Hindi makapaniwala si Isabelle ng makita ang tunay na talon na sinasabi ni Lukas. Napakaganda niyon tila linilok ng napakagaling na pintor. Nagkikislapan ang makikinis na bato at napakalinaw ng tubig. Napapaligiran ng mga ligaw na bulaklak ang kapaligiran.
"Maraming pwedeng daanan para marating ang falls na ito pero walang nangahas kahit isa na pumunta sa talon na ito because its our private property. The other way was going through the white sand beach."
Namimilog ang mga mata niya sa narinig na beach.
"May Beach din dito?"
Nakangiti itong tumango.
"20 minutes walk mararating na natin ang white sand beach."
"Wow!"
Wala siyang ibang masabi sa pagkamangha sa mga sinabi ng lalaki.
"Pag wala ako sa bahay or sa falls nasa Beach ako. I also have rest house in there, pero mas paborito ko ang talon na ito."
"Pwede na ba akong maligo?"
Hindi na siya makapaghintay na maramdaman ang presko ng tubig na dumadaloy doon.
"Yes, you can."
Hinubad niya ang tsinelas at nagtampisaw sa tubig.
"Are you not going to remove your big jacket?"
"Huhubarin syempre pag tumalikod ka."
Pinamulahan siya ng mukha ng ngitian ng matamis ng lalaki.
"Ok hubarin mo na ang jacket mo hindi ako titingin."
Napangiti siya ng tumalikod nga ito. May suot siyang malaking tshirt sa ilalim ng malaking jacket kaya hindi naman malaswa kahit hubarin niya ang kanyang jacket.
"Pwede ka ng humarap."
Napabulalas siya ng tawa ng makitang napakunot noo ang lalaki.
"What's the difference?"
Nakangiti at iiling iling ito ng makitang may suot siyang malaking baro.
"Gusto mo lang atang makita ang katawan ko."
Mabilis itong umiling na Nakangiti.
"No, its not that, pinatalikod mo pa ako para hubarin ang jacket mo samantalang para na rin namang jacket yang blouse mo sa laki."
Humalakhak ang lalaki kaya sinabuyan niya ito ng tubig.
"Maligo ka rin ang hot mong tignan!"
"What did you say?"
Ngiting-ngiti ito sa sinabi niya.
"Sabi ko mainit masarap maligo."
Palusot niya.
"Kahit maulan pa yan maliligo pa rin ako."
Pagkasabi niyon ay tumalon at bumulusok ang binata pailalim sa tubig. Inantay niyang umahon ito ngunit dalawang minuto na ang nakararaan ay hindi pa rin umaahon ang lalaki. Nakaramdam na siya ng kaba sa ginagawa ni Lukas. Sumisid siya at hinanap ang lalaki sa ilalim. Nang hindi na makahinga ay sisingap singap siyang umahon para sumagap ng hangin.
Napatili siya sa gulat ng mukha ni Lukas ang mabungaran niya ng magdilat ng mga mata. Muntik na niyang mahalikan ang lalaki sa lapit ng mukha nilang dalawa.
"Got yah!"
"Ba't ka ba nang gugulat?"
"Hindi kita ginulat, magugulatin ka lang."
Ngiting-ngiti ito sa kanya.
Tinalikuran niya ito at muling lumangoy.
"You know what, kung wala ka lang suot na malalaking damit ay mapagkakamalan kitang diwata ng talon."
"Ah ganun, bakit mukha akong anong nilalang sa suot kong ito ngayon?"
Nangingiting tanong niya kay Lukas. Mukha daw syang diwata, nagagandahan ata sa kanya ang binata. Lihim siyang kinilig sa naisip.
"Mukha kang yagit."
Saka ito humalakhak sa sinabi. Inirapan niya ito.
"Isang langoy na lang, uuwi na ko at baka mahalata nina aling Salve na hindi gumagalaw yong panakot sa ibon na iniwan ko sa taniman nyo ng talong."
Napahalakhak ito sa sinabi niya.
"You're impossible... Ang dami mong naisip na kalukuhan."
Hindi na ata matapos tapos ang pag ngiti nito.
"Hindi na mauulit basta ba wag mo kong isusumbong sa mama at papa mo."
Mabilis itong umiling
"I won't do that, pano yan basang basa ka baka mahalata ka nila."
Natigilan siya sa sinabi nito.
"Ba't di ko naisip yon?"
Mahina niyang binatukan ang sarili.
"Pahihiramin na lang kita ng damit ko. Mahilig ka namang magsuot ng malalaking damit walang kaso kung susuotin mo yong damit kong malalaki."
Mabilis niya itong tinanguhan.
Binuting ting niya ang damit na puti at jogging pants na de garter na binigay sa kanya ni Lukas. Tutupiin na lang niya ang laylayan ng pants na iyon para hindi sumayad sa lupa.
"Salamat."
Nginitian niya ito ng matamis.
"Magbanlaw ka ayon yong banyo sa kabila."
Iginiya siya nito sa tapat ng pinto.
Maganda ang bahay ni Lukas sa tagong sulok ng talon na iyon. Kompleto rin sa gamit. Di na siya magtataka. Mayaman ang mga ito kaya kahit anong gustong gawin at bilhin ay magagawa ng mga ito.
Itinaktak niya ang bote ng shampoo na papaubos na. Pagkatapos maligo at mag patuyo ay sinuot na niya ang damit na ipinahiram ng lalaki. Tumingin siya sa salamin sa loob ng banyo na iyon. Pakiramdam niya ay Uminit ang kanyang pisngi at bigla siyang Nakaramdam ng hiya."Mukha akong poste na sinuutan ng higanteng damit."
Nakayuko siya ng lumabas at humarap kay Lukas.
"Sino nag sabi?"
Tila pinipigilan ng lalaki ang bumunghalit ng tawa. Inismidan niya ito.
"Ok lang yan maganda ka pa rin kahit anong uri ng damit ang isuot mo."
Pinamulahan siya ng mukha sa sinabi nito.
"Gusto mo bang ihatid kita sa labas ng talon?"
Mabilis siyang umiling.
"Hwag na baka makita tayo ni aling Salve mapagalitan pa ako at pihadong kung ano ano na naman ang ikwekwento non sa baryo."
"Sige, wag kang mag papahuli."
Nginitian niya ito at tinanguhan.
May ngiti sa mga labing linisan niya ang tagong sulok ng lugar na iyon ng bago niyang kaibigan.
BINABASA MO ANG
The Howling Hunk
RomansaLiving alone was the worst thing in life. Lukas Montenegro choose to live as a lonely man in the middle of isolated land. People cursed him and even call him a monster. With hairy body like a beast and tall figure no one dares to be with him. Until...