Part 11

24 1 0
                                    

Nakaupo at magkakaharap ang magkabarkada. Magkasama sina Clarice at Jae sa kabila at ang mga lalaki naman sa harapan nila. Naghihintay kung sino ang unang magsalita. Hindi na nakatiis si Mikey at siyang tumayo at naupo sa gitna.

"Guys, please. Ako ang naiipit sa sitwasyon. You see, ayoko nang ganito. Ang awkward lalo na at alam ko ang sitwasyon. Kelan nyo ba balak linawin to?" kunot ang noo at may pag-aalala sa boses ni Mikey. Ang totoo natatakot siyang magkawatak watak sila sa ganoong dahilan.

Tumikhim si Jae pero hindi nagsalita. Nag-aalangan at baka sabihin ng mga lalaki na masyado siyang aggressive at nauna pa siyang maglabas ng saloobin kaya naghintay na rin siya kung sino sa dalawang lalaki ang maunang magvoice out.

"Okay, sige. If you think this is the right way to solve this, then let's all be honest to each other" sa wakas ay pagsimula ni Leo. "You know already that I was obvious about my feelings for Clarice".

Chen sighed. Napalingon sa kanya si Leo.

"I'm sorry Chen" hindi na natuloy ang sasabihin niya nang itaas ni Chen ang kamay nito senyas na pinatitigil siya.

"May misunderstanding dito eh. And I think partly kasalanan ko" simulang pagpapaliwanang ni Chen.

Napatingin sa kanya si Jae. Nagkasalubong ang mga mata nila. Naunang nagbaba ng tingin si Jae. Hindi na siya komportable gaya ng dati kapag nagkakatinginan sila.

"What do you mean?" tanong ni Mikey na nagsimula na namang maguluhan.

"I used to like Clarice" idiniin ang salitang "used to". I admit medyo presko ako dati at laging idinadaan sa biro ang pag-iexpress ng feelings ko sa kanya but lately I found out, I was only intrigued" habang nagsasalita si Chen ay na kay Jae ang mata nito pero hindi ito nakatingin sa kanya. Nilalaro ng paa nito ang mga damo na nasa gilid ng picnic mat.

Medyo nagulat si Clarice sa sinabi ni Chen pero napansin ni Mikey na ngumiti ito ng bahagya na para bang na relieved. Nakunot ang noo ni Mikey.

"So I thought I was right but mali pala ako after all. Then kung hindi si Clarice ang gusto mo, sino? Ako?" sabay turo sa sarili at gumulong na tumawa.

"Ulol! Hindi ako bakla! Tsaka ang pangit mo kung babae ka, hindi ako maiinlove sayo, temang!" sigaw ni Chen at tinadyakan sa pwet si Mikey.

"Be serious Mikey" pikon na sabat ni Leo.

"Sorry" sabay upo ni Mikey at pinagpatuloy si Chen sa pagsasalita.

"I like Jae" diretsong sabi ni Chen na nagpalingon sa lahat.

Puno ng tanong ang mga mata ni Jae na tinitigan si Chen. Tinatantya kung nagbibiro ito oh hindi pero sa pagka seryoso ng mukha nito, hindi ito nagbibiro kaso ayaw maniwala ni Jae. Gusto niyang marinig ulit na sabihin iyon ni Chen.

"Yeah, I am sincere. I didn't realize when or how but one day I just felt it. I like you, Jae" ngayon ay malumanay ang boses ni Chen at nilapitan si Jae. Lumuhod ito sa harapan ni Jae at hinawakan ito sa mga kamay. "Please believe me, I am sorry if it is so sudden but I can't deny it anymore" mangiyak ngiyak na si Chen.

"Ch-Chen, p-please wag ka magbiro ng ganito" utal si Jae. Ang totoo, nagdidiwang ang kanyang puso.

"Hindi yan nagbibiro" sabat ni Leo. "Napansin ko na yan dati pa."

Tumulo ang luha sa mga mata ni Jae. Tuwang tuwa siya at sa wakas napansin din ni Chen ang feelings nya para dito. Wala siyang pakialam kung panu basta ang alam lang nya, ito na ang matagal na nyang hinihiling. Imbis na sumagot, niyakap niya si Chen. Nagsipalakpakan ang mga kaibigan nila, tanda ng tuwa dahil sa wakas nagkalinawan na rin sila.

"Alright! Congratulations sa inyong dalawa. Destines yata kayong magsama forever!" tuwang tuwa si Mikey at nagsasalita habang walang tigil ang palakpak.

"We don't have to explain our sides" sabat ni Leo. "Me and Clarice have talked about our feelings already. Natakot lang kami na baka masaktan namin kayong dalawa, Chen, Jae. So now, I think we can all be happy?" at nilapitan ang dalawa para mag group hug. Tahimik si Clarice pero malapad ang ngiti at sa wakas ay sila pa rin ang magkakasama kahit pa nag iba na ng level ang kanilang relasyon.

"Friends forever!" sabay na sigaw nilang lima.

-Finished-

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 17, 2015 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

A Twist in Our StoryEpisode 2: Chen's story: TrolLoveWhere stories live. Discover now