Marami nang tao sa plaza nang dumating sina Clarice. Sumama siya para manuod ng show nina Chen. Nasa Civic Center na bahagi ng public plaza ang Children's Center kaya sa plaza na rin ang activities nila. Masaya si Clarice at sa unang pagkakataon ay nakalabas siya na may kasamang mga "kaibigan". Tuwang tuwa rin ang Mama niya. Palagay nga niya mas excited pa ito kesa sa kanya. Pa linga-linga siya para maghanap ang mapipwestuhan. Nagulat pa siya nang may tumapik sa kanya sa balikat.
"Dito ka na maupo para makita mo kami ng maayos". Dala ni Leo ang plastic chair at pinuwesto sa pinakaharap at malapit sa stage.
Tumikhim si Chen. "Ahem! Ang caring naman ni Leo today". Pasaring niya sa kabaitang ipinapakita ni Leo kay Clarice.
To the rescue naman si Jae. Nahahalata nya nang ayaw ni Chen na nakikipaglapit si Leo sa bagong kaibigan. "Clarice, mag enjoy ka sana sa show namin today. Tsaka ngayon lang kita nakitang ngumingiti, sana ganyan ka araw-araw."
"Thanks ha, ngayon lang talaga ako nakalabas ng ganito kaya medyo di pa ako sanay at medyo kinakabahan hehe". Maaliwalas ang mukha ni Clarice. Halata ni Jae na masaya ito. Tiningnan pa niya si Chen na natulala sa kakatingin kay Clarice. Siniko niya ito. "Lika na, prepare na tayo".
"Try mong magpagupit ng bangs" pahabol ni Chen bago sila pumasok ng Civic Center para magprepare.
Automatic na hinawi ni Clarice ang bangs na tumatakip na sa mga mata nya.
"Ayos naman pala pag wala kang bangs. Makikita ng madla ang magaganda mong mga mata" biro ni Mikey na bitbit ang gitara at papasok na rin ng Center.
Napangiti lang si Clarice. Maraming first time sa kanyang buhay sa loob lamang ng ilang araw. Simula ng makilala niya ang apat na bagong kaibigan, parang nagbago ang lahat sa kanya. Masaya siya.
Nang magsimula ang show, naaliw si Clarice sa mga sayawan at kanta. Maraming bata ang nagpresent at magagaling ang mga iyon. Gusto rin ni Clarice na gawin iyon pero simula ng bata pa siya, nagmukmok na siya at ni hindi man lang niya naipakita sa iba ang kanyang talento sa pagkanta at pagsayaw. Ginagawa nya lang iyon sa harap ng salamin ng kwarto niya nung kaka high school pa lang niya. Panay ang palakpak nya ng malakas. May iilang tao na nakakakilala sa kanya ng tiningnan siya mula ulo hanggang paa, pero hindi na niya pinansin ang mga iyon. Ang importante, ngayong araw ay masaya siya. Katulad ng sabi ng Mama niya, sinusubukan niyang wag pansinin ang mga taong negative ang ipinapakita sa kanya at tanggapin ang gustong makipagkaibigan. Wala siyang ginagawang masama sa kanila at lalo pang may karapatan siya bilang tao.
Oras na ng show nina Chen. Maingay ang mga tao at inaabangan talaga ang pagkanta ng banda nila. May iba pang mga babaeng isinisigaw ang pangalan nina Chen, Mikey at Leo. Meron din naman may dala-dalang banner ng pangalan ng banda nina Chen. We Are ONE ang pangalan ng banda nila.
Pakiramdam ni Clarice, ang gaan gaan ng loob niya nang magsimula nang kumanta si Chen. Maganda ang blending ng boses nito kay Jae. Magaling sila. Pwedeng maging professional. Proud si Clarice sa mga kaibigan. Pinili ng mga ito na ibahagi ang talento para makatulong sa iba. Sana siya, ganun din.
Nang nag announce si Chen na last song na lang nila, may ilang mga babaeng pumila sa gilid ng gate. Gustong magpa autograph. Marami ring mga nag abot ng white envelopes sa banda, palagay ni Clarice donations iyon para sa mga bata sa Center.
Matapos magpirma ng ilang mga autographs, bumaba na sina Chen sa stage at sinundo si Clarice sa kinauupuan.
"Ang galing nyo naman! Hindi ko inisip na may mga fans na kayo. Pwede na pala kayo maging recording artists" tuwang sabi ni Clarice.
"Ahahaha, okay lang yan. Salamat at nagustuhan mo" agad na sagot ni Leo.
Magsasalita sana si Chen pero iginiya na ni Leo papasok ng Civic Center si Clarice.
"Kain na muna tayo, ginutom ako" aya ni Jae kay Chen. Sumama na naman ang timpla ng mukha nito.
Kumakin sila ng narinig nilang nagkagulo ang mga tao sa labas. May aksidente daw na nangyari. (naalala nyo yung story ni Lay?) Agad na tumayo sina Chen at Mikey para tingnan ang nangyari sa labas. Biglang inatake ng kaba si Clarice. May phobia siya sa ganitong sitwasyon. Naaalala niya ang nangyari sa kanyang Papa at sa Tiyuhin niyang nabundol ng kotse dahil sa kanya. Abot ang kaba na sumunod siya ng tumayo na rin sina Leo at Jae.
"Dito ka na muna if hindi mo kaya, halatang nininerbyos ka" pigil ni Leo kay Clarice nang akma itong lumabas ng pinto.
Nagpaiwan naman si Clarice. Hindi na rin tumuloy si Jae. Nakita nilang pabalik na ang tatlo.
"Kawawa naman yung lalaking kasama nung nabangga, traumatized. Hindi makagalaw sa shock sa nangyari. Kaya kayo guys ha, mag ingat kayo". Humahangos pa si Mikey habang ibinabalita ang aksidente.
"Naku!" sinapo ni Clarice ang dibdib. Sobrang nerbyos niya ng marinig ang sinabi ni Mikey at nahirapan siyang huminga.
Nagpanic si Chen. "Clarice, bakit?" Hawak hawak niya si Clarice sa balikat at inalalayang umupo.
"Nininerbyos lang ako" mahinang sagot ni Clarice.
"Ito kasi makakwento" paninisi ni Chen kay Mikey.
"Awat na" agad na pigil ni Jae sa dalawa. "Clarice, okay ka lang ba? Dalhin ka namin sa clinic". Nag-aalala si Jae.
"Hindi, okay na ako". Naupo ng tuwid si Clarice. "May naalala lang ako bigla".
"Hatid na kita sa inyo, Clarice" aya ni Leo.
"Tayong lahat ang maghahatid sa kanya" sabat ni Chen. Matigas ang tono nito.
Naalarma si Jae. Mukhang magkakainisan ang dalawang lalaking kaibigan dahil kay Clarice.
"Eh di tayo. 'Lina kayo". Nagpatiuna na si Jae. Gusto niyang ipakita kay Chen na naiinis siya sa inaasal nilang dalawa ni Leo.
Nakaalalay sina Jae at Mikey kay Clarice. Ayaw ni Jae na sina Chen at Leo ang gumawa nito at baka magkainisan lang ang dalawa. Nasasaktan si Jae. Alam nyang hindi si Chen ang gusto ni Clarice. Pero si Chen acting boy friend dito.
Pinakikiramdaman ni Jae sina Chen at Leo. Magkatabi ang dalawa habang nasa bus sila. Si Clarice naman nasa gitna nina Jae at Mikey. Hindi nag-uusap ang dalawang lalaki. Panay naman ang usap nina Jae at Mikey sa mga mata. Alam nilang dalawa ang nangyayari sa dalawang kaibigan, samantalang si Clarice ay clueless.
Nang maihatid sa bahay si Clarice inikuwento ni Jae ang nangyari kay Aling Elizabeth. Nag-alala naman ang ina ni Clarice at agad siya nitong pinapasok ng kwarto. Nagpasalamat pa rin ito sa apat na kaibigan ng anak.
Pauwi sina Jae at Chen. Sina Mikey at Leo naman ay nagmalling pa at may biniling mga gamit. Tahimik si Jae habang magkatabi sila ni Chen sa bus. Pinakikiramdaman niya ang lalaki. Wala itong ka emoemosyon sa mukha pero halatang pagod ito. Pinili na lang ni Jae na manahimik at ipinikit ang mga mata. Matagal tagal pa naman ang ibabyahe nila.
Habang nakapikit si Jae, napalingon si Chen sa kanya. Sa matagal na nilang pagiging magkaibigan at magkababata ni Jae, ngayon lang napansin ni Chen na maganda ang kababata. Hindi niya alam pero ang tagal niyang tinitigan si Jae. Bumilis ang tibok ng kanyang puso.
"Ano to? Bakit ganito?" tanong ni Chen sa isipan.
Ramdam ni Jae na may nakatitig sa kanya pero ayaw nyang buksan ang mga mata niya at baka si Chen iyon. Ilang beses na siya nitong pinagtripan, kaya pinabayaan nya lang. Bahala na si Batman sa kung anong kalokohan na naman ang naisipang gawin ni Chen sa kanya.
