Hindi makatulog ng gabing iyon si Isabelle. Hindi pa rin maalis sa isip niya ang nakita sa talon. Maraming katanungan ang bumabagabag sa kanyang isipan. Bakit naroon at nag-iisa ang lalaki sa isang tagong sulok ng hasyenda? Matagal na ba roon ang lalaki at ano ang ginagawa nito roon? Alam ba ng mag asawang sina senyor George at senyora Teresa na may nainirahan sa tagong sulok ng lupain ng mga ito? Bako pa niya masagot ang sariling mga katanungan ay hinila na siya ng antok.
Nanatiling nakatalikod si Lukas sa mga magulang. Naroon ang mga ito sa kanyang lungga para dalawin siya.
"I don't like this kind of set up Lukas."
Garalgal ang boses ng kanyang ina. Sigurado siyang naaawa ito sa kalagayan niya.
"You should get used to it ma, i already made my mind i want to live here alone."
"May magagawa tayo para mawala ang sumpa ng mga mangtok, kailangan natin ng magaling na babaylan mula sa ibang tribo baka sakaling makatulong..."
"Enough of the curses dad, anuman ang nangyari sa mga nakalipas ay nagkataon lamang."
Ayaw niyang paniwalaan ng dahil sa sumpa kaya nawala ang kauna-unahang babaeng minahal niya. He almost believed that its because of the curse that his grandfather threw to him. Naikuyom niya ang kamao. Therese was sick she died of the cancer not because of the so called curse of his grandfather. Iyon ang gusto niyang itatak sa isipan.
"Then why do you have to hide?"
Tanong ng nalilitong ina.
"Gusto kong palagi lang akong nasa tabi ng asawa ko."
Hinaplos niya ang nakaukit na pangalan ng asawa sa makinis na bato. He buried his wife to her favourite spot which is beside the falls. He called it Therese falls.
Napapikit ang kanyang ina.
"Therese is dead Lukas, you should move on and start over again."
"Hindi iyon ganun kadali ma."
Naiiling na yinakap ng kanyang ama ang lumuluhang ina. Kapagkuwan ay walang paalam ang mga itong umalis. Naging sarado ang isipan niya ng mamatay ang pinakamamahal na asawa. Si Therese lamang ang babaeng una at huli niyang mamahalin. She was young and innocent when he first met her. Ulila ito at wala na raw itong kahit ni isang kapamilya na nakikilala.
Araw ng linggo at walang pasok sa hasyenda ang mga simpleng tauhan ng araw na iyon. Ang mga punong tauhan sa hasyenda lamang ang may karapatang pumunta sa hasyenda sa tuwing araw ng pahinga. Isa sa mga punong tauhan sa hasyenda ay ang kanyang ama at ina, ngunit dahil hindi makakapunta ang mga ito dahil may aasikasuhin sa bayan ay siya ang inutusang tumao sa hasyenda kasama ng ilang mga punong tauhan. Isiniksik ni Isabelle ang dalang damit sa ilalim ng bayong upang hindi iyon makita ng mga magulang. May pagkakataon na siyang maligo sa talon at dalawin na muli si Lukas. Hindi niya nakalimutan ang pangalan ng lalaki kagabi. At nais niyang makita ang itsura ng lalaki sa liwanag.
"Bakit ikaw ang narito Isay?"
Tanong ng kasamahan ng kanyang mga magulang.
"May lakad ho ang inang at itang kaya ako muna ang pinakiusapan nila aling salve."
Sagot niya sa matanda.
"Ganun ba, ay di sige magtrabaho na tayo at daming papausukan na mangga at halaman na lalagyan ng pataba."
"Aling Salve pwede ho bang doon mo ako ilagay sa mga halaman na lalagyan ng mga pataba?"
Pigil niya ang ngiti habang nakikiusap sa matanda. Malapit ang taniman ng talong na lalagyan ng mga pataba sa talon at tiyak na makakapuslit siya.
BINABASA MO ANG
The Howling Hunk
RomanceLiving alone was the worst thing in life. Lukas Montenegro choose to live as a lonely man in the middle of isolated land. People cursed him and even call him a monster. With hairy body like a beast and tall figure no one dares to be with him. Until...