Kasabay ng malakas na hangin ay walang patid ang ginagawang pag takbo ng dalawang nilalang sa kakahuyan. Walang ibang hangad ang dalawa kundi ang mapalayo sa tribo na kanyang kinagisnan. Sandaling tumigil sa pagtakbo ang babae ng gumuhit ang kirot sa kanyang sinapupunan.
"Humihilab ang aking sinapupunan, George."
nakangiwi nitong wika at puno na ng pawis ang maganda nitong mukha.
"Malapit na tayong makalabas sa kakahuyan Teresa, huwag kang susuko."
hinaplos ng lalaki ang mukha niya.
"Kumapit ka ng maigi, bubuhatin kita."
maingat at mabilis na binuhat ni George ang kanyang kasintahan na noon ay mag aapat na buwan ng buntis. Walang ibang nais ang dalawa kundi ang maka-alis sa lugar na iyon. Papatayin sila ng mga katribo ni Teresa oras na maabutan sila ng mga iyon. Malaki ang pagtanggi ng mga ito ng umibig at mabuntis siya sa isang taga labas. Napapikit siya ng sumilay sa kanyang mga mata ang silahis ng papalubog na araw sa dapit hapong iyon. Nakawala man sila sa kamay ng mga katribo ngunit hindi sa sumpa ng mga ito. Paulit-ulit na umalingaw-ngaw sa pandinig ni Teresa ang sigaw at sumpa ng kanyang ama na siyang pinuno ng kanilang tribo ng mga mangtok.
"Sa silahis ng dapithapong araw sinusumpa namin yaong inyong supling ay habang buhay na mananangis sa ilalim ng panggabing buwan. Ang sinumang umibig sa kanya ay hindi magtatagumpay!"
BINABASA MO ANG
The Howling Hunk
RomanceLiving alone was the worst thing in life. Lukas Montenegro choose to live as a lonely man in the middle of isolated land. People cursed him and even call him a monster. With hairy body like a beast and tall figure no one dares to be with him. Until...