3rd person's POV
*riiiiing*
"Sige na, paalam aking mga estudyante. Mag-iingat kayong lahat pag-uwi." ani ni ma'am Carmen sa klase at pagkatapos ay umalis na ng kanilang silid.
Sabay sabay na nagsitayuan ang lahat at sunod sunod na lumabas maliban sa tatlong dalaga na nag-aayos pa ng kanilang mga gamit.
"Callie tara na, bilisan mo dyan. Dadaan pa tayo kay Ms. Lucero." ang sabi ni Serena habang sinusukbit sa kanyang balikat ang bag niya.
"Eto na saglit. Magpupulbos na lang. Nasan na ba yung ipapasa natin? Nasa'yo ba?"
"Wala sakin. Nandon kay Blake at siya na daw ang maghahawak. Naghihintay na yon sa labas." sabay tingin sa kaibigan nilang sinesenyasan na sila na lumabas na.
Sumunod naman sila dito at lumapit sa kanilang kaibigan.
Sabay sabay na silang naglakad pababa ng hagdan patungong 1st floor. Mga ilang hakbang lamang malapit sa hagdan ay nakita na nila kung saan laging namamalagi ang guro na kanilang hinahanap.
'Music Room' ang nakalagay na sign sa pinto nito.
*knock knock*
sabay bukas ng pintuanBumungad sa magkakaibigan sila Ma'am Carmen at Ma'am Lucero na nakaupo sa harap ng piano na agad namang napalingon sa pinto na may halong gulat ngunit nang makita nila na mga estudyante pala nila ito, nawala na ang gulat sa kanilang mga mukha.
"Excuse me po Ma'am Lucero, Ma'am Carmen pwede po ba kaming pumasok? Magpapasa lang po ng project." ani ni Blake sabay itinaas ang folder na kanyang hawak.
"Okay sige pasok na kayo girls." ang sabi ni Ma'am Lucero sa kanila habang nakangiti.
Dali dali namang sumunod ang tatlong magkakaibigan. Unang pumasok si Blake at nahuli si Callie na siyang nagsarado ng pinto.
Naglakad sila patungo sa kinaroroonan ng kanilang mga guro at magkasunod na nginitian ang dalawa. Inabot nila ang folder na siyang naglalaman ng kanilang project. Tinanggap naman ito ni Ma'am Lucero at tiningnan kaagad ang kanilang ipinasa.
"Pasensya na po kung nadelay ng isang araw, ma'am. Dapat po talaga kahapon pa po namin yan ipapasa kaso di po naging sapat yung pera namin na pangpaprint."
"Hindi po kasi nakuha ni nanay ang sweldo niya kahapon kaya di po ako nakapagbigay ng ambag ko sa grupo. Pasensya na po."
"Kinailangan ko po kasing bumili ng gamot ng kapatid ko kaya yung ipahihiram ko po sana na pera kay Serena e nagastos ko na din po. Pasensya po."
Kanya kanyang paliwanag ng magkakaibigan. Umaasa silang tatanggapin pa din ng kanilang guro ang kanilang pinaghirapan na proyekto kahit pa hindi sila nakapagpasa sa tamang oras.
Lumiwanag ang mukha ng tatlo na para bang nagkaron ng pag-asa nang nagkatinginan ang kanilang guro at sabay na ngumiti sakanila na parang sinasabi na ayos lang iyon at naiintindihan nila.
"Wag kayong mag-alala Blake, Serena, Callie." ani ni ma'am Lucero na isa isa silang tiningnan nang nakangiti habang binabanggit ang kani kanilang pangalan.
"Tatanggapin ko pa din ito. Alam ko namang ito ay pinaghirapan ninyo at di niyo din naman ginusto na kapusin ng konti sa pera." ang sambit ng kanilang guro.
Tuluyan nang nakahinga ng maluwag ang tatlo. Hindi na nila kailangang kabahan pa sa kadahilanan na baka sila ay mawalan ng scholarship. Malaking hatak sa kanilang mga grado ang proyekto sa bawat subject at kapag may hindi sila napasa dito ay tiyak na makakaapekto ito ng husto sa kanilang pinakaiingatan na scholarship.
BINABASA MO ANG
Teen Agents By Accident
Teen FictionHindi inaasahan ng tatlong dalaga na magkakaibigan ang mapabilang sa isang secret agent task force. Madami silang makikilala na mga tao at mapagdadaanan na mga pagsubok. Hanggang saan kaya aabot ang kanilang pagiging teen agents?