Episode 2: Chen's story: TrolLove

24 2 0
                                    

Pauwi si Clarice. Lalakarin pa niya ang papuntang bus station. Kadalasang madilim na kapag dumadating siya ng bahay. Mabagal ang mga hakbang niya. Gumaan ang pakiramdam niya matapos mag open up kay Miss Doromal. Parang ang dali lang niyang pagkatiwalaan. Hindi makapaniwala si Clarice na meron pa palang mga taong nag aalala sa kanya bukod sa kanyang Mama. Nasanay na kasi siyang walang nag-aaksaya ng panahon para kausapin o kaibiganin siya. Naramdaman niyang hindi siya nag-iisa sa paglalakad. Lumingon siya at nakita nyang naglalakad din ng marahan sa di kalayuan sina Jae at Chen.

"Kayo pala, kinabahan tuloy ako" ngumiti siya sa dalawa.

"Mukhang okay ka today ah. Twice na kitang nakitang ngumiti" natutuwang sabi ni Jae.

"Bakit ka nga pala galing ng Teacher's office?" usisa ni Chen.

"Ahm..." nag-isip si Clarice. Hindi pa sila gaanong close ng mga bagong kakilala.

"Ah! Don't worry, di mo kailangang sagutin ang tanong niya" salo ni Jae nang makitang atubili si Clarice.

"Hindi naman sa ganun..Meron lang kaming pinag-usapang mga bagay bagay na medyo personal" nahihiyang sagot ni Clarice.

"I see, okay lang. Totoo ang sabi ni Jae, di mo kailangan sagutin ang tanong ko pero ako, pwede mong sagutin" pa kindat kindat pa si Chen habang sinasabi iyon.

Binatukan siya ni Jae ng dala nitong libro.

"Aray! Tingnan mo oh ang kapal ng librong hinampas mo sakin, masakit kaya! Subukan mo!" himas ni Chen sa bahagi ng batok nyang pinalo ni Jae ng libro.

"Oo, makapal talaga to, kasing kapal ng mukha mo!" at inis na nagpatiuna si Jae sa paglalakad.

"Mauna na ako Clarice, may gagawin pa akong projects. Ingat" at mabilis itong lumayo sa dalawa.

"Anyare dun? Dati naman pag nagbibiro ako hindi naman ako sinasaktan, ngayon sadista na siya. Kahit anong bitbit ihahampas sakin" reklamo ni Chen.

"Ang cute nyo namang dalawa" tumawa ng bahagya si Clarice sa nakitang closeness ng dalawa.

"Mas cute ka" pa cute ring sabi ni Chen.

Yumuko si Clarice at nagsimulang maglakad. Sumusunod naman si Chen. Ganito sila hanggang makarating ng bus station. Agad na sumakay si Clarice. Naiwan naman si Chen. Ang totoo, hindi naman siya doon papunta dahil nagbibisekleta siya pauwi. Inihatid nya lang si Clarice. Dumungaw si Clarice sa bintana ng bus pero hindi nya na makita si Chen.

"Hindi pala siya sasakay pero bakit sumama siya hanggang dito?" tanong ni Clarice sa isip.

Palakad si Chen pabalik sa school gate. Doon niya iniwan ang bike. Masaya siya kasi after three years, nagkataon siyang makipagkaibigan sa babaeng gusto nya. Sabi ni Jae curious lang daw siya doon sa girl. Ang totoo yun naman talaga dati, pero habang unti unti silang nagiging close, nakikita nyang maganda ito at may something na umaakit sa kanya.

Habang nasa bus ay nakinig ng music si Clarice. Masaya siya at ngayong araw ay may mga nagbago sa kanyang buhay. Sana magkaroon na siya ng mga kaibigan kahit konti lang at nang magbago naman ang tingin ng mga tao sa paligid nya sa kanya.

Padabog namang sumakay ng bus si Jae. Nasa opposite direction siya ng inuuwian ni Clarice. Madalas silang magkasabay ni Chen pero today di nya alam kung bakit nag bike ito. Hindi malapit ang bahay nito sa school.

"Siguro nga at may gusto siya dun sa mysterious girl na yun. Kaya lang mukhang hindi naman interesado sa kanya. Mas madalas nga nyang tinitingnan si Leo. Sabagay, mas gwapo kaya si Leo kesa kay Chen. Mas matangkad at mas mabait pa. Eh si Chen, puro biro. Walang time na seryoso. Lagi na lang naka bungisngis na akala mo punit ang bibig at hindi sumasara. Pero bakit mahal ko siya?" lahat ng ito nasa isipan lamang ni Jae. Nagseselos siya na may ibang gusto si Chen pero wala naman siyang magawa at kaibigan lang talaga ang turing nito sa kanya. Mas okay na yun kesa masira ang pagkakaibigan nila para lang masatisfy ang love life niya.

Ang tatlong to...iba iba ang direksyon sa buhay pero konektado ang mga puso. Si Chen kay Clarice...si Clarice gustong magkaroon ng mga kaibigan at yun at ang apat na nag-aksaya ng panahon na makipaglapit sa kanya....Si Jae...na simula sa umpisa ay si Chen na ang gusto. Komplikado... Sana meron man lang isa sa kanila ang magka happy ending sa story na to...

A Twist in Our StoryEpisode 2: Chen's story: TrolLoveWhere stories live. Discover now