TrolLove Part 9

40 3 0
                                    

Maagang nagising si Jae kahit pa gabi na siya nakatulog. Kagabi lang may kung anong iba siyang nararamdaman. Katext niya si Leo. Umamin itong may gusto kay Clarice at natuwa naman si Jae pero nalungkot rin bigla nang maalala si Chen. Naaawa siya sa best friend. Todo effort pa naman ito sa pagpapapansin kay Clarice. Kahit masakit kay Jae, mas gusto niya pa ring masaya si Chen kaya binabalewala niya na lang ang nararamdaman para dito. Ganun daw ang true love trololo churvaness. Naalala niya na minsan sinabi ni Chen "naiabot ko na ang heart ko sa kanya". Di alam ni Jae ang tungkol sa heart-shaped na dahon.

Parang telepathy na maaga ring nagising si Clarice. May kung ano siyang nararamdaman kagabi. Parang di siya mapakali. Tinutukso kasi siya ni Mikey sa text. Sabi nito parang may gusto sa kanya si Leo. Nasa isip ni Clarice na si Chen ang posibleng may gusto sa kanya kasi eversince ito anf nagpapahiwatig ng feelings. Gentleman lang talaga si Leo. Pero masaya siya sa sinabing iyon ni Mikey. O baka lang nanunukso ito. Pero tinago niya ang dahon na binigay ni Chen. Para sa kanya, gift iyon galing sa isang kaibigan. Hindi niya naisip ang iba pang meaning noon. Gusto niyang ipagpalagay na love din naman ang namamagitan sa magkakaibigan.

Kung gaano kaaga nagising ang dalawa (Jae at Clarice), mas maagang nagising si Chen. Di rin ito mapakali. Bakit parang ang awkward ng nararamdaman niya. Pagka gusto niyang isipin si Clarice, nandun din si Jae at mas naiisip niya ito. Kahit pa noong mga bata sila, hindi naisip ni Chen na kahit boyish si Jae, maganda pa rin ito. Tuwing ipinipikit niya ang kanyang mga mata, parang naririnig niya ang boses nito. Iyon ang weird, hindi naman kasi ganoon ang nararamdaman niya kay Clarice. Ang akala niya, gusto niya ito kasi mysterious at kakaiba sa lahat ng mga nameet nya kaya nachallenge siya. Habang kumakain ng agahan, iniisip niya ang tungkol sa una nilang pagkikita ni Clarice. Wala naman siyang napansing iba kay Jae maliban na lang sa palagi siya nitong suportado. Kaya malayong may ibang namamagitan sa kanila bukod sa pagiging malapit na magkaibigan. Pero nitong mga nakaraang araw, hindi niya maintindihan ang sarili niya. Mas naiisip niya si Jae. Pinukpok pa niya ng bahagya ang ulo, medyo nainis sa sarili dahil hindi maintindihan kung ano ang nararamdaman.

Wala pang tao sa eskwelahan nang dumating si Chen maliban lang sa mga utility workers. Naalala niyang bumili ng makakain para mamaya sa break at sigurado siyang gugutumin siya at kakaunti ang kinain kaninang agahan.

Papaliko si Jae galing sa kaliwang bahagi ng kanto at si Clarice naman sa opposite side. Hindi nila pareho alam na halos magkasabay sila. Si Chen naman paliko na rin sa direksyon ni Jae. Parehong nakayuko ang tatlo at kapwa may iniisip kaya hindi nila namalayang sabay-sabay silang dumating sa likuan. Nagkabungguan sina Jae at Chen. Napansin naman ni Clarice ang nangyari.

"Ay baklang paniki!" sigaw ni Chen sa gulat.

"Aray!" sapo ni Jae ang noo na tinamaan ng librong bitbit. Nagulat din siya at naitapon ang mga dala.

Nakamasid lang si Clarice. Mukhang hindi siya napansin ng dalawa.

"Sorry". Pinulot ni Chen ang mga nalaglag na libro ni Jae. Hindi siya makatingin ng diretso dito.

Nagtatakang inabot ni Jae ang mga libro. "Bakit parang kakaiba ang kinikilos nito ngayon?" tanong ni Jae sa isip.

"Okay lang, nagulat lang ako" tugon ni Jae. "San ka papunta at para kang robot maglakad?"

