Chapter 1

36 0 0
                                    

Nakangiting inamoy-amoy ni Isabelle ang bagong pitas na mangga bago iyon inilagay sa kanyang bayong na yari sa kawayan. Nangislap at lalong tumingkad ang kulay dilaw na mangga ng matamaan ng sinag ng panghapong araw. Anihan ng mangga sa hasyendang kanilang pinagtatrabahuhan at iyon ang pinakahinihintay niya.
Napakalawak ng manggahan na iyon at ang hangganan niyon ay isang talon. Na ang sabi-sabi ng kanyang mga kakilala ay may nakatirang aswang sa kabilang bahagi ng talon na iyon. Tinatawanan lamang niya ang mga ito dahil sigurado siyang wala iyong katotohanan. Hindi niya namalayan na napalapit na siya sa may talon sa walang tigil niyang pamimitas ng mga bungang mangga.

"Hoy Isabelle, hindi ka ba natatakot na lumapit sa may talon na iyan?"

Nakasimangot na wika ng kanyang kaibigan.

"Bakit naman ako matatakot?"

"Eh kasi nga, sabi ni ina may nakita raw siyang malaking tao riyan na puno ng balbon ang katawan."

Sagot nito na ipinilig-pilig pa ang ulo.

"Walang aswang, Lily, tinatakot nyo lang ang mga sarili nyo."

Nakangiti niyang tugon dito.

"Bahala ka na nga, basta binalaan na kita."

Binuhat nito ang dalang bayong saka siya tinalikuran.
Pinagmasdan niya ang talon ng maka alis ang kaibigan. Kailanman ay walang nangahas na maligo roon kahit pa napakaganda at linaw ng tubig roon. Napakunot ang kanyang noo ng makitang may mga mag kakapatong na malalaking bato paakyat sa tuyong bahagi ng talon na animo sinadyang iukit para maging hagdan, nasisiguro niyang ang mga hagdang bato na iyon ay patungo sa kabilang dako ng talon.
Para siyang nahipnotismo at namalayan na lamang ang sarili na tinutunton ang talon na iyon.
Napasinghap siya ng bigla na lamang may humablot sa kanyang balikat.

"Kanina pa kita hinahanap nandito ka lang palang bata ka!"

Naiiling na palatak ng kanyang ina.

"Balak ko sanang maligo nay, ang init ng panahon parang nag aanyaya ang tubig sa talon."

Umiling-iling ito.

"Pinapatawag tayo ni Senyor George at Senyora Teresa, kaya ipagpaliban mo muna iyang balak mong maligo."

Hindi na siya nakatanggi ng hilahin siya ng ina paalis sa harap ng talon na iyon.

Noon pa man ay hinahangaan na ang mag-asawa sa kabutihang loob ng mga ito sa kanilang mga trabahador sa Hasyenda. Ang balita niya ay may isang anak lamang ang mag-asawa ngunit isa man sa kanila ay walang nakakakita sa anak ng mga ito. Marahil ay nasa estados unidos ang anak ng mga ito o kung saan mang bansa naroroon kaya kahit anino nito ay hindi nila kilala.

"Hindi na lingid sa inyong lahat na sa tuwing anihan ay nagkakaroon tayo ng kaunting salo-salo bilang pasasalamat sa masaganang aning ito."

Kapwa nakangiti ang mag-asawa ngunit siya lamang ba ang nakapansin na sa likod ng mga ngiting iyon ay may nababanaag siyang lungkot. Marahil ay nangungulila lamang ang mga ito sa kaisa-isang anak na kung saan mang dako ng mundo naroon ngayon.

