"Hindi mo mailalayo ang sumpang iginawad ng pinunong mangtok. Magiging masaya ka ngunit iyon ay panandalian lamang. Iyon ang ganti sa pagsuway at pagtalikod ng iyong suwail na ina sa tribu!"
Mabilis na napabalikwas si Lukas sa masamang panaginip. Hindi siya naniniwala sa sumpa. Mas makapangyarihan ang salita at pananalig niya sa Maykapal kaysa sa sumpang iginawad ng tribu ng kanyang ina. Naikuyom niya ang kamao. Bigla niyang na alala si Isabelle ang masayahin nitong mukha na laging may ngiti sa labi tuwing titignan siya. Mariin siyang napapikit at pigil ang sariling huwag isambulat ang mga kagamitan sa loob ng kanyang kwarto. Sa tuwing nananaginip siya ng masama ay hindi niya mapigilang wasakin ang mga bagay na nakikita ng kanyang mga mata.
Bumangon siya at uminom ng tubig. Pasado alas tres pa lamang ng madaling araw. Tiyak na hindi na siya makakatulog na muli. Bigla na lamang niyang naramdaman na gusto niyang makita si Isabelle ng mga sandaling iyon.
Napangiti si Lukas ng makita ang paparating. May kung anong galak siyang naramdaman ng makitang bumalik ang dalaga pakalipas ng isang araw.
"Namiss mo ko noh?"
Nginitian lamang niya ang dalaga.
"May inasikaso kasi ako sa bayan kaya di kita napuntahan kahapon."
Mahabang paliwanag nito sa kanya.
"Ok lang yon."
"Dala ko na nga pala yong mga damit na pinahiram mo sakin. Linabahan ko na rin yan binabad ko pa yan sa downy."
Hindi niya napigilang hagurin ng tingin ang dalaga. She was wearing a baby blue shirt and a floral skirt na lampas tuhod ang haba. Nakalugay ng buhok ang babae kaya lalong naging kaakit akit ang itsura nito.
" You look good. "
" Aba'y dapat lang noh, bumili pa ko ng damit sa bayan lagot ka sakin kung hindi mo mapapansin... Ang ibig kong sabihin, bumili ako ng damit sa bayan wala na kasi akong matinong damit."
Napangiti siya sa tinuran nito. She's different and beautiful.
" Kumusta ka kahapon? "
Umupo ito sa bench sa ilalim ng punong mangga.
" Everything is fine yesterday. "
Naikuyom niya ang mga kamay ng maalala ang napanaginipan ng nag daang gabi.
" Sigurado ka? Bakit parang mukhang kulang ka sa tulog?"
Maang siyang napatingin sa dalaga.
"Halata ba?"
Mabilis itong tumango.
"Oo mukha kang puyat."
Nginitian niya ito. She looks so blooming today. Naniningkad ang ganda ng dalaga.
"Hoy baka matunaw ako grabe ka naman makatitig Lukas."
Isa sa ikinatutuwa niya rito ay may sense of humour ito at hindi maitatangging lagi siya nitong napapangiti o napapatawa sa tuwing dadalawin siya nito.
"You just look so lovely today."
Inismiran siya nito.
"Today lang?"
"Yes..."
"Ay ambot!"
Napahalakhak siya sa sinabi nito. Para itong batang nagmamaktol.
"Ok for your information you look lovely everyday."
Totoo iyon maganda ang dalaga, gandang hindi nakakasawa at tila lalong tumitingkad sa paglipas ng mga araw. Napangiti siya ng pamulahan ito ng mukha.
"Hindi ako magtatagal Lukas, may trabahong naka atang sa akin sa mansyon."
Nalungkot siya sa narinig.
"Sasama ako sa mansyon."
Tila hindi ito makapaniwala sa narinig.
"Tiyak matutuwa ang mga magulang mo kapag nakita ka nila."
Tinanguhan niya ito. Isa ito sa mga dahilan kung bakit gusto niyang sumama sa mansyon. Hindi habang buhay na magtatago siya at gumawa ng sariling mundo. Mas lalo niyang ikinukulong ang sarili sa lungkot. Hindi habang buhay na patagong pupunta si Isabelle para samahan siya. Napabuntong hininga siya sa naisip.
"Natutuwa ako sa desisyon mo Lukas."
"Magkita na lamang tayo sa mansyon kung gayon."
Nakangiti siyang tinanguhan ng dalaga.
Mangiyak-ngiyak ang ina ni Lukas ng makita siya nitong nakatayo sa harap ng pinto kasama niya si Isabelle at sabay nilang tinungo ang mansyon. Subalit dumeretso na ang dalaga sa kusina kaya hindi ito nakita ng kanyang ina.
"Is this for real son?"
Mahigpit siya nitong yinakap.
"Kumusta kayo ma?"
Mas lalo itong napaiyak.
"Masayang-masaya ako na makitang umapak kang muli sa mansyon, after 5 years Lukas..."
Humagulhol na ito ng iyak.
"I'm sorry ma at umabot ng ganon katagal ang pag momove on ko."
Mabilis itong umiling
"Don't be sorry wala kang kasalanan. Tiyak na matutuwa ang papa mo sa desisyon mong ito."
Nangigilid ang mga luha ni Isabelle habang minamasdan sina Lukas at Senyora Teresa ng mga sandaling iyon. Gusto niyang isipin na siya ang dahilan kung bakit napapayag niyang bumalik sa mansyon si Lukas at magsimulang muli. Hindi masaya ang mag-isa at ituon ang sarili sa isang bagay o tao na hindi na babalik pa. Mananatili ang mga ala-ala, subalit kailangang magpatuloy pa rin sa buhay. Kay dali ng panahon at mahigit isang buwan na silang mag kakilala ni Lukas. Lihim niyang hinahangaan ang lalaki hindi lamang sa pisikal nitong kaanyuan.
BINABASA MO ANG
The Howling Hunk
RomanceLiving alone was the worst thing in life. Lukas Montenegro choose to live as a lonely man in the middle of isolated land. People cursed him and even call him a monster. With hairy body like a beast and tall figure no one dares to be with him. Until...