KABANATA 5

3 0 0
                                    

March 5, 2020 Thursday

Third Person's POV

Napagtagumpayan ng tatlong magkakaibigan ang kanilang kanya kanyang plano.

Napansin na sila ng mga anak ni Principal Manansala.

Ngayon ang dapat nalang nilang gawin ay makagawa ng paraan upang makakuha ng ebidensya.

Callie's POV

"Kief, Miss Callie. Kiefer Manansala" sabi nito at tinugon ang kamay ko.

Nginitian ko siya habang nagsheshake hands kami at pagkatapos ay binawi ko ang ang aking kamay

'At ang Kiefer Manansala ay nahulog sa aking patibong. Basta talaga babae.'

"Kamusta ang pagkakadapa?" asar sakin nitong lalaking 'to.

"Ayos lang naman. May nagsintas naman e." sabay titig ko sakanya. Yung panghamon na titig.

Bago pa man siya makasagot ay inunahan ko na siyang muli.

"Kain tayo? Pangbawi lang sa pagsintas mo ng sapatos ko hahaha. Ano tara?" pagyaya ko sakanya. Mema rason lang.

"Sus pambawi gusto mo lang akong makasama e." ang sabi sakin ni Kief. Tinugunan ang aking panghamon na titig.

"Paano pag sinabi kong oo?" hamon ko sakanya sabay tingin sa mga mata niya.

"Edi same." ngiti niya sakin sabay kindat.

'Sanay na sanay talaga sa mga gantong pangyayari.'

Umiling iling ako nang nakangiti habang nakatitig pa din sa mga mata niya.

Tumawa nalang ako biglang pagtugon pagkatapos ay ako'y nagtanong.

"Saan mo balak kumain, Kief?" tanong ko sakanya, pag-iiba ng usapan.

"Tara sundan mo 'ko. May alam ako na malapit lang dito. Paglabas ng campus ay tanaw na." sabi nito at nauna nang lumakad.

Kinuha ko ang pagkakataon na ito para kunan siya ng litrato. Proof din kumbaga na kasama ko siya.

'Mamaya ay sana makakuha ako ng litrato naming dalawa. Sana pumayag 'tong lalaking 'to.'

Pagkatapos kong magpicture ay sinabayan ko na siya ng lakad.

Nakasunod lang ako sakanya hanggang sa makadating kami sa isang cafe.

Pagpasok namin ay tumingin ang lahat ng tao. May mga nagbubulungan at sinamaan ako ng tingin.

'As if gusto ko talagang makasama tong lalaking niyo. Ginawa ko lang to para sa pamilya ko. Chill everybody hahahaha'

Sabi ko sa isip ko lang syempre.

Ang mga empleyado naman at nagsitanguan at nginitian kami.

'Pati ba naman ang mga empleyado dito?'

"Saan mo gustong umupo?" tanong niya saakin

"Ikaw nang bahala basta magkatabi tayo." sabi ko sabay tingin sa kanya.

Nagiwas ito ng tingin at lumakad sa isang sulok malapit sa counter.

Maganda ang kabuuan ng cafe. Minimalist ang design at maganda ang vibe o awra nito.

Gusto ko din itong pasofa na upuan nila. Nauna na kong umupo dito at sumunod siya sa tabi ko. Inabutan na din kami ng menu ng staff pagkaupo.

Magsasabi pa lang sana ako na treat ko na itong pagkain namin ng biglang sabi niya na

Teen Agents By AccidentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon