Episode 2: Chen's story: TrolLove

23 2 0
                                    

Pagkatapos ng last period, agad na pumunta si Clarice sa teachers' office. Hindi niya pa rin maisip ang posibleng rason kung bakit siya pinapupunta ni Miss Doromal. Kumatok siya ng marahan sa pinto bago ito binuksan at dahan-dahang sumilip sa awang ng pintuan.

"Please come in, Clarice" narinig niya ang boses ni Miss Doromal pero hindi niya ito nakita sa silid.

Pumasok si Clarice at hinanap ang table ni Miss Doromal. Nasa pinakadulo pala ito at natatakpan ng cubicle kaya hindi niya agad itong nakita.

"Good afternoon, Miss Doromal" pagbati ni Clarice na nakatayo sa gilid ng cubicle ang adviser.

"Please sit down" turo ni Miss Doromal sa upuang nasa harapan ng table niya.

Naupo naman si Clarice. Halatang kabado ito. Mahigpit ang pagkakahawak sa handle ng kanyang book bag.

"Maybe, nagtataka ka kung bakit kita pinapunta dito" panimula ni Miss Doromal. Tinatantya din niya ang mga salitang gagamitin para makipag-usap sa estudyate at posibleng hindi ito sumagot sa mga tanong niya.

"Yes, Miss Doromal. Meron po ba akong ginawang mali or tungkol ba sa grades ko?" usisa ni Clarice.

"Neither. May mga gusto lang akong itanong sayo. It is up to you kung sasabihin mo sa akin or hindi. They are quite personal, though" paliwanang ni Miss Doromal.

Kumalma ng bahagya si Clarice. Dalawa lang kasi ang naiisip niyang magiging problema niya sa eskwelahan, pero parang alam na niya ang mga itatanong sa kanya ni Miss Doromal.

"I don't know where to start, honestly. Just some things are bothering me. I don't like what I see. I have been here for quite a while and I have encountered different school situations. Maybe you an an introverted person or somebody who dislikes having time with friends but I am not very happy about how other students are treating you. I know you are used to it. I admire your self-control" halata sa boses ni Miss Doromal ang worry. "But, Clarice...you have all the right to defend yourself against them!"

"Alam ko po ang ibig nyong sabihin, Miss Doromal. Sa loob po ng mahabang panahon, pinili ko pong manahimik. Sa totoo lang po, wala akong pakialam sa sinasabi ng ibang tao kasi po may kanya-kanya silang opinion about others. Ang sa akin lang po, ayaw ko nang madamay pa ang pamilya ko" mahinang sagot ni Clarice.

Kumunot ang noo ni Miss Doromal tanda ng pagtataka si sinabi ni Clarice.

"What do you mean? It is worse than a personal reason I used to think it was?" na curious na lalo si Miss Doromal.

"Yes, Miss Doromal. Maybe I have to tell you why people treat me this way" umayos ng pagkakaupo si Clarice. Bahagyang iniangat ang ulo at sinimulang magkwento.

"Bata pa po ako noong nawala ang Daddy ko. Ang sabi ng mga kapitbahay namin, ako daw ang rason kung bakit siya namatay. May lawn po kasi sa harap ng bahay namin. Mahilig po akong maglaro doon. Pinagawan mo ako ng Daddy ko ng life-size doll house. May mga kalaro po ako dating mga bata. Mga anak ng kapitbahay namin. One time po, na lock po ang pinto sa labasan ng doll house. Hindi ako makalabas, kaya nagsisisigaw ako. Nung marinig po ng Daddy yung sigaw ko, nagpanic po na tumakbo papunta sakin pero nadulas po siya at tumama ang ulo sa tubo ng tubig. Na hemorrhiage po siya na naging sanhi ng pagkamatay nya. Hindi ko naman po ginusto iyon at aksidente lang naman pero pagkatapos pa nun, marami pang mga kamag-anak ang napahamak dahil po sa pagliligtas sakin. Ang sabi ng mga tao sa paligid namin, malas daw po kasi ako kaya pati po yung mga anak ng mga kapitbhay namin na nag-aaral dito, nagkakalat po ng kwento tungkol sa mga nangyari kaya ganun po siguro ang ibang estudyante sakin" mahabang pagkukwento ni Clarice.

