Third Person’s POV
Ito ay galing kay Propesor.
Ang dahilan ng pagkatunog ng mga selpon nila ay dahil mensahe na galing kay Propesor.
Iisa lamang ang natanggap nilang mensahe at ito ay:
From: Propesor
Nandito na ko sa opisina ko mga binibini. Ipinasusundo ko na kayong muli sa mga guwardiya. Hihintayin ko kayo.
Mas kinabahan ang tatlo. Maingat silang lumabas ng silid na iyon.
Mas naging maingat sila sa paglalakad, umaasa na hindi sila makikita ng mga guwardiya.
Ngunit pagliko nila sa isang kanto ay saktong nakasalubong nila ang mga ito.
‘Patay na.’ sa isip isip ng tatlo.
Nakadating na sila sa silid ni Propesor.
“Saan kayo galing mga binibini? Nagenjoy naman ba kayo sa paglilibot sa ating building?” tanong ni Propesor sakanila.
Kalmado ito na tila walang alam sa nangyare.
Wala ba talaga siyang alam,
O baka hindi pa niya alam.
Sumama na lang nang tahimik ang tatlo sa anim na mga guwardiya dahil kung tatakbuhan nila ito ay baka mas makahalata sila.
Sinagot naman ni Blake si Propesor.
“Opo naman. Maganda at malinis ang kabuuan ng building kaya gustong gusto namin.” Sabi nito.
Tumango tango si Propesor at ngumiti sakanila.
“Talagang maganda ito! Inaalagaan ang building na ito ng mabuti.” Tugon naman sakanya ni Propesor.
Awkward na tumawa ang tatlo.
“Opo kita naman po naming kanina.” Sabi ni Serena sa pinakaseryoso niyang tono.
Medyo kumakalma na ang mga dalaga ngunit nagbago ito nang biglang nagbago ang ekspresyon ni Propesor.
Naging seryoso ang nakangiti niyang mukha.
Naging nakakatakot ang mga kalmado niyang mata.
Ang kamay niya na naka rest lamang sa kanyang lamesa ay ngayong nakakuyom na ang mga palad niya.
“Talaga ba mga binibini?” sa tono nito ay parang nanghahamon ito.
“E kamusta naman ang pagpasok sa ipinagbabawal kong silid? Anong pakiramdam?”
Tanong ni Propesor dahilan upang sobrang bumilis ang tibok ng puso ng tatlo.
Nanlaki din ang mga mata nila at tila napipe at hindi alam ang sasabihin.
“SAGOT!” Pasigaw na sabi ng Propesor sa tatlo.
Tumayo na siya at hinampas ng malakas ang lamesa na nasa harap nila dahilan upang mapatalon sa gulat ang mga dalaga.
“HINDI KAYO SASAGOT?!” pasigaw na tanong muli ng Propesor.
Napaiyak na sa takot ang tatlo.
Nagdasal na lamang sila na sana’y tulungan at protektahan sila ng Panginoon.
“HUWAG NIYO KONG IYAKAN DIYAN, BAKIT KAYO NAGPUNTA DON?!” sigaw muli ng Propesor na mas lalong nakapagpaiyak sakanila.
Mas malakas ang sigaw nito kaysa noong mga nauna kaya takot na takot ang tatlo.
Sumenyas ng kung ano si Propesor sa mga guwardiya.
Sapilitang kinuha ng tatlo sa anim na guwardiya ang mga kamay nila. Tinali nila ito sa likod ng upuan para hindi sila makapalag.
BINABASA MO ANG
Teen Agents By Accident
Teen FictionHindi inaasahan ng tatlong dalaga na magkakaibigan ang mapabilang sa isang secret agent task force. Madami silang makikilala na mga tao at mapagdadaanan na mga pagsubok. Hanggang saan kaya aabot ang kanilang pagiging teen agents?