Nasa pinakadulong bahagi ng classroom ang upuan ni Clarice. Katabi ito ng bintana. Kahit alphabetical ang arrangement, pumayag na rin ang adviser nila na dun siya umupo at alam nito kung panu ituring ng mga kaklase nya si Charice. Mabait ang adviser nila at hindi katulad ng ibang tao, hindi niya iniisip na may jinx si Clarice. Naaawa nga siya rito at wala itong mga kaibigan.
Nagsimula na ang klase pero tuloy sa pag uusap ang ilang estudyante. Nainis si Ms. Doromal.
"Ang ayaw makinig ng lesson, please get out. For those who want to stay, kindly lend me your ears" malakas na sabi ni Ms. Doromal na nagpatigil sa mga nag-uusap. "This is a classroom, not the school cafeteria" dagdag pa niya. "I should be the only one talking unless you are asked to answer a question!" may authority sa tinig nito.
Tahimik lang si Clarice at naghihintay sa lessons. Minsan sumasagot ito sa tanong ng teacher. Yun lang ang time na nagsasalita siya. The rest, nakayuko lang at nakikinig.
"Bad breath ka na yata kasi napapanis ang laway mo sa buong maghapon" minsan pang biro ng isang kaklase nya. Palagi siyang tinutukso ng mga ito pero no-pansin siya. Sanay na sa siya sa loob ng ilang taon na ganito ang mga kaklase nya sa kanya.
Gusto ni Ms. Doromal si Clarice. Matataas ang grades nito. Palagi pang tama ang mga sagot. Tahimik at walang reklamo. Kaya gusto nyang kilalanin ito ng mabuti. Gusto nyang malaman ang background nito. Curious siya kung bakit inaaway ito ng mga kaklase at ng ibang tao.
Tahimik ang klase hanggang matapos. Nagpasalamat naman si Ms. Doromal at nakinig ang mga estudyante nya. Sabagay, matanda na sila para makaintindi.
Nag bell na para sa next period. Bago lumipat ng classroom si Ms. Doromal, tinawag niya si Clarice para pumunta sa table nya.
"Yes, Ma'am?" mahinang sabi ni Clarice.
"I want to talk to you later, please come to the teachers' office" sagot ni Ms. Doromal na nakangiti.
Ikinagulat ito ni Clarice. May ginawa ba siyang masama? Pero hindi siya kumibo at tumango lamang tsaka bumalik na sa upuan.
Balik sa dating gawi ang mga estudyante sa mga sumunod na classes. Walang pake ang ibang teachers. Pagkatapos magbasa ng libro, magtatanong sa estudyante, mauupo at lalabas ng classroom.
Lunch break. Kadalasan, nasa isang school bench si Clarice at mag-iisang kumakain but that day, may mga kasama siya.
"Hi, i'm Jae. My friend wants to be your friend. Is that okay?" sabi ni Jae pagka upo sa tabi ni Clarice.
Hindi ito sumagot. Nakayuko lang at nagpatuloy sa pagkain.
"Errr...just at least tell us your name, please..." nakakamot sa ulong sabi ni Leo.
Nagsimula na rin silang kumain. Tahimik pa rin si Clarice. Nakatingin sa kanya si Chen.
"I'm Clarice" pagkatapos ng mahabang saglit ay nagsalita rin ito.
"Woah! Tama ako. Nakita ko sa I.D. nya one time!" masayang sabi ni Jae.
Nakangiti si Chen pero hindi ito kumibo. Ang totoo alam nya na ang pangalan nito. Matagal na. Nung una nya kasi itong nakita, hinanap nya kaagad ang ID nito. Weird pero para sa kanya maganda ito at challenging.
Tahimik silang kumakain. Nagpapalitan lang ng ngiti sina Chen at Leo, si Jae naman pinakikiramdaman si Chen. Ang totoo, nasasaktan siya. Pero dahil sa gusto iyon ng kaibigan, ginagawa nya para sumaya ito.
"Ahm Clarice, pwede mo kaming maging friends. Yun eh...kung gusto mo lang naman. Sabihin mo lang kung ayaw mo, hindi ka namin kukulitin" sabi ni Jae pero hindi ito tumitingin kay Clarice kundi kay Chen.
"Thank you. I would like to have some friends but people don't like me" mahina ang boses pero klaro ang pagkakasabi ni Clarice.