Yun ang time na narinig ni Miss Doromal na nagsalita ng mahaba si Clarice. Ramdam niya ang hinanakit sa boses nito.

"Ang tao nga naman. Mahilig mag husga sa iba kahit hindi alam ang pinagmulan ng kwento. Makarinig lang ng konti, naghuhusga kaagad" may inis sa boses ni Miss Doromal.

"Ganyan din po ang naiisip ko palagi. Kaso lang po, nung bata pa ako, kinalakihan ko na ang ganyang trato ng mga tao sakin. Nasaay na rin po ako" at ngumiti pa si Clarice. Gusto niyang ipagpalagay ang loob ng adviser at halatang galit ito sa pagiging judgemental ng ibang tao.

"No. This should be stopped. Start to make friends. Then they will understand and know the real you" payo ni Miss Doromal. Gusto nyang mag iba ag tingin ng ibang tao kay Clarice. Marami itong potensyal. Magaling sa academic at may talento sa pagpainting.

"Salamat po Miss Doromal. Medyo gumaan po ang pakiramdam ko. Alam ko pong kailangan ko ng mga kaibigan, kaya lang kahit dati pa wala namang nagkakainteres na makipagkaibigan sakin. Kapag meron po, siyempre gusto ko po ng mga friends. Kahit ang Mommy ko po, laging sinasabi sakin na wag daw pumili ng taong kakaibiganin at bihirang chance na po yun sakin" may saya na sa boses ni Clarice.

Napabuntong-hininga si Miss Doromal. Hindi niya akalaing ang tagal na palang nagtitiis ang estudyante. Hindi lang ito magbiyan ng chance na maipakilala ang sarili. Sa totoo lang, mabait si Clarice kaya nagtataka siyang walang gustong makipagkaibigan dito. Dahil lamang sa mga mali-maling kwento tungkol dito, mismong si Clarice pa ang nag adjust ng sarili at lumayo sa ibang tao.

"Thank you, Clarice at binigyan mo ako ng chance na makilala ka. Please follow my advice. Start making friends if may gusto, I think that would change things little by little" nakangiti na si Miss Doromal.

"Thank you, too Miss Doromal. It's my first time to open up at nakakagaan po pala ng pakiramdam. Akala ko po kasi walang makakaintindi sakin. Wala naman kasing willing makinig sa kwento ko" ngayon ay nakangiti si Clarice at nakatingin ng diretso kay Miss Doromal.

"Ang ganda pala ng batang ito" sabi ni Miss Doromal sa sarili. Malaki ang bilogang mata ni Clarice at mahahaba ang pilik-mata. Maganda rin ang ngiti. Dahil palagi itong nakayuko at hindi man lang ngumingiti kaya siguro hindi narirealize ng iba na may angking ganda pala si Clarice.

"That would be all, Clarice. Again, salamat sa pag open up. Good luck on the following days. If you need me, puntahan mo lang ako dito. I am always willing to listen" pagtatapos ni Miss Doromal ng usapan nila ni Clarice.

"Sige po, uuwi na ako" pagpapaalam ni Clarice at mukhang masaya itong lumabas ng teachers' office.

Nakaupo pa rin si Miss Doromal habang tinitingnan sa glass window ng opisina ang papauwing estudyante na kausap niya kani-kanina lang. Nakita nyang masigla na ito at ngumiti pa. Unang pagkakataon iyon. Masaya siya sa naging desisyon nya na kausapin ang estudyante.

A Twist in Our StoryEpisode 2: Chen's story: TrolLoveWhere stories live. Discover now