Third person's POV
Napagtagumpayan ng tatlong magkakaibigan ang kanilang sari sariling mga misyon.
Nakakuha na din sila ng mga ebidensya laban sa kanilang punong-guro na si Sir Manansala.
Salamat na lang sa mga anak nito na siyang nahulog sa patibong ng mga dalaga.
Ang buong akala ng mga dalaga ay mahihirapan sila sa pagkuha ng ebidensyang kailangan nila upang makuha ang reward kay propesor.
Ngunit akala lang pala nila ito. Sa isang araw lamang ay sabay-sabay nilang nakuha ang kanilang mga kailangan.
Hindi na makapaghihintay sila Callie, Serena at Blake na ibalita ito kay propesor. Tiyak na matutuwa ito sa kanila.
Pagkadating nila sa kanilang dorm, pagkatapos nila makuha ang litrato ng mga ebidensya ay agad na silang nagpahinga.
Kinabukasan pagkagising nila ay saka lamang sila nakapag usap usap.
"Magandang umaga sa inyo!" ang sabi ni Blake sa dalawa niyang kaibigan.
"Magandang umaga din!" ang sabi naman ni Serena habang kinukusot kusot pa ang kanyang mga mata.
"Hayyy magandang umaga!" ang sabi naman ni Callie habang nag-iinat inat pa sa kanyang higaan.
Maganda ang mood ng tatlo sa kanilang paggising, marahil ay dahil ngayong araw na sila pupunta kay Propesor.
"Pagkauwi ko kahapon ay nadatnan ko na kayong tulog kaya hindi ko na kayo inabala pa at ginising" sabi ni Blake na siyang huling naka-uwi.
"Grabe din kasi ang pagod namin sa misyon kahapon" sabi ni Callie
"Totoo. Labis akong nag pagod pero worth it naman ang lahat ng pagod natin hindi ba?" ani ni Serena
"Patungkol nga pala doon, patignan ng mga nakunan nyong ebidensya" dagdag pa niya.
Pagkasabi nito ni Serena ay agad na kinuha ng tatlong dalaga ang kani-kanilang cellphone.
Excited pa sila na ipakita at ipagmalaki sa isa't isa ang kanilang pinaghirapang kunin.
"Ako na ang unang magpapakita dahil ako din naman ang unang umaksyon. Pagkatapos ko naman ay si Serena at ang huli ay ikaw Blake." Pangunguna ni Callie.
"Handa na ba kayo? Eto na at ipapakita ko na" natatawa at pabitin pa na sabi ni Callie.
Una niyang ipinakita ang kanilang litrato na magkasama.
Kinomentuhan agad ito ng mga kaibigan niya.
Pagkatapos ay ang mga litrato na kanyang nakuha habang nakatalikod si Kiefer.
Namangha ang dalawa sa taglay na kagwapuhan ng binata at tinukso tukso pa ang kanilang kaibigan.
"At eto na ang aking nakalap na ebidensya" sabi ni Callie.
Ipinakita niya na ang litrato ng isang box na may laman na sa tingin niya ay droga.
Nang makita ito ng dalawa ay napakunot ang kanilang mga noo at napa-isip.
"Parang pamilyar ang litrato mo na iyan." ani ni Blake na tinutukoy ang larawan ng ebidensya ni Callie
"Hindi." pagtanggi naman ni Serena. "Hindi ang mismong larawan na kinuha niya ay ang pamilyar. Sa tingin ko ay iyong box ang pamilyar." sabi nito sabay tingin muli sa litrato sa selpon ni Callie.
Pagkasabi niya nito ay dali daling kinuha ni Blake ang kanyang cellphone ganun na din siya mismo.
Binuksan nila ang kanilang kanya-kanyang cellphone at agad na pumunta sa gallery upang tingnan ang sarili nilang kuha ng ebidensya.
BINABASA MO ANG
Teen Agents By Accident
Teen FictionHindi inaasahan ng tatlong dalaga na magkakaibigan ang mapabilang sa isang secret agent task force. Madami silang makikilala na mga tao at mapagdadaanan na mga pagsubok. Hanggang saan kaya aabot ang kanilang pagiging teen agents?