"Umuwi ka na baka hinahanap ka na sa inyo."
Hindi niya mapigilan na pasulyap sulyapan si Isabelle. Sa tantiya niya ay nasa edad dalawampu pa lang ang dalaga. Petite at may gandang hindi nakakasawang tignan. Maliit ang mukha nito. Chinita ang mga mata, katamtamang tangos ng ilong at manipis na labi na bumagay sa hugis ng mukha nito. Ang higit na nakadagdag sa feminine looks ng dalaga ay ang mahaba nitong leeg na perpekto ang hugis. Basta na lamang itinali ang buhok nito at kita niya ang mga baby hair na naiwan sa likod ng ibabang ulo nito na yumayakap sa likod ng leeg at hindi niya mawari kung bakit naaakit siyang tignan iyon. Her body seems fine too. And her toes are looking great. Napakasimple nitong tignan and yet she looks so nice.
"Ayoko pang umuwi! Nakapasa ba ako sa pamantayan mo?"
Napangiti siya sa sinabi nito nahalata ata na kanina pa niya ito tinititigan.
"Ilang taon ka na?"
Sa halip ay tanong niya rito.
"25 na ako, ikaw ilang taon ka na?"
Napangiti siya sa narinig, she looks so young and sweet napagkamalan lamang niyang bente anyos ito kanina.
"Thirty five!"
Inaantay niya kung ano ang magiging reaksyon nito.
"Bakit hindi ka mukhang matanda?"
Napangiti siya sa sinabi nito.
"I don't know."
"Sa edad mong iyan wala ka pang naging girlfriend o asawa?"
Napabuntong hininga siya sa sinabi nito. Ayaw niyang pag usapan ang asawa sa ibang tao. Ngunit namalayan na lamang niya ang sariling ikweni-kwento kay Isabelle ang tungkol sa Kanyang namayapang asawa.
Natigilan siya ng makitang lumuluha ito.
" What's wrong?"
"Naiyak lang ako sa kwento mo. Akala ko happy ending na eh."
Malungkot niya itong nginitian.
"That is life, we never knew what's waiting in the future, so you have to enjoy it in a good way while it last."
"kaya ba mas pinili mong mamuhay ng mag-isa at ilayo ang sarili mo sa mga magulang mo kasi sobra kang nasaktan sa pagkawala niya?"
Tinanguhan niya ito.
"Pero Lukas may mga magulang ka pa kailangan din nilang maramdaman ang pagmamahal mo."
"I love my parents."
"Pero bakit di mo sila inuuwian sa mansiyon?"
Sinabi na rin niya kay Isabelle ang tungkol sa mga magulang niya.
"They will understand me."
Umiwas siya ng tingin sa dalaga.
"Sige na nga, malaki ka na alam mo na ang ginagawa mo. Aalis na ko gusto kong maligo sa talon. Di matuloy-tuloy ang binabalak kong paliligo sa talon."
Nginitian niya ang namumulang dalaga.
"The front falls is just a cover of the real beautiful one."
"Anong sabi mo?"
"Narito ang tunay at mas magandang talon sa loob. Come I'll show you. Since you are my friend now, i will show you the real one."
"Ibig mong sabihin yong harap ng talon ay hindi totoong gawa ng kalikasan?"
Tinanguhan niya ito.
"It's a man made to cover my paradise."
Hindi niya napigilang kindatan ang dalaga na hindi matapos-tapos ang pag kamangha.
BINABASA MO ANG
The Howling Hunk
RomanceLiving alone was the worst thing in life. Lukas Montenegro choose to live as a lonely man in the middle of isolated land. People cursed him and even call him a monster. With hairy body like a beast and tall figure no one dares to be with him. Until...