"I like you!" kaagad na sagot ni Chen. Binatukan siya ni Leo.
"Maka-i like you naman to" saway ng isa pa nilang kaibigan. (OH siya, pangalanan natin siyang Mikey. Nyahahaha alam na dis again).
Nangiti si Clarice. For the first time, nakita ni Chen na ngumiti ito.
"Ay may poem ako sa ngiti mo" balak nyang patawanin ito.
"Uy, parinig nga" excited na sagot ni Jae.
"Nang una kang makitang ngumiti, merong nagningning sa iyong mga labi. Akala ko kung ano, yun pala, kaliskis ng isdang inuulam mo!" with feelings pa yan ha.
Humagalpak ng tawa sina Leo, Mikey at Jae. Pinigilan naman ni Clarice ang sarili at nagtakip ng bibig. Ang totoo natatawa talaga siya.
"Oh tingnan mo, natatawa siya! Joke lang, panu ka naman magkakakaliskis sa labi eh manok ang ulam mo" tatawa-tawa si Chen. Baka kasi ma offend si Clarice. Pero sa nakikita nya, natatawa ito.
"Nakakatawa naman" mahinang sagot ni Clarice pero bakas sa boses na masaya ito.
"Abah successful ChenChen ah!" at umapir pa silang dalawa ni Jae.
Nagpatuloy sila sa pagkain. Pa sulyap sulyap si Clarice sa mga kasama. Masaya siya at may mga taong hindi katulad ng karamihan at sinusubukang kaibiganin siya. Matapos kumain, niligpit na niya ang kanyang lunch box. Tumayo siya at nagpaalam.
"Salamat sa pagsama sakin sa pag kain ng lunch". Tumalikod na siya at tumungo sa wash room para magsipilyo.
Naiwan ang apat na natuwa naman dahil sa unang pagkakataon, nakausap nila si Clarice.
"I wonder why ang daming ayaw sa kanya. I see nothing wrong about her". Tumango ang mga kasama sa sinabi ni Jae.
"She seems okay but distant. Malamang iniisip nya na walang gustong makipagkaibigan sa kanya. Kawawa naman. For the longest time, mag-isa lang siya" dagdag ni Leo.
"Nah, nakamasid lang ako palagi. You know very well na simula pa lang crush ko na siya, di ba? There's something about her na kakaiba talaga. Para siyang magnet, hinihigop nya ako" nakahawak pa si Chen sa dibdib habang sinasabi yun.
"OA ka naman eh" biro ni Jae. Ang totoo, ayaw nyang marinig na sinasabi ni Chen na crush nya si Clarice.
"It's time for us to get ready for the afternoon classes. Magnanap muna ako sandali dun sa library" nagpatiuna na si Mikey. Habit nyang matulog sa library pagkatapos ng tanghalian. May one hour pa sila para magpahinga.
"Okay, go lets". Tumayo na rin si Chen.
Masaya siya sa nangyari sa araw na to. Sana may susunod pang pagkakataon na magkausap sila. Mukha namang okay si Clarice sa pakikipagkaibigan nila. Ayaw nyang siya lang ang makipag-usap dito at baka umiwas ang babae.
Nasa washroom si Clarice at nagtotoothbrush nang bigla nyang maalala na hindi pala siya nakapagpasalamat sa mag ito sa pagtatanggol sa kanya kanina. Naisip nyang baka naman kausapin pa siya ng mga ito next time. Saka na siya magpasalamat. Masaya siya at meron sumubok makipagkaibigan sa kanya. Matagal na nyang hinihintay iyon pero wala namang may gusto. Tingin naman nya mabait ang mga iyon. Tsaka nakakatawa yung Chen. Ang gwapo pa. Kanina lang nya napansin. Alam nyang maganda ang mga ngiti nito. Pero kanina, nakita nya ng mabuti ang mga mata nito. Mahahaba ang pilik mata at mapungay ang mga iyon. Ang dalawang lalaking kasama nito, mga gwapo din. Gusto nya ang tindig ni Leo. Matangkad kasi iyon at gentleman kumilos. At ang babaeng kasama nila, kahit boyish kumilos, cute siya.
Naputol ang pag-iisip nya ng marinig na may mga parating. Dali-daling tinapos ang pagtoothbrush at lumabas na ng washroom.
"Sana marami pang araw na susunod na katulad ng araw ngayon" nasa isip nya habang naglalakad papunta sa locker nya.