"Ahhh...bibili lang ng makakain para sa break. For a change, kakasawa kasi yung sa cafeteria" hindi pa rin nakatinging sagot ni Chen.

Ang totoo napansin niya ng mga oras na iyon si Clarice sa kabilang daan. Sinundan ni Jae ang tinitingnan ni Chen at nakita niya si Clarice.

"Kaya siguro ganito to kasi nandun pala si Clarice at nakatingin" sa isip ni Jae.

Kinawayan niya si Clarice at ngumiti naman ito. "Good morning! Ang aga nating tatlo" bati ni Clarice. Naglakad ito palapit kay Jae at Chen.

"Sige mauna na kayong pumasok, babalik din ako kaagad". Dali-daling umalis si Chen.

Napansin ni Clarice na tumaas ang kilay ni Jae. "Anyare dun?" nagtatakang tanong ni Clarice.

"Di ko alam. Baka kasi andyan ka kaya nagpapanic". Parang kinikilig na tumawa si Jae.

"Parang hindi ganun ang napapansin ko sa kanya" nakasunod kay Chen and tingin ni Clarice. "Parang hindi naman siya ganyan kahit dati pa, kahit nung una naming pag-uusap. Ngayon, iba talaga eh".

"Wag mo nang pansinin yun, weird talaga yun minsan". Nagpatiuna na sa paglalakad si Jae.

Habang nakasunod kay Jae, napag isip isip ni Clarice na parang iba na ang pakikitungo ng dalawang kaibigan sa isa't isa. Napapansin niyang palaging pinagbibigyan ni Jae si Chen sa gusto nito pero mukhang hindi ito masaya. Si Chen naman, hindi napapansing minsan hindi okay si Jae kapag nagiging sweet ito sa kanya. Naisip niya si Leo. Kahit si Chen ang vocal and obvious sa pagpapahiwatig ng feelings, si Leo ang gusto niya. Tahimik kasi ito, parang siya.

Nakakuyom ang mga palad ni Chen. Habang papalayo siya sa dalawang babae, alam niyang pinag uusapan siya ng mga ito. "Bakit ba ganito ako? Bakit ako nagpapanic eh sanay na naman ako kay Jae?" pagtataka ni Chen.

Bumili siya ng pagkain. Pinili niya ang gustong meryenda ni Jae. Nagtaka na naman siya ulit. "Bakit ba yung gusto nya ang mga naiisip ko, hindi ba dapat tinanong ko si Clarice kung ano'ng gusto niya?" nakasalubong ang kilay ni Chen habang iniisip kung ano ang posibleng gustong kainin ni Clarice. Naabutan siya nina Leo at Mikey.

"Hoy troll ni Santa Claus, ano'ng pinagkukunot ng noo mo?" sita ni Mikey nang mapansing hindi man lang ito ngumiti kahit nang makita sila.

"Iniisip niyan kung ano'ng bibilhin para kay Clarice! May dala ako dito para sa kanya" sabat ni Leo.

"Ano ka? Iniisip ko kung ilan ang nutrition content nitong mga pagkain para naman healthy ako" pagsisinungaling ni Chen.

"Alam mo bang nakikita ko ang invisible sungay mo pag nagsisinungaling ka?" sagot ni Mikey at inakbayan si Chen. Alam nito ang sitwasyon ng dalawa. Parehong may gusto sa iisang babae. Kaya para iwas magkainisan, ito na ang nagpapagitna.

"Ang totoo nyan, balak kong bumili para sa ating lahat" nagpatuloy sa pagpili ng pagkain si Chen.

"Okay na yan! Ang thoughtful mo naman! Eh dati ni kendi ayaw mo akong bilhan" biro ni Leo.

Pagkatapos magbayad ni Chen, sabay na silang pumasok. Nagpapakiramdaman silang dalawa ni Leo at ganun din si Mikey sa kanilang dalawa. Napag isip isip nitong gumawa ng paraan para malaman kung ano ang mga itinatago ng magkakaibigan sa isat isa.

-what do you think Mikey will do to solve the conflict between his friends?-

A Twist in Our StoryEpisode 2: Chen's story: TrolLoveDonde viven las historias. Descúbrelo ahora