Napakunot noo si Isabelle ng magising kinaumagahan at makitang walang kasing sama siyang pinagmasdan ng ina.
"Ano na naman ho ba ang nagawa ko at ganyan kayo makatingin nay?"
Kakamot-kamot siya sa ulo.
"At hindi mo nga maalala?"
Napatingin siya sa ama na ngiting-ngiti kaya lalong nabanas ang ina. Napasinghap siya ng maalalang nalasing siya kagabi at nakatulog, paanong nasa bahay na siya pag gising nya?
"Hinatid ho ako ni Lukas dito?"
"Ano na lamang ang sasabihin ng mga kapit-bahay natin Isay, hindi ka nag-iisip na bata ka!"
"Bakit ho ba lagi nyong pinoproblema ang mga kapit-bahay na yan?"
Naiinis na rin siya.
"Hindi pa man tuluyang sumisikat ang haring araw ay bantog ng buntis kang bata ka! Ipinamalita na ni Salve sa lahat at ang senyorito ang nakabuntis sayo!"
Gimbal siya sa narinig.
"Binuntis ako ni Lukas?"
Maang na napatingin ang ina sa kanya. Lukot na lukot ang noo.
"Bakit wala akong maramdamang kakaiba?"
Nalamukos na lang ng ina ang mukha nito sa pamimilosopo niya.
"Alam nyo nay, imposible namang magustuhan ako ni Lukas ok? Kaya relax lang kayo ni hinding-hindi ako pagtutuunan non ng pansin. Kung may pagnanasa yon sakin disin sana'y ginalaw na ko non habang nagkukunwari akong lasing. Pero hindi eh, wala as in zero di nya bet ang beauty ng anak nyo. "
Napatingin siya sa ama na tila nanlumo, atat na talagang mag-alaga ng apo ang isang ito.
Tinalikuran niya ang ina saka nag mumog sa lababo.
"Makakatikim na talaga ng sapak sa akin ang Salve na iyan!"
Palatak nito saka nagpatuloy sa pagtatahip ng bigas.
BINABASA MO ANG
The Howling Hunk
RomanceLiving alone was the worst thing in life. Lukas Montenegro choose to live as a lonely man in the middle of isolated land. People cursed him and even call him a monster. With hairy body like a beast and tall figure no one dares to be with him. Until...