Giniginaw si Clarice. Hindi niya maintindihan ang gustong mangyari ni Mikey. Nagtext ito na pumunta siya ng tabing ilog. Ang lamig pa naman ngayong gabi. Niyakap ni Clarice ang sarili. Ang lamig ng ihip ng hangin kahit naka jacket siya.
Sa di kalayuan, nakatayo rin si Jae. Halos sabay silang dumating ni Clarice pero hindi niya ito napansin. Nakita niya ito habang papalapit siya sa tabing ilog. Balak na sana niyang tawaging si Clarice pero narinig niya ang boses ni Leo sa di kalayuan. Patakbong lumapit ito sa kanya.
"Bakit ganyan ang suot mo? Ang lamig ngayon, hindi ka man lang nag jacket". Hinubad ni Leo ang suot na jacket at ipinasuot kay Jae. Hindi niya nakita si Clarice sa di kalayuan na nakamasid sa kanila. "Buti na lang naka long sleeves ako, nag jogging ako papunta rito kaya hindi na ako giniginaw ngayon".
Tahimik si Clarice habang tinitingnan ang dalawa. Parang may kumirot sa dibdib niya. Hindi niya alam basta hindi niya gusto ang nakikita. (Nagseselos ka, temang!). Bago sa kanya ang ganoong pakiramdam.
"Nasaan na ba sila?" Inilatag ni Leo ang dalang banig sa di kalayuan at naglabas ng folded tent sa dalang bag.
"Magkacamping tayo?" Nanlaki ang mata ni Jae. Nakalimutan niyang nasa di kalayuan si Clarice.
Di nila napansin na nasa gilid ng kalsada si Chen at nanunuod din. Ayaw ni Chen ng nararamdaman niya.
"Bakit naiinis ako kay Leo? Dati namang ganyan siya kay Jae". Kausap ni Chen ang sarili ng maramdamang may papalapit sa kanya.
"Kanina ka pa?" tanong ni Clarice pero hindi nakatingin ng diretso sa kanya. Na kina Jae at Leo ang mga mata nito.
Nasundan ni Chen ng tingin ang tinitingnan ni Clarice. Napansin niyang lumungkot ang mukha nito.
"Clarice, may gusto akong sabihin sayo". Sinenyas ni Chen na umupo sila sa mga batong nasa gilid ng daan.
Nang makaupo, nagsimulang bunutin ni Clarice ang mga damong naaabot ng kamay nya.
"Clarice" untag ni Chen sa kanya.
"Huh?" bahagya pa siyang nagulat sa boses ni Chen. "Pasensiya na, ano yung sinabi mo?"
"Wala pa naman. May gusto lang sana akong itanong sayo". Ginaya niya ang ginagawa ni Clarice.
"Ano yun, Chen?" Kinakabahan pa rin siya hanggang ngayon pag kausap niya si Chen pero hindi kasing bilis ang tibok ng puso niya pag si Leo ang kausap.
Tumikhim muna si Chen. "Kasi, may ipagtatapat ako sayo". Tumigil siya sandali sa pagsasalita at tiningnan si Clarice. Nakayuko lang ito.
"Ano yun?" ulit ni Clarice.
"Dati kasi...Alam mo...May crush ako sayo dati". Naramdaman ni Chen na uminit ang mga pisngi niya.
Napansin niyang namula rin si Clarice. Hinintay nyang magsalita ito pero nanatili itong tahimik.
Nagpatuloy si Chen. "Pero lately, di ko maintindihan ang sarili ko". Nagulat siya ng biglang bumalikwas si Clarice at humarap sa kanya.
"Chen, may gusto rin akong sabihin sayo, di ko rin maintindihan ang nangyayari sakin these days" ngayon ay parang gusto nya na ring ishare kay Chen ang mga nararamdaman. "Pero mauna ka na. Gusto ko rin malaman kung ano ang saloobin mo".
"Salamat, gusto ko na talagang may mapagsabihan." Humarap si Chen kay Clarice, gusto niyang maging sincere sa mga sasabihin. "Clarice, di ko maintindihan ang sarili ko. Alam mo na may gusto ako sayo di ba at palagi kong sinasabi yun sayo".
Namula ng husto si Clarice sa sinabi ni Chen pero di niya alam kung sasagot ba siya. Nanatili siyang tahimik at hinintay na magpatuloy si Chen.
"Pero...ngayon gusto ko...gusto ko na...magkaibigan na lang tayo". Humina ang boses ni Chen nang sinabi iyon.
Hindi alam ni Clarice pero parang mas gusto niya yun kesa sabihin ni Chen na gusto siya nitong maging higit pa sa magkaibigan.
"Talaga, Chen?" yun lang ang naisip niyang sabihin.
"Please don't misunderstand. Ang ibig kong sabihin..." natigil si Chen kasi hinawakan siya ni Clarice sa kamay.
"Naiintindihan ko at no hard feelings here. Crush ko si Leo. Ang totoo ngayon ko lang narealize na gusto ko siya..." tuloy tuloy si Clarice sa pagsasalita sa takot na hindi niya makuhang sabihin iyon.
Napangiti si Chen. "Sabi ko na nga ba...Ang alam ko kasi pag gusto kita dapat magseselos ako pag magkasama kayo ni Leo pero dati yun, ngayon hindi na..." hindi natapos ni Chen ang sasabihin dahil sumabat agad si Clarice.
"Dahil si Jae ang gusto mo hindi ba?" excited pa ang tono ni Clarice.
Nasa kabilang side ng daan si Mikey at tulalang nanunuod kay Chen at Clarice.
Sa di kalayuan, nakatayo rin ang dalawa at nakatingin kina Chen at Clarice. Si Leo madilim ang mukha...Si Jae, halos maiyak na.
Walang malay ang dalawa na sila ang pinanunuod ng tatlo sa ganoong posisyon.
Nagpanic si Leo, hindi ganun ang gusto niyang mangyari kaya inaya niya ang barkada na mag picnic.
"Yo yo yo man!" sigaw niya habang tumatakbong tumawid ng kalsada. May dala-dala siyang supot ng mga chichirya at soft drinks.
Sabay namang napalingon ang apat sa kanya.
"Ang aga nyo namang dumating dito. So...set up na tayo..." kinakabahan siya. Papalit palit ang tingin niya sa apat na kaibigan.
"So ano'ng malalafang natin dyan, Lay? (short cut for Leo. *winks at Clarice* gets mo saeng?)
"Konti lang ang nadala ko at medyo maliit yung bag. Ako kasi nagdala ng banig at tent". Naglabas si Leo ng mga canned goods at tinapay.
"Okay na yan" sagot ni Jae. Napansin niyang tahimik sina Chen at Clarice. "Clarice, okay ka lang? Malamig ngayon ano?"
"O-oo nga eh hehe" sagot ni Clarice at ngumiti pero hindi tumingin kay Leo.
Hindi na makatiis si Mikey. "Guys, we all need to talk. We should all be honest. We'll deal with this once and for all, hindi ko na makaya ang awkwardness ng sitwasyon natin". Naupo si Mikey at sumenyas sa mga kabarkada na maupo rin.
To be continued....