KABANATA 6

1 0 0
                                    

March 5, 2020 Thursday

Third Person’s POV

Napagtagumpayan na ni Callie ang kanyang plano na makakuha ng ebidensya.

1 down, 2 to go.

Meron na silang isang ebidensya na magpapatunay na sangkot nga sa droga ang pamilyang Manansala.

Kung tutuusin ay pupwede nang di ipagpatuloy ni Blake at Serena ang mga kanya kanyang plano, ngunit hindi sila ganon.

Ang gusto nila ay patas ang gawain nilang tatlong magkakaibigan.

Pare-parehas silang makikinabang kaya pare-parehas dapat silang kumilos.

Serena’s POV

“Miguel Manansala, miss, but I prefer that you call me Migz.” Sabi nito sabay tugon sa kamay kong nakaabang.

‘Ang lambot ng kamay, halatang mayaman. Nakakahiya naman sakanya yung akin ang gaspang’

Kaya pagtapos ay agad kong binawi ang kamay ko.

“Tikman mo na yan! Sabihin mo kung anong lasa for feedback hehe.” Sabi ko nang nakangiti sakanya.

“Mamaya na medyo busog pa ‘ko e. Kakakain ko lang kasi.” Sabi nito at hinawakan ang tyan

‘Parang hindi naman. Hindi nga nalaki tyan mo.’ Sabi ko sa isip isip ko.

Bago pa man ako makapagsalita at gumawa ng paraan para makasama ko pa siya ng matagal ay ito na ang nag-aya.

‘At talagang pinapadali mo pa ang trabaho ko, Migz.’

“Plano ko sanang maglakad lakad para bumaba mga kinain ko kaso wala kong kasama.” Sabi nito na tila nagpaparinig

“Yung mga kaibigan ko sa cafeteria panigurado mga nagsiuwian na ‘yon.” Dagdag pa nito.

Yung mukha niya pa parang lugmok na nagpapaawa. Hindi bagay hahaha.

Ginantihan ko naman ang mga halatang pagpaparinig niya.

“Ako din sana, kakakain ko lang din kasi. Kaso wala ding kasama.” Parinig ko din sakanya.

“Parehas pala tayo no?” sabi nito sabay harap sakin nang nakangisi.

“Oonga e, same. Tayo na lang kaya?” sabi ko sakanya sabay harap at ganti sa ngiti at titig niya.

Nahalata ko sakanya na medyo nagulat siya sa sinabi ko pero agad din itong nakabawi at mas lalong nangiti.

Hindi siguro sanay sa mga babaeng ganon. Palibhasa siya ang laging ganon. Sa mga kwento pa lang na naririnig ko sa campus.

“Tara tayo na lang. Payag ako. Ikaw payag ka ba?” hamon nito sakin.

“Oo naman, bakit hindi?” pagtapos ay sinukbit ko ang kamay ko sa braso niya.

“Tayo na lang… ang sumama sa isa’t isa. Tara na!” sabay hila ko sakanya sa kung saan.

Ni hindi ko alam kung saan ko siya dadalhin. Napansin ko na kasi ang mga estudyante na nakatitig sa amin. Ayoko namang maging center of attraction.

Nang medyo nakalayo na ay tumigil na ‘ko sa kakahila sakanya. Binitawan ko na din ang braso niya.

“Teka saan ba tayo? Ikaw na magdecide.” Sabi ko sakanya.

“Ikaw na, kahit saan okay lang sakin.” Sabi naman nito.

“Wala din akong maisip. Kaya nga ikaw na lang. Kung ayaw mo, edi dito tayo.” Sabi ko sakanya at akmang uupo sa sahig.

Teen Agents By AccidentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon