March 4, 2020 Wednesday
Third Person’s POV
Nagkanya kanya na ang tatlong magkakaibigan sa kani kanilang misyon. Ang dapat na magawa nilang ngayong araw ay mapansin at mameet nila yung tatlong lalaki.
Dahil sa misyon na ito ay napilitang mag-ayos ang tatlo. Hindi katulad ng normal nilang ayos na simple lang.
Napag-usapan nila na ayon muna sa araw na iyon at sa mga susunod pa ay dapat makaaksyon na sila’t makakuha na sila ng ebidensya.
Ebidensya na nagpapatunay na ang kanilang principal ay pinangungunahan nga ang isa sa pinakamalaking operasyon ng droga sa bansa.
Bago lumakad at umaksyon si Callie ay tiningnan niya ang kanyang sarili.
Nakahighponytail siya. Hindi na siya masyadong nag-ayos ng mukha dahil P.E. nila ngayon. Sakto nga at may naisip na siyang ideya.
Inahit niya ang kanyang kilay at nag curl ng eyelashes pagkatapos ay nagliptint lamang. Maliit na bagay lamang pero tumaas na ang confidence niya dahil dito.
Ang dalawang kaibigan naman niya ay tapos na sa subj na ito kaya free time nila at kanya kanya na ding gumawa ng aksyon para sa kanilang misyon.
Callie’s POV
Mabuti na lang talaga at P.E. ko ngayon. Makakagawa ako ng paraan.
‘Alam ko palaging nanonood iyon ng P.E. namin ng gantong araw e.’ Luminga linga ako sa paligid, hinahanap ang aking target for the day.
“Bingo.” Mahinang sabi ko nang makitang nasa gilid ng field ang binata kasama ang mga kaibigan niya.
Kiefer Manansala. Panganay na anak ng may-ari ng kanilang paaralan. BSA ang course. 2nd year college. Kilalang player at womanizer kuno sa kanilang paaralan. Bukod sa anak nga siya ng may-ari at mapera ay talagang masasabi mong may itsura ito.
“Okay class ayos na ba kayo lahat? Magsisimula na tayo!” ani ni Sir Franco sa aming klase.
“Opo sir!” sagot naming lahat sa kanya.
Soccer ang sports na inatas sa klase namin ngayon. Konting mga drills at paglalaro lang at tapos na ‘tong klase.
‘Dapat mabilisan kong makuha atensyon nito. Sana lang talaga ay maexecute ko ng maayos ang plano ko.’
“Okay good. Stretching muna class. 15 minutes GO!” sigaw nanaman ni Sir sa klase.
Habang nagsestretching ako ay nilibot ko ang aking paningin sa field.
Wala masyadong tao. Mabuti na lang at konti lang makakakita sa tanga tangahan ko.
Tumango tango ako habang iniisip ang aking pagpapapansin at habang nakahawak sa kanang paa ko bilang pagsestretching kuno.
‘Alam ko na ang gagawin ko execution of plans na lang talaga’ Sabi ko sa aking isip.
Matapos ang 15 minutes ay pinagjogging naman kami paikot ng field. Pagkakataon na para sa plano: Ang pagpapapansin para makuha ang atensyon niya at makilala niya ako.
‘Sana lang ay umepekto beauty and charms ko dito.’ Sa isip isip ko habang nagreready na para sa pagjogging…
Pero syempre biro lang. Ang dapat pala ay ‘sana lang ay umepekto ang pagkatanga tangahan ko dito’
Medyo linuwagan ko ang tali ng sintas ng sapatos ko. Sana lang ay sumakto ito sa pagtanggal. Hays sana naman.
Nagsimula na kaming magjogging lahat. Sampung paikot daw pero ang pinlano naming magkakaklase ay pito lang hahaha.
BINABASA MO ANG
Teen Agents By Accident
Genç KurguHindi inaasahan ng tatlong dalaga na magkakaibigan ang mapabilang sa isang secret agent task force. Madami silang makikilala na mga tao at mapagdadaanan na mga pagsubok. Hanggang saan kaya aabot ang kanilang pagiging teen agents?