Maingat na binabagtas ni Isabelle ang daan patungo sa talon. Abala ang lahat sa ginagawang paghahanda ng mga ka nayon sa salo-salong magaganap sa gabing iyon. Dalawa ang rason niya sa pagpunta sa pinangingilagang talon na iyon. Una ay ang maligo at ang pangalawa ay patutunayan niya sa mga kasamahan na pawang walang katotohanan ang mga haka-haka ng mga ito. Tanging ang liwanag ng bilog na buwan lamang ang tumatanglaw sa kanyang dinadaanan ng gabing iyon. At sa rami nila tiyak na walang makakapansin na nawawala siya, ang buong akala ng kanyang ina at kaibigan ay abala siya sa pag gayat ng mga bawang at sibuyas.
Wala siyang nararamdamang takot ng mga sandaling iyon. Malaki ang kanyang tiwala na walang mangangahas na kalabanin at gawan siya ng masama ng mga lalaking kasamahan sa Hasyenda. Ilang minuto siyang nag palangoy langoy sa talon, napakapresko at linis ng tubig. Ng mag sawa sa pag langoy ay tinungo naman niya ang mga linilok na hagdang bato. Nais niyang alamin kung hanggang saan ang hangganan niyon.
Nanlaki ang mga mata ni Isabelle ng makita ang munting liwanag sa kabilang dako ng talon. Natitiyak niya na may taong nakatira roon. Nasa kalahating baitang na siya pababa ng hagdan ng madulas at dumausdos siya pababa. Napasinghap siya ng muntikang mabagok ang kanyang ulo.
At sa nanlalabong paningin ay nabanaag niya ang papalapit na nilalang.

"What the hell are you doing in here!"

Tila kulog iyon sa kanyang pandinig.
Huminga siya ng malalim para pakalmahin ang sarili sa muntikan ng pagkabagok. Ipinikit niya ang mga mata ng mariin at dahan-dahang iminulat. Muntik na siyang mapasigaw ng tumambad sa kanyang harapan ang isang lalaki. Sa tulong ng liwanag ng buwan ay malinaw niya itong nasilayan. Nasisiguro niyang matangkad ang lalaki. Sa kabila ng mga balbas na nagsisimula ng tumubo sa buong mukha nito ay hindi maikakailang maganda itong lalaki. Napadako ang kanyang tingin sa katawan nito. He was wearing a white shirt and yet the hair on his chest was visible. Napalunok siya ng muling dumako ang paningin niya sa mukha ng lalaki. Bago pa siya makasigaw ay natakpan na nito ang bibig niya.

"Will you please stop screaming, im not a rapist!"

Narinig niyang bulong nito sa tenga niya. Nakahinga siya ng malalim ng alisin nito ang kamay sa bibig niya.

"Hindi ko sinasadyang gambalain ka."

Napakunot ang noo nito sa kanyang sinabi.

"Get out! I don't need you here!"

"Hindi ka naman mukhang aswang ah."

Matalim siya nitong tinitigan.

"I don't care what you hear from the people outside, you can go to hell!"

Napaismid siya sa tinuran nito.

"Bakit ba ang init ng ulo mo? halika at sumalo ka sa amin may kaunting salo-salo sa mansyon."

Pinagpagan niya ang damit ng makitang may mga butil ng lupa na kumapit roon.

"Leave me alone!"

Mariing sigaw nito sa kanya.

"Ang sungit naman! Bakit ba dito ka nakatira?..."

Napasinghap siya ng lapitan ng lalaki at halos magdikit na ang mga mukha nila.

"You will leave or you'll be sorry!"

Matalim ang mga titig nito sa kanya.
Tinitigan niya ang mga mata nitong kasing itim ng gabi. There was a pain and sadness behind those beautiful and masculine eyes of him.

"Ako si Isabelle at gusto kong makipag kaibigan."

Nasapo ng lalaki ang sariling noo na tila hindi kinaya ang kakulitan nya.

"You're not scared of me?"

Tila hindi ito makapaniwala sa kanya

"Bakit naman ako matatakot sayo?
Ang gwapo-gwapo mo kaya!

Mahinang wika niya sa huling sinabi na hindi nakaligtas sa pandinig ng lalaki.

" look, kailangan mo ng umuwi, baka hinahanap ka na ng mga magulang mo. "

Pagtataboy nito sa kanya.

" Sabihin mo muna kung ano ang pangalan mo."

Napailing-iling ang lalaki at malakas na napabuntong hininga.

"I'm Lukas now please leave will you?"

Napangiti siya ng malaman ang pangalan nito. It was a masculine name no doubt.

"Sige na nga aalis na ako baka may gagawin ka pa. Bye, nice to meet you."

Nginitian niya ng matamis ang lalaki bago ito tinalikuran.

"Please keep it as a secret!"

Naulinigan niyang sigaw ni Lukas sa kanya.

The Howling HunkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon