Chapter 7

9 1 0
                                    

Muntik ng mabagsak ni Isabelle ang mga hinugasang plato ng magsalita ang kanyang ina.

"Tapatin mo kami Isabelle, napapansin namin na lagi kang nawawala sa hasyenda sa tuwing araw ng trabaho."

May pagdududang sambit nito.

"Minsan ho ay pinapatawag ako ng senyora sa mansyon inay, akala ko alam nyo iyon."

"Ano ka ba naman Ludy, matanda na yang anak mo, alam na niyan ang ginagawa sa buhay."

Nakahinga siya ng maluwag sa sinabi ng ama.

"Ayoko lang makarinig na pinag chichismisan ka nina ester at salve na kumekerengkeng ka daw sa senyorito."

Nakagat niya ang pang - ibabang labi sa sinabi ng ina. Dahil totoo namang kumekerengkeng nga siya. Noong isang araw lamang ay naghalikan sila ni Lukas, hinayaan niyang halikan siya nito at nagustuhan naman niya iyon.

"Pabayaan mo ng mga chismosang yan. Eh bakit noong araw kinirenkeng naman nila yang mga asawa nila ah. Kung hindi nila kinerengkeng siguradong matatandang dalaga ang mga iyan.!"

Napangiwi siya sa sinabi ng ama.

"Puro ka kalukuhan Nestor, iba na ang panahon ngayon. Marami ng nagiging solong ina sa panahon ngayon kaya ang mga dalaga ay kailangan na mag timpi at mag-ingat."

May punto naman ang kanyang ina.

"Huwag mong sasabihing gusto mong pag tandaing dalaga itong anak natin, hindi ako makapapayag Ludy, gusto kong makita at magkaroon ng mga apo."

Palatak naman ng kanyang ama.

"Wala akong sinabing ganyan!"

Bago pa mag away ang mga magulang ay pumagitna na siya.

"Huwag ho kayong mag alala nay, tatandaan ko ho iyan."

Mag-iisang linggo ng hindi nakikita ni Lukas si Isabelle. Sinisisi niya ang sarili marahil ay nagalit ang dalaga ng halikan niya ito kaya hindi na nagpakita pang muli. Ilang araw siyang naghintay sa mansyon sa talon ngunit walang Isabelle na dumating. Kaya nagpasya siyang sadyain ito sa hasyenda. Sakay ng kabayo ay linibot niya ang hasyenda nagbabakasakaling makita si Isabelle.
Wala ang dalaga sa manggahan kaya sunod naman niyang tinungo ay ang taniman ng talong. Napangiti siya ng makitang naroon ang dalaga. Palinga linga ito sa talon.

"Bakit mo pinipigilan ang sarili mong pumunta sa talon?"

"Ay kabayong bundat!"

Inalalayan niya ang nagulat na dalagang tila hindi napansin ang pagdating niya.

"Bakit nandito ka?"

"Ayaw mo ba kong makita?"

"Syempre gusto."

Nagpalinga-linga ito tila nag-aalala kung may makakakita sa kanila.

"Wala, abala sila sa manggahan."

Nginitian niya ito, namumula ang mukha at ilong.

"Galit ka ba sakin?"

Namilog ang mga mata nito sa tanong niya.

"Ako magagalit sayo? Wala sa isip ko yan noh!"

Napangiti siya sa sinabi nito.

"Bakit mo ko iniiwasan kung gayon?"

"Nagpapalamig lang ako kina inang at itang, napaghahalataan na nila ako."

"Bakit hindi mo sabihin sa kanila ang totoo na mag-kaibigan tayo?"

Lihim na nanlumo si Isabelle sa sinabi ni Lukas. Kaibigan pa rin ang turing nito sa kanya matapos siya nitong halikan. Samantalang siya ay tuluyan ng nahulog at umiibig kay Lukas.

"Did i say something wrong?"

Mabilis siyang umiling.

"Magkita tayo sa talon mamaya."

Sa halip ay sagot niya rito.

Lihim niyang iniibig si Lukas ay lulubus-lubusin na niya. Masaya siyang kasama ang lalaki at iyon ang mahalaga.

Napataas kilay si Isabelle ng makitang maayos ang mesa sa Beach house ni Lukas. May mga pagkaing nakahanda roon at inuming pula na nasa maganda at mataas na pabilog na baso na may mahabang hawakan. May kandila rin na magara sa gitna ng mesa. Hindi naman siya tanga para hindi malaman kung ano ang tawag doon. May date sila ni Lukas o baka friendly date.

"Surprise!"

Matamis niyang ngunitian ang lalaki.

"Anong meron?"

Lihim siyang kinilig ng ipaghila nito ng upuan.

"Gusto kong bumawi alam kong pagod ka, kaya kailangan mo rin mag relax paminsan-minsan."

Ang lapad ng kanyang ngiti sa narinig.

"Ang sweet mo."

"Yes, I am."

Naghahalusinasyon lang ata siya ng makitang kinindatan siya ni Lukas. Napakakisig nito ang sarap pang gigilan.

"Let's eat."

"Oo nagutom ako bigla sa amoy. Ikaw ba nagluto nito?"

Mabilis itong tumango.

"Ako nga."

"Infairness ang sarap ha parang ikaw."

Napahalakhak ang lalaki sa sinabi niya.

"Wanna try me?"

Nakakaloko ang mga ngiti nito.

Pinamulahan siya ng hindi inaasahang sakyan nito ang mga biro niyang na may halong katotohanan.

Napapikit si Isabelle ng dumaiti sa kanyang lalamunan ang mapait na lasa ng red wine kung tawagin, pagkatapos ng pait ay unti-unti niyang naramdaman ang tamis niyon.

"You like it?"

Mabilis siyang tumango.
Yayamanin ang lasa, mailalarawan ang lasa sa isang taong masikap at nagtagumpay sa buhay sa bandang huli.

"Isa pa nga gustong-gusto ko ang lasa."

Napansin ni Isabelle na habang tumatagal ay tila umiikot na ang paningin niya. Kahit pala mukang mild lang ang red wine ay nakalalasing din.

"You're drunk Isabelle I'll take you home."

Tanging tango lamang ang itinugon niya sa binata bago siya hinila ng antok.

The Howling HunkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon