Chapter 6

8 1 0
                                    

Umagang-umaga ay rinig na rinig ni Isabelle ang bulungan ng mga chismosa niyang katrabaho.

"Dumating na daw ang kaisa-isang anak nina senyor at senyora Teresa. Nakita ko kahapon pagkagwapong balbon."

"Tila ako bumalik sa pagiging teenager nang makita ko grabe ang gwapo talaga!"

Tila nangangarap ng gising na sambit naman ni aling ester.

"Napakaswerte ng mapapangasawa ng senyorito abay kalaking tao siguradong malaki rin ang ano non..."

"Hoy mga ale, mawalang galang na lang ho imbes na mag chismisan kayo riyan ay bakit hindi nyo gawin ang mga trabaho niyo at baka matuwa pa sa inyo ang senyorito!"

Hindi niya napigilang sermonan ang mga ito. Hindi niya maatim na pinag nanasaan ng mga matanda ang kanyang irog.

Tinitigan lamang siya ng masama ng mga ito saka tinungo ang mga gawain sa hasyenda.

" Pagnanasaan nyo pa ang irog ko... Akin lang yon! Ako lang may karapatang magnasa doon!"

Bulong niya sa sarili.

"Hoy Isay, pinapatawag ka ni Senyora sa mansyon magmadali ka!"

Ni hindi na niya pinag kaabalahang tignan ang nagsalita, patakbo niyang tinungo ang mansyon, sabik na siyang makita si Lukas.

"Magandang araw ho Senyora..."

Inalis niya ang malaking sombrero na yari sa abaka.

"Ikaw ang babaeng nakita ko na pabalik-balik sa talon. Magkaibigan ba kayo ni Lukas?"

Nahihiya siyang tumango.

"Opo, magkaibigan na po kami."

Napasinghap siya ng hawakan nito ang dalawa niyang kamay.

"Marahil ikaw ang dahilan kung bakit nagbago ang isip ni Lukas. Kaya bumalik siya sa mansyon. Maraming salamat..."

"Masaya po ako kung iyon ang dahilan."

"Huwag kang mahihiya Isabelle, kaibigan ka na ng anak ko, anumang oras o araw ay maaari mo syang dalawin."

Napatitig siya sa ginang, napakabuti nitong tao.

"Maraming salamat ho. Nais ko ho sanang makita si Lukas?"

"Wala siya ngayon sa mansyon, nag paalam siyang babalik pansamantala sa talon..."

Wala si Lukas sa bahay nito sa talon, wala rin sa talon ang lalaki. Siguradong nasa Beach ang lalaki, ngunit hindi niya alam ang daan papunta roon.
Tatlo ang daang nakikita niya at hindi niya alam kung alin ang tamang daan. Pinili niya ang gitnang daan. Napahinga siya ng malalim ng makitang ang hangganan ng mga daan na iyon ay iisa. Tanaw na niya ang puting-puting buhangin. May nagiisang bahay ngang nakatayo roon. Pula ang bubong, gray at brown ang pintura ng bahay. Huminga siya ng malalim bago tinungo ang pinto. Kumatok siya at tinawag ang lalaki.
Napangiti siya ng pagbuksan nito ng pinto.

"You found me."

Namumula ang mukha ng lalaki.

"Kinilig ka ba?"

Nakangiting pagbibiro niya

"Sobra..."

Bago pa siya makasagot ay hinila siya ng lalaki at mahigpit na yinakap. Hindi siya makapaniwala ng mga sandaling iyon.

"Hindi ako makahinga..."

Pinilit niyang magbiro kahit pa nabibingi na siya sa tibok ng kanyang puso na tila tumatalon sa tuwa.

"I'm sorry... Hindi ko lang napigilan ang sarili ko."

Giniya siya nito sa loob.

"Katatapos ko lang kumpunihin ang sirang gripo sa kusina. Matagal ko ng hindi nalilinis ang bahay na ito, medyo maalikabok na."

Mahabang paliwanag nito.

"Problema ba yon, eh di tutulungan kita."

Kinuha niya ang nakitang walis.

"Leave it to me!"

Napahalakhak ang lalaki ng marinig siyang magsalita ng ingles.

"Gumagaling ka na ah."

"Kailangan inglesero ba naman ang kausap ko palagi."

Sabay na naupo sina Isabelle at Lukas ng matapos ang paglilinis sa bahay na iyon. Kahit malamig ang simoy ng hangin ay pinagpawisan sila.

"You're a good cleaner Isabelle."

"Oo naman, nong nag aaral ako lagi akong sweeper."

Napahalakhak ito sa sinabi niya.

"One of these day isasama kita sa Beach."

"Bakit hindi ngayon?"

"You are tired now, kaya mo pa bang maglunoy sa dagat..."

"At bakit naman hindi? Saka hindi naman ako napagod noh! Gusto kong maligo sa white beach please..."

Parang batang pagpipilit niya sa lalaki.

"O cge manonood tayo ng sunset habang naliligo."

Napakapino at puting-puti ang buhangin na naghahatid ng munting kiliti sa kanilang mga paa.
Kitang-kita ang mga coral reefs sa ilalim ng sumisid si Isabelle. Mahapdi sa mata, ng magmulat siya ng mga mata ngunit kaagad ding nawala ng masanay ang mga iyon sa tubig. Maingat siyang hinila ni Lukas pa ahon ng makitang tila wala siyang balak umahon sa dagat.

"Ang lambing ng mga isda, nakikipaglaro sila sa akin."

"Maglalaro tayo mamaya but for now let's watch the sunset."

Tinuro nito ang papalubog na araw. Nagkulay kahel ang kalangitan sa sinag ng hapong iyon.

"Ang ganda... Napakaganda ng mundo..."

Natigilan siya ng makitang titig na titig sa kanya si Lukas.
Kinapa-kapa niya ang mukha.

"May dumi ba ako sa mukha Lukas?"

Ngumiti ito at umiling.

"Wala... Malinis ang iyong mukha wag kang mag-alala."

Mahina niyang tinapik ang balikat nito. Napasinghap siya ng hulihin nito ang mga kamay niya. Tila nais nitong halikan siya ng mga sandaling iyon. Tuluyang napapikit si Isabelle ng maramdaman ang paglapat ng labi ni Lukas sa kanyang labi. Napasinghap siya ng maramdaman ang dila ng binata na nagpupumilit pumasok sa kanyang bibig. Kusa niya iyong ibinuka at doon ay malayang naglakbay ang halik ng lalaki. Kung hindi pa sila pangapusan ng hininga ay walang balak ang lalaking pakawalan ang labi niya.
Pakiramdam niya ay napakainit ng mukha niya ng mga sandaling iyon.

"You're blushing Isabelle."

Ngiting-ngiti ito. At masuyong inipit sa kanyang tenga ang buhok na linilipad ng hangin.

"You have the sweetest lips Isabelle."

Napapikit siya ng haplusin nito ang labi niya. Akala niya ay hahalikan siya nitong muli ngunit hindi na nangyari iyon.

"Its getting dark we need to go back."

Hinawakan nito ang kamay niya at sabay nilang tinungo ang rest house.




The Howling HunkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon