilip nga Ma".

Nanlaki ang mga mata niya nang makita sina Chen, Jae, Leo at Mikey sa gate nila. "Bakit nandito ang mga to...hindi...paano nila nalaman kung saan ako nakatira?" takang taka si Clarice.

"Ano, Clarice. Kakilala mo ba yung mga nasa labas?" untag sa kanya ng ina.

"O-opo. Mga schoolmates ko po, kaya lang hindi ko alam kung bakit sila nandito...hindi ko rin alam kung ano ang kailangan nila" kinakabahang sagot ni Clarice.

Napansin na lang niyang nasa pintuan na ang kanyang Mama. Nagpanic siya, di niya alam ang gagawin. "Ano kayang gagawin ko?" Dali-dali niyang inayos ang upuan. Maayos naman ang bahay nila at naglilinis sila ng ina tuwing weekends.

"Hello po! Magandang hapon, mga kaibigan po kami ni Clarice" masayang bati ni Jae sa tingin niyang Mama ni Clarice.

Tiningnan ni Aling Elizabeth isa-isa ng mga panauhin ng anak. Mukha namang okay, kaya lang kahit ang babaeng kasama nila ay kapareho ang suot sa kanila. Maluwang na t-shirt at naka shorts ng maong. May bitbit pang gitara.

"Ahhh pasok kayo, pasensiya na at hindi namin inaasahan na pupunta kayo". Binuksan ni Aling Elizabeth ang gate ng maluwang at pinapasok ang apat. "Mukha namang magagalang at maayos ang mga batang to".

Maingat na pumasok ang apat. Nagsihubad ng mga sapatos at maayos na inihelera sa gilid ng pinto. Napangiti si Aling Elizabeth. Ganyan kasi ang pagkakaayos ng mga tsinelas nila ng anak sa pintuan kaya ginaya ng apat na bisita.

"Hi, Clarice. Sorry kung nagulat ka na andito kami". Nakangiti ng maluwag si Mikey. Kitang-kita niyang nanlaki ang mga mata ni Clarice nang pumasok sila.

"Ahhh mmm-maupo kayo" taranta si Clarice. "Teka ikukuha ko kayo ng meryenda" at mabilis itong nagpunta sa kusina pero imbis na magprepare ng meryenda, dumiretso siya sa CR at doon ay mabilis na kinalma ang sarili.

"Oh em-gee, ano'ng ginagawa nila dito? Bakit sila nandito? Bakit nila alam kung saan ako nakatira?" pa ulit ulit na tanong ni Clarice. Hindi niya maisip kung saan nakakuha ng idea ang mga ito kung saan siya maaaring hanapin. May isa ba sa kanila na sinundan siya?

Nang kumalma, lumabas na siya at naghugas ng kamay. Nagsimulang maghanda ng meryenda. Naririnig niyang kausap ng mga ito ang Mama niya pero hindi niya maklaro kung ano iyon at mas naririnig niya ang kabog ng dibdib niya. Mabuti na lang at nagluto sila ng meryenda ngayong araw. Iyon na rin ang inihanda niya at nagtimpla na lang ng isang pitsel ng iced tea. Dala-dala ang meryenda, kalmado na siyang lumabas ng kusina para dalhin sa sala ang inihandang pagkain para sa mga bisita.

"Ay salamat, nag-abala ka pa". Tinulungan na siya ni Leo sa mga bitbit. Nagulat pa siya ng mahawakan nito ang kamay nya nang kuhanin nito ang pitsel.

Nakatingin lang si Chen pero may kung anong hindi siya nagustuhan sa nakita na nagpasimangot sa kanya.

Siniko siya ni Jae. Nahalata nito na may ayaw itong nangyayari. "Oist, mukha mo. Lukot" saway nito kay Chen.

Tumalima naman si Chen. Naupo si Leo na katabi ni Clarice. "Ano'ng ginagawa ng isang to?" inis na sabi ni Chen pero sa isip lang. Nakatingin pa rin siya kay Leo pero parang hindi siya nito napapansin.

"Kumain muna kayo ha. Pasensiya na at hindi rin kami ready. Kadalasan kung walang pasok ay nasa bahay lang kami at nanunuod ng pelikula. Alam nyo naman siguro kung ano'ng klase to'ng anak ko. Hindi mahilig maglalabas. Wala ring naikukwento sakin tungkol sa inyo". Paraan iyon para mausisa ni Aling Elizabeth kung bakit nandoon ang apat na bisita ng anak.

"Ay salamat po at nag-abala pa kayo. Ang totoo kasi, hindi pa kami ganoon ka close nina Clarice. Gusto po kasi sana namin siyang imbitahan na manood po ng performance namin. Banda po kasi kami" paliwanag ni Jae.

Kanina pa hindi nagsasalita si Chen. Hindi ito natural sa kanya. Madalas siyang palabiro at madaldal pero today tahimik at nakikinig lang.

"Ako nga po pala si Mikey." patiunang pakilala ni Mikey. Nakita niyang hindi kumibo ang iba kaya itinuloy na lang ang pagpapakilala sa kanila. "Si Jae po, only girl sa group namin pero baka in the future, dalawa na sila ni Clarice. Siya naman po si Leo". Pagka pakilala ni Mikey kay Leo, agad itong tumayo at humalik sa pisngi ni Aling Elizabeth.

Nagulat ang Mama ni Clarice at tumawa ito. "Nakakatuwa ka naman. Alam mo bang wala pang ibang lalaki ang humalik sa akin maliban sa Papa niya" at nakatawang tumingin ito kay Clarice.

Napangiti rin si Clarice. Kahit siya ay nagulat sa ginawa ni Leo.

"Sorry po, ganyan lang po kasi kami sa amin" halatang nahiya si Leo at namula ang pisngi nito.

"Okay lang yan" at tinapik pa siya sa balikat ni Aling Elizabeth.

Napansin ni Clarice na walang nagpakilala kay Chen kaya siya na ang gumawa. "Siya po si Chen" turo niya kay Chen na nagulat nang siya mismo ang nagpakilala sa kanya.

"Hello po" yun lang ang sinabi ni Chen.

"Nakakatuwang malaman na may nakipagkaibigan sa Clarice ko" naluluhang sabi ni Aling Elizabeth. "Alam nyo bang simula elementary school siya, walang may pumunta rito at nagpakilalang kaibigan niya?" ayaw na alalahanin ni Aling Elizabeth pero naaawa siya sa anak dahil dun.

"Ma" nag-aalala si Clarice. Hindi pa niya naikukwento sa mga bagong kaibigan ang tungkol sa kanya.

"Okay lang po yun, tsaka po pasensiya na at hindi kami nagpaalam na pupunta rito. May tugtog po kami, gusto naming iinvite si Clarice para manuod. Nalaman pala namin ang address mo kay Miss Doromal. Pasensiya na, ang sabi namin may gagawin tayong project". Tumungo si Jae. Nahihiya dahil sa nagsinungaling sila.

"Anak, gusto mo bang sumama sa kanila? Maganda na yung nakakalabas ka rin. Tsaka hindi naman siguro pupunta dito ang mga kaibigan mo at ipagpaalam ko kung hindi sila sincere na makipagkaibigan sayo". Ang totoo, tuwang tuwa si Aling Elizabeth na sa wakas merong gustong makipagkaibigan kay Clarice.

"Okay lang ba Ma?" alangan si Clarice. Baka hindi pumayaw ang ina. Pero sa itsura nito ngayon, mukhang ito pa ang excited.

"Basta ba wag lang masyadong magpagabi at magbihis ng maayos" pagpayag ni Aling Elizabeth. "Saan ba ang tugtog nyo" tanong niya kay Jae.

"Sa Children's Center po" mabilis na sagot ni Leo. Ang Children's Center ay mini-rehabilitation center sa mga street children. Tumutogtog sila doon para mag entertain ng mga bisitang dumadalaw sa mga bata.

"Talaga?! Nakakatuwa naman kayo" bakas ang tuwa sa mukha ni Aling Elizabeth. Tama ang pag eestima niya sa mga bisita ng anak. Mukha ngang mababait ang mga ito.

"Maghahanda lang ako tapos pwede na tayong umalis". Excited na nag-ayos ng sarili si Clarice. Sa unang pagkakataon, lalabas siya kasama ang mga bagong kaibigan pero bakit mas masaya siya dahil kasama si Leo? Napansin niya ring tahimik si Chen. Nakita niyang panay ang tabig ni Jae dito.

---Hay naku, for sure nagseselos yang si ChenChen hahahaha! Itutuloy...------

A Twist in Our StoryEpisode 2: Chen's story: TrolLoveHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin