KABANATA 2

11 0 0
                                    

Third Person's POV

Nasa isang di pamilyar na kwarto ang tatlong magkakaibigan.

Pare parehas silang nakapikit at mga walang malay. Marahil dahil sa pinaamoy sakanila ng mga taong nagdala sakanila dito.

Walang ibang makikitang gamit sa kwarto maliban na lang sa kanilang inuupuan at isang plastic na may lamang mga gamit sa sulok.

Ang ilaw lang na nakabukas ay ang nasa tuktok nila at ang iba naman ay nakapatay. Kahit ganon, maaaninag pa din ang bawat sulok dahil hindi naman ganon kalawak ang nasabing kwarto.

Nakaupo ang tatlo sa tig iisang upuan at ang mga kamay nila ay nasa armrest nito at naka automatic lock. Ganon na din ang kanilang mga paa.

Halos tig iisang yarda ang layo nila sa isa't isa. Nasa gitna si Serena. Nasa kanan niya si Callie at ang nasa kaliwa naman niya ay si Blake.

Makalipas ang ilang minuto ay naunang magising si Blake. Pagmulat ng kanyang mata ay di pa niya maaninag kung nasan siya dahil malabo pa ang kanyang paningin. Kumurap-kurap ito at nang umayos na ang kanyang paningin ay natigilan siya at napa-isip.

Blake's POV

'Hala ano 'to? Bakit kami nandito? Anong nangyari?'

"Serena! Callie! Gising!!" sigaw nito sa dalawa niyang kaibigan

'Ano ba yan haist! Pano na 'to? Kailangan naming makaalis dito. Hindi pupuwede 'to!' ani nito sa sarili at pagkatapos ay kumunot ang noo.

'Aray ang sakit ng ulo ko, argh! Pesteng mga lalaki yon, ba't kami pa natsempuhan na kunin?! Nakakainis naman!'

Nilibot niya ang kanyang paningin sa kwarto na tila naghahanap ng kung anong pwedeng gawin upang makatakas.

'Halos walang mga gamit, paano na kami makakatakas nito?' sabi nito sa sarili at biglang napatingin sa isang sulok.

'Ano kaya yan? Ano kayang laman niyan? baka pupwedeng magamit namin sa pag-alis dito.' napaisip siya.

'E pano naman kaya namin maaabot yon'

Third Person's POV

"Blake?" ani ng nasa kanan niya. Agad siyang napatingin dito. Nakita ni Blake si Callie na tila naguguluhan ang mukha. Nang magkatinginan sila ay bakas na ang takot sa mukha niya at tila naluluha luha na.

"Nasaan tayo? Anong nangyari? Bakit tayo nandito? Hala!Kinidnap tayo!! Blake anong gagawin --- "

"Huminahon ka Callie. Hindi tayo pwedeng magpanic ngayon." sabi ni Blake sakanya

Pinilit na huminahon ni Callie dahil alam niyang tama si Blake. Kung magpapanic sila ay mas lalong di sila makalalabas sa silid na iyon.

"Aray!"

Agad na napatingin ang dalawa sa isa pa nilang kaibigan dahil sa biglaang pagsigaw nito.

Nakita nila si Serena na nakayuko na tila iniinda ang sakit na nararamdaman nito.

Nang makaramdam si Serena na may nakatingin sakanya ay inangat na niya ang kanyang ulo. Nadatnan niya si Blake at si Callie na nakatingin sakanya na may halong pag-aalala.

"Serena anong masakit sayo?" tanong ni Callie

"Pagkamulat ko kasi biglang nanlabo ang paningin ko at bigla kong nahilo kaya napasigaw ako at napayuko." pagpapaliwanag ni Serena

"Hanggang ngayon ba?" si Blake naman ang nagtanong sakanya.

"Hindi medyo umayos na ng konti." sagot niya.

Teen Agents By AccidentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon